"Kamusta na pakiramdam mo Bei? Kelan ka papasok?" May tono ng pag-aalala sa boses ni Jaja with matching puppy eyes pa.
"Medyo ayos naman na. Bukas papasok na ako promise." Nakangiting sagot ni Bei sa medyo paos at nanghihina pa na tono, habang hinihimas-himas ang ulo ni Jaja na nakapatong sa gilid ng kanyang kama.
"Bakit, may sasabihin ka ba sakin?" Dagdag pa ni Bei. Napaigtad sa pagkakaupo si Jaja at napatitig sa kaibigan. Nababasa kaya nito ang nasa isip nya? Tanong nya sa kanyang sarili.
"Oh, bakit parang nagulat ka?"
"Uhm k-kase .." Nauutal na sagot ni Jaja. Namumula na rin ang kanyang pisngi at umiinit ang kanyang tainga sa tensyong kanyang nararamdaman. Paano sya te-tyempo sa pag-amin? Saan sya magsisimula? Paano nya tatanggapin kung hindi masuklian ni Bei ang nararamdaman nya para dito? Paano ang pagiging magkaibigan nila? Mawawala ba ito lahat sa kanya? Anong sasabihin ng mga kaibigan nila pag nagkataon? Lalo na ang mga magulang ni Bei na naturingan pa namang nagsisilbi sa simbahan?
Biglang namutla si Jaja sa mga naisip na mga
'what if's?'"Oh, Ayos ka lang ba? Bat na-uutal ka yata? Mas maputla ka pa sakin ah." Usisa ng dalaga na may tono ng pag-aalala.
Natigilan si Jaja.
Saglit na katahimikan ang bumalot sa kabuuan ng silid. Sa sobrang katahimikan ay tila naririnig na ni Jaja ang sariling tikbok ng kanyang puso. Ganun ito kalakas.
Nanatili lang silang magkatitigan sa loob ng halos tatlong minuto. Hinahanap ang mga salita sa ayaw lumabas sa bibig nila pareho.
"Bei" Mahina ngunit may diin na pagkakabigkas ni Jaja.
"May sasabihin ako sayo ... Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Matagal ko na kasi 'tong nararamdaman. Di ko na kayang pigilin. Pero maniwala ka, sinubukan ko Bei."
Nangingiyak-ngiyak na pag amin ng dalaga.
Hinawakan nya ang kamay ng kaibigan at doon itinuon ang paningin. Hindi nya kayang tumingin ng direkta sa mga mata nito. Natatakot sya sa kakahantungan.
Pero buo na ang kanyang loob.
"Bei, alam mo ba na may nanligaw sakin ngayon? Umamin na si Tuxedo mask." Natatawang pag ku-kwenwento ni Jaja.
"Really? Sinagot mo?"
"Hahaha. Hinde. Bat ko naman sasagutin. Diba sinabi ko sayo may iba na akong gusto."
"Ay, binasted mo? Sino ba yun ng makilala namin."
"Si Gabby ng men's volleyball team."
"Ah. Yung sinabi mong naka-tama ng bola sayo?"
"Oo sya nga. Hahaha. Pagka-basted ko sakanya , sinabi ko din na aamin na ko ngayon sa taong gusto ko."
Dug dug
Dug dug
Dug dug"Kaninong tibok ng puso ba yung naririnig ko?" Usal ni Jaja sa sarili.
Muli na naman silang binalot ng katahimikan.
Nananatili paring nakayuko si Jaja. Nakapako ang paningin sa palad ni Bei na minamasa-masahe nya sa kaba.
"Ang totoo nyan ..."
Ikaw ...
Ikaw ang gusto ko Bei."
Sa wakas.
Nahanap narin nya ang mga salitang kanina pa gustong kumawala.
"J-ja ..." Mahinang tugon ni Bei. Nanlaki ang mga mata nito sa narinig.
Tumitig sila sa mata ng isa't-isa. Nangungusap ito pareho.
"Hindi mo kailangang sumagot agad Bei. Naiintindihan ko. Alam kong mahirap at naguguluhan ka. Pero mag-aantay ako .. pramis mag-aantay ako. Hanggang sa mapaghimay-himay mo na sa isip mo yung mga kabaliwang sinabi ko. Hahaha ! Hindi kita pinipressure. Pramis Bei. Di ako magagalit kahit anong sagot mo. Iintindihin ko lahat. Lagi."
...
"HAY NAKO.. ANG ASIM NAMAN NG ORANGE NA NABILI MO JAAA" Biglang pasok nila Jelai sa kwarto na mangasim-asim pa ang mukha.
"Oh, anong nangyari sa inyong dalawa? Bat parang nag-iyakan kayo dito?" Ani Nica.
Biglang humagalpak ng tawa si Jaja.
"HAHAHAHAH ! Eto kasi si Bei kung anu-ano kinukwento. Naiiyak tuloy ako kakatawa." Sabay punas ng nangingilid na luha nya.
Tumayo na sya mula sa pagkaka-upo.
"Oh, san ka? Kakadating mo lang ah." Ani Shey.
"Uuwi na ko. Napagod kasi ako sa game namin kanina. B-bukas nalang. Kita kits sa school ! Hehe"
Nakatalikod na sagod ni Jaja, sabay labas sa kwarto. Naiwang naka-nga-nga ang bunganga ng mga kaibgang naiwan sa kwarto. Lahat tila may pagtataka sa mga mukha.Sabay-sabay silang napabaling ng tingin kay Bei na nakaupo parin sa kama nya. May bakas rin ng nangingilid na luha sa mga mata nito.
...
"Jaaa ! Wait ! Pina-aabot ni Bei." Ani Nica kay Jaja na palabas na ng gate.
Sabay abot ng isang bote ng Paper star kay Ja.
"Ano to?" Kunot noo nyang tanong. Sabay kuha ng bote mula sa kamay ni Nica.
Nag angat-baba lang ng balikat si Nica.
"Ewan. Sabi nya lang ibigay ko daw yan sayo eh."
-----------
"Paper star? Aanhin ko naman tong mga to." Anang dalaga habang tinititigan ang isang bote ng Paper star na hawak nya habang nakahiga sa kanyang kama.
Kinuha nya ang cellphone nya na naka-patong sa side table nya at nag-search sa google.
What do paper stars symbolize?
Origami paper stars are generally given as gifts to loved ones to symbolize good luck, love, and support.
They also signify admiration and love for the recipient of the stars.
Dug dug
Dug dug
Dug dug~
A/N:
Please leave a comment if you enjoyed reading. I appreciate suggestions, and don't forget to VOTE and follow. :)
YOU ARE READING
SHE/HER (On-going)
RomanceThis story is dedicated to my fellow BI-sexual pips out there. 🏳️🌈 Through Bei & Jaja (The bidas of our story) We will roughly talk about the confusions, denials, acceptance & troubles that we face in our lives. Specially the hardest stage: 'Comi...