Ilang araw na ang nakalipas. Ilang araw na rin hindi maipinta ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Palagi itong may kausap sa phone at umaalis nalang bigla. Tulad ngayon nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap tungkol sa marketing proposal ng may tumawag sa kanya.
Tumayo ito pagkasagot ng tawag at naglakad sa hindi kalayuan sa akin. Humarap ako sa mga dokumentong nakapatong sa table at chineck ito isa-isa.
“Did you find her?”, narinig ko ang boses nitong nagtatanong sa kausap niya sa kabilang linya.
“Who's her?”
Tumingin ako sa direksyon nito. Kahit nakatalikod ito ay malalaman mo ang expression ng kaniyang mukha base sa kanyang pagsasalita.
Dahan-dahan akong nag-aayos ng mga folders pero ang totoo ay pasimple akong nakikinig sa kaniya at kausap nito sa telepono.
“I only have a few days left, Czek. We have to find her as soon as possible.”, iritado ang boses nito.
Napatingin ako sa kanya nang bumalik ito sa harapan ko at umupo. Pinatayan na pala nito ang kausap niya sa telepono. He looked so frustrated. Nag-iwas ako ng tingin ng biglang dumako ang mga mata nito sa akin.
Tumingin ako sa mga hawak kong folders at kunwaring may ginagawa.
“Where did we stop?”, he asked, irritated.
“Here, sir,”, I said as I pointed out my index finger to the part where we stopped.
Natapos naman kami agad at bumalik na'ko sa desk ko. Inasikaso ko 'yong ibang files at pumunta sa Marketing Department para ipa-revise ang ginawa nila.
“Revise mo daw sabi ni Boss.”, sabi ko kay Louise at hinagis sa lamesa niya ang folder.
“Mama mo, revise.”, natawa ako sa sinagot nito. Busy ito habang nagtitipa sa computer niya, mukhang maraming siyang kailangan gawin at tapusin.
Umupo ako sa harap nito at sumandal.
“Hoy, anong nangyari pala kagabi?”, tanong ko sa kaniya. Nag-aaya kasi siya lumabas at iba pa naming kaibigan kaso hindi na ako sumama dahil may tinapos pa ako.
Tumigil ito sa pagtitipa at masamang tinignan ako.
“Edi kung sumama ka, hindi ka nagtatanong ngayon?", inirapan ako nito. Natawa naman ako sa katarayan nitong tao na'to, sarap yakapin sa leeg.
“Ano nga?!”, pangungulit ko.
Bumalik ito sa pagtitipa at nagsalita.
“Kumain lang tapos umuwi na agad 'yong tatlo.”, She was referring to our three other friends.
“Ba't?”, I asked while I took a chocolate from her candy glass jar on the side.
“May gagawin pa daw sila tsaka gabi na daw.”, she answered seriously, her eyes fixed on the computer.
“Ah!, Edi ikaw nalang naiwan mag-isa?", tanong ko habang kinakain 'yong chocolate.
“Oo, dumeretso ako bar. Coz, why not?”, natawa ako ng nagkibit-balikat pa 'to at tinaas ang dalawang kilay.
“May gwapo?”, tanong ko pa.
Nangingiti itong humarap sa akin at tumango. Mukhang may ginawang kalokohan ang tinginan ng babaeng 'to ah.
“Anong ginawa niyo?”, nanliliit ang matang tinignan ko ito habang may ngiti sa labi.
“Wala.”, She pressed her lips together to stop herself from speaking.
“Sa itsura mong 'yan, hindi halatang wala ka talagang ginawa!”, natatawang sabi ko at binato sa kaniya ang balat ng chocolate.
“Wala nga, nag-ano lang kami. You know, “painit” gano'n.”, Parehas kaming natawa sa sinabi niya. Parang others lang, ayaw pa diretsahin nang maayos.
YOU ARE READING
AT MY LOWEST ( Ongoing )
RomansExperiences, lessons, heartbreak, and grief are all part of life. But when will I be able to live without suffering, fear, and trauma? How can I make the most of my life if I'm surrounded by pain, worries, and difficulties? When I need help, where d...