5th Chapter

11 2 0
                                    

Watta day !

Habang naglalakad ako sa may oval, may tumama lang naman na bola sa ulo ko.

May mga kumag kase na naglalaro ng batuhang bola sa may nadaanan ko.

"Hala, sorry !" Anang lalaki sa harap ko. Pawis na pawis at hingal na hingal syang tumakbo palapit sakin.

"Ayos lang." Sabi ko ng nakangisi. Pero deep inside mahihiya na si satanas sa dami ng bad words na nasabi ko. Bukod sa masakit, Nakakahiya pa. Langyaaa.. Di pa nga nag i-start araw ko, eto agad bungad.

"Samahan kita sa clinic? Masakit yun for sure. Sorry talaga Ja."

Ha?

Hoi, bat alam mo pangalan ko?

"Kilala mo ko?"

"Oo naman, player ka din ng volley ball diba?"

Aba, para san yang matamis na ngiti na yan? Di mo ko madadala jan ugok.

"Ah Oo. Famous nga pala ako." Sagot ko. Paalis na sana ako pero ilang hakbang palang, sumagot na ulit sya. Feeling close ampu----

"Hahaha oo. Kilalang-kilala ka namin ng mga ka-team ko. By the way, I'm Gabby." Sabay abot ng kamay nya.

Napahinto ako sa paglakad, baka isipin pa nya suplada ako eh.

Shems, Parang mas kamay pa ng babae to kumpara sa kamay ko ah.

Lumapit din yung dalawang kalaro nya sa batuhang bola, este, volley ball pala.

"Hi, Ja right?" Tanong nung isang kahawig ni Jhong Hilario.

"Uyy, si Idol Jaja pala to ng Womens volleyball team eh." Sabat naman nung isang kahawig ni Ryan Bang.

Teka, papunta na ata to sa it's showtime ah?

"Hehe. Oo ako nga. Uy, Hello. Mga fans ko pala kayo. Congrats lima na kayo fans ko. Hehe" Naiilang kong sagot.

Halata bang na-o-awkward-an ako?

Sabay kaway ng konti.

Shocks, ganito pala feeling maging sikat.

---------

NARRATOR:

Kinabukasan, pagpasok ni Jaja sa eskwelahan ay dumiretso sya sa locker nya kasamang muli ang mga kaibigan nya. Ngunit pagbukas nya ay may bumungad muli sakanyang isang boquet ng mga pulang rosas.

"Alam mo, sa totoo lang ... di na ko natutuwa." Anang dalagang nakakunot na ang noo at magkasalubong na ang kilay.

"Di ka ba natutuwa may nagkakagusto pa sayo?"-Shey

"Di ako natutuwa, tsaka para san pa 'tong susi ng locker ko kung nabubuksan din naman ng iba? Useless." -Jaja

"Di kasi natin ma-tyempuhan kung sino yung naglalagay nyan jan eh. Tas wala man lang kahit anong message o pagpaparamdam si sender."-Nica

"Oo nga. Kahit malamig na hangin lang o kaya amoy ng kalachuchi."-Jelai

"Girl, hindi ganyang klase ng pagpaparamdam. Ano sya ispirito? Last mo na yan."-Shei

HAHAHAHA

"Mga wala talaga kayong ambag."-Jaja

"Alam ko na. Since di natin talaga ma-tyempuhan si kuyang sender, ganito gawin mo.

...
...

Maglagay ka ng malaking sulat jan sa loob ng locker mo, tutal na o-open naman nya yan. Sabibin mo na di mo na gusto yung ginagawa nya. Let's see kung ano gagawin nya."

SHE/HER (On-going)Where stories live. Discover now