Pinilit kong bumangon kahit nanghihina pa ang buong pagkatao ko. Pagkagising ko ay wala na sa tabi ko si Lucas. Last night was very tough for me to sleep kaya anong oras na rin ako nakatulog. I'm afraid I might wake up from a nightmare.
Tumayo ako’t dumiretso sa bathroom at nag-ayos ng sarili. Pagharap ko sa salamin ay bumungad sa akin ang magang mga mata ko. I cried a lot last night. Nagsimula na akong maghilamos at nagsipilyo. Napahinto ako sa pagpupunas ng labi ko noong maalala ang nangyari kagabi. Napahawak ako sa labi habang inaalala ang ginawa ni Lucas kagabi.
He kissed me.
“That was my first kiss.”, mahinang ani ko habang nakatulala pa rin sa salamin.
Pumikit ako at huminga ng malalim.
“Wala lang 'yon.”, pagkumbinsi ko sa sarili.
Inalis ko na sa isip ko ang nangyaring iyon at lumabas na. Napahinto ako sa paglalakad noong makita si Lucas sa sala, naglilinis. Agad akong umiwas ng tingin noong nagkasalubong ang mga mata namin.
“Good morning..”, bati nito.
“Morning..”, maikling sagot ko.
“I already prepared your breakfast.”, tumango lang ako at pumunta na sa kusina.
Pagdating sa kusina ay may naka-prepare na nga na breakfast. I walked into the utensil drawer and pulled it out to get a spoon. I put the spoon in the fridge to cool. Pagkaraan ay hinatak ko ang isang upuan at naupo na para kumain.
Habang kumakain ay nag-iisip ako kung ano ang gagawin ko ngayong araw. Sa totoo lang ay parang ayaw gumalaw ng katawan ko. Kakagising ko lang pero parang pagod na pagod na agad ako. Wala akong gana.
Inubos ko nalang agad ang pagkain ko at kinuha ang kutsarang nilagay ko sa fridge. Idinikit ko iyon sa mga mata ko para kahit papaano ay mawala ang maga nito. Pagkatapos ay lumabas ako at tumulong kay Lucas na maglinis.
“Ako na r'yan.”, wika ko at kukunin na sana sa kaniya ang walis.
“No. Let me do this.”, aniya at iniiwas ang walis na hawak para hindi ko makuha.
Nakipagtitigan ito sa akin. Napaiwas ako ng tingin at tumikhim nang dumako ang mata nito sa labi ko. Nagpaalam na'ko at agad naglakad papasok sa kwarto para roon maglinis habang siya ay pinagmasdan ako hanggang sa makapasok at saka ipinagpatuloy ang paglilinis.
Maya maya ay bumukas ang pinto at pumasok si Lucas. Hindi ko ito pinansin at tumalikod para maghanap ng iba pang gagawin. Napahinto ako noong pumunta ito sa gawi ko.
“Kukunin ko lang 'yung laptop ko..”, aniya.
Agad akong gumilid para makuha niya ang laptop niyang nakapatong sa study desk dahil nakaharang pala ako ro’n. Pagkakuha nito ay humarap ito sa akin at nagsalita.
“Tatapusin ko lang 'yung ibang papeles.”, napakunot naman ang noo ko. Bakit niya sinasabi pa sa akin?
“Okay…”, sagot ko at napatango-tango nalang sa kaniya. Napatango rin ito at lumabas na.
“Shit… ang awkward..”, bulong ko pagkalabas nito.
It was so awkward when he was around me. I always remember that kiss last night whenever I see him.
Nandito ako ngayon sa kusina habang busy sa laptop niya si Lucas. I'm baking some cookies to somehow get rid of my thoughts. I need to divert my attention to other things, which is why I decided to make some cookies.
Nilagay ko na sa oven ang ginawa ko at sinet ang timer. Pagkatapos ay hinugasan ko ang mga gamit na ginamit ko kanina sa pagb-bake. Pagkaraan ay nagpunas ako ng kamay at kinuha ang cellphone ko sa lamesa nang tumunog ito.
YOU ARE READING
AT MY LOWEST ( Ongoing )
RomanceExperiences, lessons, heartbreak, and grief are all part of life. But when will I be able to live without suffering, fear, and trauma? How can I make the most of my life if I'm surrounded by pain, worries, and difficulties? When I need help, where d...