3rd Chapter

23 2 3
                                    

"Seryosoooo? Ginawa ni Bei yun?" Napataas na tono kong tanong kay Nica. Habang inilalapit ko yung tenga ko sa pisngi nya para marinig ko ng mariin yung imini-mosang nya.

Nasa canteen kami ngayon, inaantay namin si Bei at Jelai na kumuha ng inorder namin.

Wait.

Di talaga ako makapaniwala.

"Oo nga, Hinanap ko nga kayo kaso bigla kayong nawala. San ba kase kayo nag-punta? Kayo ah, nagsosolo kayo ng trippings dalawa ah." Ani Shei na nagkakamot pa ng ulo habang nakanguso.

Kumakalabog yung dibdib ko.

Uy teka, ano ba to? May ineexpect ba ko?

Pakiramdam ko namumula na yung mukha ko, kasi ang init na ng nararamdaman ko lalo na yung tenga ko.

Ano ba nangyare samin nun? Bat kami nawala?

Tae, wala talaga ko matandaan sa nangyari. As in black out talaga.

Ang huli ko nalang natandaan nung gabing yun eh yung inabutan pa ko ng isa pang tagay ni Jelai, di ko nga matandaan kung nainom ko yung shot na yun. Wala talaga.

"Huy, anong pinagbubulungan nyo jan?"

Biglang napa-igtad kaming tatlo nila Nica at Shei.

Si Jelai lang pala.

Umupo na si Jelai sa May mesa namin at inilapag ang bitbit nyang spaghetti, mga snacks at sandwiches na binili nya.

"Eh kasi nga .." Ani Shey.

Tapos sabay-sabay kaming napalingon kay Bei na papalapit na samin at may bitbit na tray ng mga softdrinks.

"Problema nyo? Para kayong nakakita ng magandang multo ah." Ani Bei pagkalapag ng tray sa mesa namin. Umupo narin sya.

"Eh kasi 'tong mga mosang na 'to. Nag chu-chu-chu na nagsosolo trippings daw kayo ni Jaja at hindi nyo kame sinama nung gabi ng birthday mo."

Hayf ka, Traidor ka Shey. Sayo nga nanggaling yun.

"HAHAHAHAHAHA !"

Hagalpak na tawa ni Bei. Halos mabulunan na kahit wala pang laman ang bibig, partida.

"Mga legendary mosang talaga kayo. Di kami nag trippings alone noh. Ano lang, may inano lang."

"Inano?" Sabay-sabay naming tatlo sinabi with our serious faces.

"Ja, wala ka ba talaga matandaan?" Napabaling ng tingin sa akin si Bei. Parang seryoso to ah.

"Kung meron lang, sana di ako nagtatanong diba? Ano ba kase yon? Ano bang ginawa natin?"

Gustong-gusto ko lang naman din kasi malaman kung anong nangyare para di masayang yung nerbyos ko.

"W-wala. Hahahaha. Ano ba kayo. Lasing na kasi si jaja non diba? Kaya pinag rest ko na sya. Tas nag suka kasi sya kaya dun kami nadaan sa may likod. After nun pumunta na kami sa sala, pinahiga ko sya sa sofa. Yun lang yun." Pagtatapos nya.

Ah, yun lang pala yun. Bat ba parang nag e-expect ako ng more? Ano pa ba dapat yung ine-expect ko? Ano ba namang gagawin sakin ni Bei dun sa likod. As if naman pagsasamantalahan nya ang isang mahinang babaeng tulad ko na nasa impluwensya ng santong ispirito ng alak. Malamang ako yung pinaka wasted saming lahat nun kaya ako yung inalalayan nya, di naman sya uminom at hindi sya pwede. Makakatikim talaga sya ng holy kick mula sa tatay nya pag nagkataon.

HAHAHAHAHA ! Me and my praning mind.

"Anyways, Nakakapagtaka lang kasi di ka naman biglang nawawala sa mga parties natin. I mean, yung kakaladkarin mo nalang bigla isa samin na parang stuff toy lang na kinuha mo sa aparador, na walang sabi-sabi. It's just not you."

Wow sa example ah.

"Yaah, usually kasi nagpipicknick ka lang sa gedli  twing may party. Hindi yung bigla kang nagiging ghost. Nawawala sa paningin namin. Si Ja, always naman yan lasing kaya di na bago samin na mawala yan. Last time nga sa cr na natin nakikita yan diba? Kinabukasan pa. HAHAHAHA !"

"Girrrrl, ginawa mo talagang bedroom yung cr, literal !"

Hagalpakan sila ng tawa na kala mo naman talaga nakakatawa yung naalala nila. Teka, bat sakin napunta yung issue?

"Hoi, pinagkaka-isahan nyo na ata ako ah."

Teka, maiba tayo. Hui Jaja, Di ka ba pinagalitan ng mama mo nung umaga ka na umuwi galing sa birthday?

-------

"Hinatid ka pa dito ng kaibigan mo nung umaga na. Nakakahiya ka. Sa ibang bahay ka pa talaga nakitulog. Dalhin ko na kaya mga damit mo don at dun ka na tumira?"

Eto na nga ang pinaka-kakatakutan ko. Ang boses ni mama na non-stop medley. Isang linggo to bago tumigil.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng ...

"Hinatid? Sino naghatid sakin?"

"Lagi ka naman hinahatid, bat kunwari ka pang nagulat jan?" Sabi ni mama habang naghahanda ng hapunan sa mesa.

Eh kasi naman as far as I remember lahat kami wasted nun eh except kay Bei, kasi sya lang yung di umiinom. Sooo that means ...

"Kung classmate mong maganda ate." Singit nung kapatid kong nakafocus naman yung paningin sa nilalaro nya sa cellphone.

"S-si Bei?"

"Oo. Panay nga ang sorry kase nalasing ka daw. Eh lagi ka naman lasing pag galing ka sa bertdeyhan. Mas magugulat pa nga yata kami pag umuwi ka dito sa bahay na di ka lasing ate."

Itong si abdul na to, sigurado ako eto ang nagmana kay mama eh. Pwede naman sumagot ng oo o hindi, ang dami pang hanash eh.

OMG ! Kela Bei ako natulog? I mean, di ko naman first time makitulog dun.

Pero yung ... kaming dalawa lang?

Huii, bakit parang kinikilig ako?

O______o

~

A/N:

Please leave a comment if you enjoyed reading. I appreciate suggestions, and don't forget to VOTE and follow. :)


SHE/HER (On-going)Where stories live. Discover now