4th Chapter

9 2 1
                                    

"Hui ano to? Sino naglagay nito dito?" Bulalas ko sa gulat pagkabukas ko ng locker ko. Kakatapos lang kasi ng P.E. namin. Magpapalit na sana ako ng damit dahil sobrang daming pawis at nanlilimahid na sa pinaghalong buhangin at alikabok ang suot kong P.E. uniform.

Dali-dali namang nagsilapitan ang mga shrimp kong friends at nakisilip na sa tinititigan ko sa loob ng locker ko.

Pero sabay-sabay din sila nagsi-alisan pagkakita sa kung ano yung nasa loob.

Luh, ano to? Mga wala man lang kayong ambag na kabuti-buti para sa mental health ko.

"Ano, mga walang reaksyon? Yun na yon?" Pagsusungit ko, habang naka cross-arms.

"Ja, tigilan mo nga kame sa mga trip mo. Di mo kami malilinlang." Ani Nica habang patuloy sa pagaasikaso sa mga gamit nya sa may bench sa tapat ng locker nya.

"T R I P ? Hoi excuse me? Ano, ako naglagay nito  dito?"

"Madami na kaming problema Ja. Wag mo ng dagdagan pls." Sabi naman ni Shey na nagpapalit ng sapatos.

"Aba talaga. Kaibigan ko ba talaga kayo? Bat ganyan kayo mag-isip sakin? Di pa ko ganun ka-desperada noh."

Medyo naiiyak na ko at tumataas na din tono ng boses ko. Pano ba naman, pagbintangan ba naman akong ...

"Ano ba yung nanjan sa loob Ja?" Tanong ni Bei na papunta na sa pwesto ko para silipin yung loob ng locker ko.

Ikaw lang talaga ang true friend ko. T____T

Itinatakwil ko na ang tatlong to' na wala man lang magandang maiambag sa buhay ko, kundi mamburaot.

"O-m-g" Pabulong na sabi ni Bei habang nakapako parin ang paningin sa loob ng locker.

"Ano? Anong say mo?" Sabi ko.

"Ang cutie naman ng picture natin dito." :>

Ha? Ano bang tinitignan nya?

Sumilip ako sa may pinto ng locker ko. May nakadikit kasing litrato ng frat naming lima don. Frat-ing gutom, frat-ing lasing, frat-ing galit.

Take-teka !!! Hindi naman yan yung tinutukoy ko eh ! Okay sana to si Bei, May sipon lang sa utak minsan.

"Di naman yan eh ! Bei namaaaaan. Pati ba naman ikaw?" T____T

"Hahaha. Sira. Joke lang. Teka, kanino ba galing yan." Sabay kuha nya sa Boquet ng pulang rosas sa loob ng locker ko.

Oo, may isang bulto lang naman ng bulaklak sa locker ko. For the 1st time ever ! Lakas naman ng trip ng naglagay nito dito? Nangti-trip ba sya? Di ko alam kung matutuwa ako o mawi-wirduhan.

"From you secret Admirer" Dagdag ni Bei habang naka-pako ang paningin sa isang maliit na card sa ibabaw ng boquet.

Eto na nga mga kaibigan. Nagsi-tayuan ng muli ang friendshrimps ko na mga mosang.

Pag tapos nyo akong iwan sa ere kanina?

"Hala, Baka wrong send lang si sender." Ani Jelai.

"Pwede ba yun girl?" Sabat naman ni Nica.

"Oo, baka nagkamali lang ng locker. Magkakamukha kase." Sabay kuha sa kamay ni Bei nung boquet.

"Ayy oo nga. Confirmed to. Wrong send nga. Walang name eh. Wala naman name mo dito , kaya di mo sure kung sayo talaga yan binigay."

Mga kaibigan ko ba talaga kayo?

"Oo na ! Hindi na saken ! Happy? Ok na? Mga walang support."

Si Bei naman tawa ng tawa sa gilid.

Bat ka ba tumatawa jan? Di ka ba nagseselos? :(

Chareeeeeng !

-------

Kinabukasan ...

"Umay, meron again" Sabi ni Jelai. Parang masama pa loob ah. Ayos ah.

"Ano yun, ano yun? Wrong send na naman?"

"Yes girl, may wrong send na naman."

Mga hayuf kayo. Wrong send pa ba yan, dalawang magka-sunod na araw na nga.

"In-fairness, naiintriga na ko jan ah."

"Mga wala kasi kayong bilib sa beauty ko. Oh ano? Wrong send padin?" Pag yayabang ko with pa-hawi-hawi pa ng shiny-curly and bouncy hair ko.

"Bukas, abangan kaya natin kung sino maglalagay." Suggestion ni Bei.

"Oo nga noh?" Sagot ko.

Ikaw talaga pinaka-smart na friend ko.

"Sige. Game ako jan." Sabi ni Jelai.

"Oplan tokhang kay wrong sender !" Hiyaw ni Nica

Ano to? Bat may pag-tokhang na magaganap?

O___o

----

"How do you feel?" Mahinhin at mahinang tono na pagkakasabi ni Bei.

"Tungkol san?" Pakunot noo kong sagot sakanya.

"Sa suitor mo." Maikli at mas mahinang sagot nya.

"Ah yun ba? Di ko naman iniisip yun. Baka nga wrong send lang talaga yun eh. Diba? Hahahahaha."

...


Luh, Bat di yata sya tumatawa? Kanina lang masaya sya ah.

"That's it? Wala ka man lang naramdaman?" Pang uusisa nya.

"Wala nga. Ano ba dapat?" Simpleng sagot ko, sabay higop sa coffee jelly frappe na inorder ko.

Di ka man lang na-excite kase merong may crush sayo?"

"Hahaha. No. I'm not like that. You know me." Masamid-samid ko pang sagot sakanya.

"Tsaka .." Dagdag ko.

"Meron na kase akong gusto kaya di na ako affected sa mga ganyan."

...

"Shocks, ang ineeet" Hiyaw ni Jelai, sabay higop sa frappe ko. Aba ayos ah.

"Sorry na-late kami. To kasi si Darna ang kupad kumilos." Ani Shei patungkol kay Nica.

Blah
Blah
Blah

Tila di ko na marinig yung mga sinasabi nila. Naka-focus kase yung atensyon ko kay Bei.

Di ko na nalaman yung sasabihin nya, o yung reaksyon man lang nya sa sinabi ko, di ko na nakita dahil sa wrong timing ng mga ka-frat ko na to.

Ikaw Bei, How do you feel?

:(

~

A/N:

Hi mga ka-fratsss ! Pls don't be shy to VOTE if you liked this Chapter. Ű

Don't forget to leave a comment na din kung isa ka sa mga kinilig. Chereeng. XD

All comments and suggestion will be highly appreciated ! Babasahin ko po lahat promise. :)


SHE/HER (On-going)Where stories live. Discover now