𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐎𝐍𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜Four years earlier. . .
"Happy 20th birthday, sweetheart." Pagmulat na pagmulat ko ng mga mata sa umaga ay ang pagbati agad ni Tatay sa akin para sa aking kaarawan ang bumungad sa akin. Hinalikan niya ako sa nuo. He helped me get up. Isinandal ko ang aking katawan sa headboard ng kama.
Humikab ako bago nag-thank you kay tatay. January 12 na nga pala, birthday na namin ni Kenzy.
"Thank you po, tatay." nakangiting saad ko. May iniabot siya sa aking box.
"Hope you like it." Ani niya. Tinanggap ko naman iyon at dinala sa kandungan ko.
Excited naman na binuksan ko iyon.
"Hala! Akin po talaga ito?" nanlalaking matang tanong ko nang makita ang susi doon.
Ngumiti siya at marahang tumango.
"As a promised, basta dito ka lang muna sa Hacienda magmo-motor dahil wala ka pang lisensya." Aniya.
Hindi ko mapigilang yakapin siya.
"Cool! Thank you po, tatay!"
Nagpaalam ng lalabas na si Tatay. Kaya naman ay bumangon na ako at mabilis na naligo. Nagsuot ako ng jeans, nagsuot ng sapatos. Kinuha ko rin ang knee pads na regalo sa akin ni Kenzy noong Christmas. Alam niyang wala pa akong motor pero niregalohan niya ako. Inis na inis pa ako non, but now thankful na dahil may magagamit na ako. Makapag-thank you nga sa kanya mamaya!
Mabilis akong lumabas ng kwarto pagkatapos kung gumayak. Naabutan ko ang parents ko sa sala na nagsasayaw. Kumakanta si Tatay habang sinasayaw si Nanay. Nakaupo naman ang bunso naming kapatid sa isang gilid at may hawak-hawak itong camera, busy siya sa kaka-video sa parents namin. Inilabas ko rin ang cellphone sa bulsa ko at kinuhanan sila ng litrato. Agad ko naman iyong ipinost sa IG. Agad naman iyong umani ng reaction at comments halos lang naman lahat ay sana all pero comment ni Tito Junard ang nakakuha ng atensyon ko. Nag-comment lang naman siya ng angry emoji na nasusuka. Nailing na lang ako bitter pa rin talaga siya kay tatay.
Hindi ko mapigilang mapangiti ulit nang muli kong ibaling ang atensyon ko sa parents ko. Ang sarap sa mata ang pagsayaw nila ng marahan. Kung mag-aasawa man ako soon sisiguraduhin kong katulad ni tatay ang mapapangasawa ko. Mabait, masipag at mapagmahal sa pamilya. Syempre dapat gwapo rin katulad niya.
I really hated myself back then. I'm so stupid punishing him. Until now ay nakukonsenya pa rin ako sa tuwing naalala ko ang mga ginawa ko noon. Kung bakit ko siya pinahirapan iyon ay hindi ko alam, siguro dala na rin nang pagtatampo kasi lumaki kami ni Kenzy na wala siya.
"Ang sweet naman ng mga magulang ko." nahinto sila sa pagsayaw nang marinig ang boses ni Kenzy. May hawak-hawak din itong cellphone na nakatutok sa gawi ng mga magulang namin. Nasa tuktok siya ng hagdan.
Our parents smiled.
"Baka naman masundan niyo pa si Kenji, Nanay, tatay ah!" natatawang biro ni Kenzy. Nakita ko ang pagsimangot ni Kenji.
"Nanay, don't you dare po! Dapat ako lang ang bunso! Tatapon ko sa ilog kapag nag-anak ka pa!" Asik nito.
Natawa ako. Maging ang mga magulang namin ay natawa.
"Bunso, ayaw mo ba ng kalaro?" Nanay asked him.
Sumimangot siya lalo.
"I can play with the horses, Nanay! I don't need a baby brother or a sister! If mag-aanak pa kayo hindi na ako ang bunso at hindi na ako ang love niyo! Sa kanya na ma-fo-focus ang atensyon niyo, babaliwalain niyo na ako." ani nito.
BINABASA MO ANG
𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 (𝐓𝐖𝐎)
General FictionHaving a silly little crush on Pablo, Kendra is content with just looking at him from afar, even supporting his upcoming marriage. However, the connection she has with a friend, Chavah, reveals horrifying details about the woman he is about to marry...