Hindi pumasok si Jaja sa klase nila. Exempted sya dahil kasali sya sa women's volleyball team at mas madalas na ang praktis nila ngayon. 2 days nalang kase ay lalaban na sila sa ibang school. Kaya't puspusan ang pagpa-praktis nila, umaga at umaabot pa ng gabi paminsan.
Hindi pa sila nagkikita ni Bei mula ng araw ng kanyang pag-amin dito. Gaya ng sabi nya ay gusto nyang bigyan ng oras para makapag-isip ang dalaga. At medyo busy pa sya sa lagi nilang pagpa-praktis. Ayaw nya din muna guluhin ang isip nya. Kailangan nya munang mag-focus.
2 DAYS LATER ..
Nag-ayos na ng mga dadalhin si Jaja. Ngayon kase ang araw ng laban nila. Binitbit na nya ang duffel bag nya pagtapos mag-suot ng sapatos. Nag unat-unat muna sya ng katawan ng bahagya bago tuluyang lumabas sa gate ng kanilang bahay.
"Ja .."
Isang pamilyar na tinig ang pumukaw sa atensyon nya. Di sya maaaring magkamali. Kilala nya kung sino ang nag ma-may ari ng tinig na iyon.
Nagulat sya ng makita si Bei na nakatayo sa gilid ng bahay nila. Nakasuot ito ng uniform.
"B-bei, anong g-ginagawa mo dito?" Utal-utal na tanong ni Jaja. Di parin makapaniwala sa nakikita.
"Duga mo. Bat di ka na nagpaparamdam sakin?" Naka-pout na sabi ni Bei habang nakapamaywang pa.
"Ah, eh.. kasi.." Ani Jaja habang nagkakamot ng ulo.
Lumapit si Bei sakanya at yinakap ng mariin. Natulala sya, hindi nya inaasahan ang ginawa ng kaibigan.
"Galingan mo. Manunuod ako mamaya." :)
Maikli pero tila paulit-ulit na naririnig ni Jaja sa kanyang isip ang mga sinabi ni Bei.
Nakaramdam sya ng pagkasabik na matapos na ang laro nila para makapiling na ang dalaga.
"S-salamat Bei." Nauutal-utal na sagot nito. Habang tila tulala parin na nakatitig sa kaibigan.
Napangiti ng bahagya si Bei. Natutuwa sa reaksyon nya. Halata kasi ang gulat sa mukha nito.
Gusto nyang malaman na ang sagot sa matagal na nyang tanong pero alam nyang hindi ito ang tamang oras para don.
Tumingin sya sa kanyang Relo. Kailangan na nyang magmadali. Muli syang bumaling ng tingin kay Bei na nakangiti parin sakanya.
"Bilisan mo na. Sasabay ako kela Jelai mamaya. Magkikita kami sa down town."
"Oo Bei. Hintayin mo ako after ng game ha. Pramis?"
"Oo ba." :)
Tumalikod na si Jaja papunta sa meeting place nila ng mga ka-team nya kung saan nag a-antay ang coaster na magiging service nila.
Nakaka-tatlong hakbang pa lamang sya ng ..
"Ja, make me proud." :)
Pahabol ni Bei.
------
Nasa court na sila ng school kung saan magaganap ang laban nila Jaja. Nandoon narin ang iba't-ibang kupunan na kasali.
Naghalo-halo narin ang mga estudyanteng nasa loob ng gymnasium galing sa iba't-ibang eskwelahan.
Maingay, tawanan, hiyawan, kanya-kanya ng mga banners na bit-bit at kuhaan ng mga litrato habang nag-aantay sa pinaka-aantay na laban.
Palinga-linga si Bei habang naka-upo sa bandang taas na bench. Katabi nya ang mga kaibigan at todo supporta sila kay Jaja.
Naka-ready pa nga ang pang malakasan nilang banner para sa team nito.
YOU ARE READING
SHE/HER (On-going)
RomanceThis story is dedicated to my fellow BI-sexual pips out there. 🏳️🌈 Through Bei & Jaja (The bidas of our story) We will roughly talk about the confusions, denials, acceptance & troubles that we face in our lives. Specially the hardest stage: 'Comi...