1st Chapter

37 2 1
                                    

Her smile.

Her scent.

The way she tucks her hair behind her ear.

Her Golden brown straight hair.

Those sweet little eyes.

"A part of me wants you."

---
JAJA'S POV:

Nakaupo ako sa desk ko sa bandang dulo, with my circle of friends. Wala pa kaming teacher kaya nagtutumpukan kami sa isang gedli para mag chismisan. You know. Girl thingszx.

Si Bei.

Naka-upo sya sa desk nya sa tabi ng bintana. Naka-tagilid sya ng konti habang tumatawa dahil sa kwentuhan ng mga barkada, while writing on her journal. She always bring it with her, at nagsusulat s'ya lagi doon whenever she likes. Pero wala pa ni isa sa amin ng barkada ang nakabasa sa kung ano man ang mga sinusulat nya doon.

'S e c r e t daw'

Mula sa pwesto ko, sa akin sya banda nakaharap. Natatamaan ng araw ang straight at golden brown nyang buhok, pati narin ang kanyang kaliwang mata at pisngi.

Napatingin ako sa kanya na tuloy parin ang tawa.

Tila nag slowmo ang paligid at sya lang ang nakikita ng mga mata ko.

Kelan ba nagsimula ito?

Kelan ko ba naramdaman na iba na pala ang nararamdaman ko para sa kaibigan ko?

Hindi.

Baka dahil sobrang bait lang kasi nya sa lahat kaya ganito ako. Napagkakamalan ko lang na iba yung feelings ko.

Bat naman ako mai-inlove sa kapwa ko babae? Hello? Ano ako?

"Hoii Ja !"

Bumalik ako sa sarili ng alugin na ako ni Shey na nasa kanan ko.

"Kanina ka pa nakatulala jan. Tara na sa canteen. Di daw papasok si Ma'am Trocio."

Napabuntong hininga ako.

Ano bang nasa isip ko?

"Tara na, Ja." Pag-aaya ni Bei. At lumingkis na sya sa sa kaliwang braso ko. Si Shey naman kumapit sa kanang braso ko. At yung iba nauna na.

Ganito kami lagi pag lumalabas ng room. Parang mga sundalo na magkakasabay lumakad at hindi mapaghihiwalay ng kahit na sinong makasalubong namin. Sila ang mag-a-adjust at tatabi para lang mabigyan kami ng daan.

Nung nasa canteen na kami, nakasalubong namin si Troy. Yung manliligaw ni Bei.

Psh.

'Di padin ba yan napapagod? Nakailang basted na si Bei jan sa mukhang kulugo na yan ah?'

Bulong ko sa sarili ko.

Bigla itong naglabas ng isang boquet ng mga pulang rosas. As usual, nagtilian lahat. Parang mas masaya pa sila sa binigyan.

"T-Thanks Troy. Pero di ka na dapat nag abala." Nakangiting sabi ni Bei, pagkakuha ng bulaklak. Mabait talaga sya. Di marunong mamahiya.

Pabor na pabor din naman yung mga barkada namin sa manliligaw nyang yan actually. Ako lang naman yata ang hindi. Sa kadahilanang hindi ko din alam. Di ko lang sya siguro feel. Ewan. Di ko din talaga alam.

Di naman sya literal na mukhang kulugo. Gusto ko lang syang tawagin na ganon. Maayos naman sya manamit. Di naman sya jologs. Di din naman sya jejemon. Lalong di naman ganun ka-pormal na tila may bisita iglesia laging dadaluhan. Marunong naman sya magdala ng damit at maayos sa sarili. Mabango at may ibubuga naman sa paaralan, di panay pa-pogi lang. Kasali din sya sa varsity kaya medyo may mga fans din.

Matangkad sya. Sporty, matalino, may kaya sa buhay. May sariling kotse nga agad yan eh. May driver lang kase minor pa. Kaya siguro bet na bet ng mga beshie ko. May pa-free ride kase, tuwing kailangan ng masasakyan, one call away lang sya.

Mabait din naman sya at marespeto.

DI.

KO.

LANG.

TALAGA.

SYA.

TRIP.

Sa haba-haba ng intro ko tungkol sa kanya ay ang ending, di ko parin sya gusto.

Actually, hindi lang naman ako.

Gaya ng sabi ko kanina, nakailang basted nadin si Bei sakanya. Sa hindi din namin alam na dahilan. Kumbaga, lahat na nasa kanya. Full package na kumbaga pero dedma talaga yung presensya nya sa kaibigan namin.

Di naman namin pinipilit tanungin si Bei syempre. Basta ang sinasabi nya lang ay focus muna sya sa studies, plusssss Pastor ang dad nya kaya siguro medyo mahigpit talaga pagdating sa mga ganung bagay.

Pero ano to? Bat may pa-bulaklak na naman tong si Kulugo?

"Sorry Bei, Wala kasi ako sa birthday mo next week. Kaya in-advance ko na yung regalo ko sayo." Ani Troy sa pagkatamis-tamis na ngiti. Kagatin ka sana ng mga langgam jan.

Maya-maya may inilabas sya mula sa kaliwang kamay nya na nakatago sa likuran nya kanina pa. Isang heart-shaped box ng ferrero chocholates. Taray, daming budget ni kuuuups.

Ayun, inabot nya ulit kay Bei. Edi syempre, nagtilian na naman yung mga beshie ko sa kilig. Huy! Kayo ba yung binigyan? May pa-hampas-hampas pa sa braso ko tong si Jelai. Isa sa mga kaibigan namin. Wag ako Jelai ha. Sinasabi ko sayo. Di ako natutuwa. -___-

Nung pauwi na kami, nagkatanungan kami tungkol sa bakit di pagsagot ni Bei kay Troy. Ewan ko ba dito kay Jelai, alam naman naming lahat ang sagot pero tinanong padin.

"Ano bang wala kay Troy ha Bei? Bat di mo sya sinasagot? Okay alam namin na pinagbabawalan ka pa ni Tito pero, what if .. what if lang naman na kung okay lang sakanya. May chance ba na sagutin mo sya?"

Seryosong tanong ni Jelai.

Naglalakad na kami patawid ng pedestrian.

"Kase ..."

Lahat kami naka-abang sa isasagot nya.

"Eh, basta."

Bigla nyang baling ng sagot.

"Ano ba yan. Ayaw pa sabihin eh. Pakaduga talaga nito." -Jelai

"Wala ka bang tiwala samin?" -Shei

"Kala ko pa naman friendships tayo. Walang secret-an" -Nica

"Weeh, baka naman may ibang trip kaya ayaw." Pang-aasar ko.

Bigla syang huminto sa paglalakad. Nasa unahan ko sya, kahilera nya sila Nica at Jelai.

Napa-hinto din kami sa paglakad syempre. Tapos walang harap-harap na sinabing "Meron ..."

Saglit na katahimikan.

"Kaso di pwede" Pagdudugtong nya. Tas nagpatuloy na ulit sya sa paglakad.

Naiwan kaming lima na na naka-hinto at nagtitigan.

"Omg." -Nica

"Narinig nyo ba yun?" -Shey

"Halaa, in love ang beshiee natin!" -Jelai

"Ang tanong... Sinetch itech?" -Julie

Tuloy lang sila sa pag-uusap habang ako, tahimik lang. 'Meron' Parang kalembang ng kampana na paulit-ulit tumutunog sa utak ko.

Oh, bakit ako affected? Ano naman kung meron syang gusto?

As if naman na magiging ........


Kame.

~


Authors Note:


Please leave a comment if you enjoyed reading. I appreciate suggestions, and don't forget to VOTE and follow. :)

SHE/HER (On-going)Where stories live. Discover now