2nd Chapter

15 2 2
                                    

"Oyyy Oyyy ! BIRTHDAY NA NI BEI, BIRTHDAY NA NI BEI ! SINONG-MAY-BIRTHDAY?? SI BEI !"

Sabay-sabay na hiyawan na may kasamang palakpakan at pa-torotot pa. Ano ba to? Bagong taon?

Kanya-kanya kaming suot ng sumbrero at tig-i-isang torotot. Si Jelai nakaisip nito para daw masaya at maingay. Eh boses lang naman nya sapat na kung sa ingayan lang talaga.

Pictures dito pictures doon.

Kanya-kanyang kuha ng mga litrato ang mga bisita sa pag-blow ng candle ni Bei. Iilan lang naman ang mga bisita. Hindi ganun ka-garbo ang handaan. At syempre since pastor ang daddy ni Bei ay may Amen-amen muna na naganap sa church nila kaninang umaga at nakapag-celebrate na din sila doon kasama ang relatives at family friends ng mommy at daddy nya.

Tas iba pa tong celebration namin ng mga classmates at ilan pang friends nya dito sa bahay nila Jelai.

Nandito kami sa backyard nila.

Bakit kami nandito?

Eh syempre di naman kami makakapag walwal sa bahay nila Bei, halos di makabasag pinggan ang mga tao don. Payagan pa kaya kami mag-ingay at mag-alak. Kaya eto. Dito kami napadpad. Buti nga at pinayagan si Bei. Yung mommy kasi nya ang tumulong na mahilot namin ang mabuting kalooban ng daddy nya. Hehe. Ayaw talaga nun. Pero napapayag din naman di kalaunan.

Ang ganda talaga ng birthday girl, may birthday o wala. Simpleng white dress lang na may touch of rose gold lining sa baba ng palda nya tas may pa-ribbon-ribbon ek-ek pa sa magkabilang balikat eh ang cute na tignan sakanya. Less is beautiful ika nga.

"Uy, wait teka. Mag-wish ka muna !" Pagpipigil ni Nica sa naka-nguso ng si Bei na pa blow na sana sa candle nya.

"Ito naman iihip na yung birthday girl eh. May pa-mutol pa ng moment." Pagalit kong sabi kasi muntik ko na mapa-putok yung confetti sa excitement. Alam mo yung naka ready na yung puso at isip mo sa naka-atang na task sayo. As in seryosong-seryoso ako tas biglang puputulin? The heck?

"Eee, sige na. Ano ka ba. May kasabihan nga na magkakatotoo daw ang wish pag birthday. Sayang naman pag di na-purchase." Dagdag ni Nica.

"Panay ka kasabihan, ako may alam din. May kasabihan kaya na sayang yung confetti pag napaputok na habang di pa nakaka-blow yung may birthday. Tas mamalasin daw yung pumutol ng moment." Sarkastikong sagot ko.

"Osya osya, Sige na. Pag wishin na ang magwi-wish. Para matikman na natin ang hiwa ng friend natin. Yiiiieee!" -Jelai

Hiyawan ng lahat at hagalpakan sa kalokohan ni Jelai.

Ipinikit na ni Bei ang mga mata nya at tahimik na humiling.

Nu' ba yan. Di pala namin malalaman yung wish nya.

Pagkatapos ay hinipan na nya ang kandila.

"Happy Birthday Kiabei." :)

bulong ko.

---

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko na nasisilawan ng sinag ng araw galing sa naka-bukas na bintana. Hinahangin-hangin pa ang itim na manipis na kurtina pa-labas pasok ng bintana ng kwarto ko.

Itinaas ko ang braso ko at inilapat ang palad ko sa mata kong nasisilawan.

Para akong uminom ng buhangin sa sobrang tuyot ng lalamunan ko, na tila kahit anong pagpapakalunod sa tubig ang gawin ko eh para bang nag e-evaporate din agad. Ganun yung feeling.

Medyo umiikot pa din yung paningin ko. Pero di ko pinansin, kaya tumayo ako.

Pero pagtayo ko...

Shet.

Kahit gewang-gewang ako ay diretso parin akong nakatakbo papunta sa CR. Talent ba yun?

And then ...

Shet.

Umupo ako sa sofa. Wala si mama at papa. Pareho silang nasa trabaho ni erpat.

Yung kapatid ko lang na si Abdul-malik ang kasama ko dito sa bahay. Gawa nga ng walang pasok sa school. Nasa elementary palang sya.

"Abdul-malik. Ano ulam?" Tanong ko sa kapatid kong ang aga-aga nakatapat na sa computer ang pagmumukha.

"Isa pang tawag mo sakin nyan ulit isusumbong na kita kay mama, ate." Nakangusong sagot ng kapatid ko.

"Hahaha oo na Mikael. Anong ulam Mikael?"

"Kakainis ka talaga ate. Lakas ng trip mo, ako agad nakita mo. Meron jan nilagang baka, Initin mo nalang daw ulit sabi ni mama"

Tumayo ako at pumunta sa mesa, ng bigla kong maalala yung kagabi. Aba, Wala ata ako masyado matandaan? Di ko nga matandaan pano ako nakauwi eh.

"Abdul, anong oras ako umuwi kagabi?"

"Anong kagabi ate? Kanina ka lang nakauwi kaya."

"Kanina? Weee wag mo nga ko pinaglololoko jan. Papalitan ko ng Abdul-Bardagul yung tawag ko sayo sige ka."

"Hala, ayaw naman nito maniwala. Nagagalit nga sila mama. Kaso di ka naman makausap ng maayos kasi tinatawanan mo lang si mama. Yari ka talaga dun mamaya pag-uwi ate. Kaya nga sya nagluto ng may sabaw eh. Para daw mahimasmasan ka."

"Nakuu, yare."

Napa-hilamos ako ng palad sa mukha ko.

"Nga pala, wag mo daw subukan lumabas ng bahay. Yari ka kay mama."

"Sobrang yare."

Waaaaaait !!

Ano bang nangyare???

~
A/N:

This chapter is dedicated to my most makulit na supporter. Itatago ko sya sa pangalang JEE ANNE hahahaha ! Thank you sa support ! Iloveyou. ♡

Pls VOTE if you liked this story ! Comments and suggestions are highly appreciated. :) Love you guys ! ♡

SHE/HER (On-going)Where stories live. Discover now