CHAPTER TEN
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜"Oh my God, ang lakas niya dumede!" Chavah exclaimed. Hawak-hawak niya ang bottle ni Alpha.
Ang pangalan ng anak ko ay Alpha Sayson. Actually si Chavah ang nagpangalan sa kanya ng Alpha. Noong nagising ako ay sinabi niyang inasikaso niya ang Birt certificate ng anak ko at siya na nga ang nagpangalan. Maganda naman kaya nag okay na rin ako.
"Dahan-dahan lang, little monster, baka mabulonan ka."pagkausap niya sa anak ko. Little monster ang tawag niya sa anak ko dahil daw malakas umiyak at para daw siyang mabibingi. Okay lang din for me. Paraan lang niya at a iyon nang paglalambing niya.
Humagikhik lang ang anak ko at hinila ang buhok ni Chavah.
"What a bad, little monster, hinila mo ang hair ni beautiful ninang!" Pinangigilan niya ang pisngi ng anak ko kaya muntik ng mabulonan ng bigla itong umatongal. Kaya kinuha ko si Alpha at pinatahan.
"Pipisain mo na ang pisngi ng anak ko, Chavah!"
"You're so OA! Pipisain ka diyan!" Inirapan niya ako. Umayos siya sa pag-upo at inilabas ang cellphone niya. Kinuhanan niya kami ng picture ni Alpha at nangingiti siyang tinitigan iyon.
"Panay ka na lang picture sa amin." Saad ko. Nitong nakaraan kasi ay Panay siya picture sa akin, hindi naman sana siya ganito dati.
Tumingin siya sa akin.
"It's a remembrance, bitch, pasa ko sa 'yo lahat para mapa-develop mo at ma keep mo sa album para may titingnan ka pag malaki na si Alpha." She said smiling genuinely. Hindi ko rin tuloy mapigilang mapangiti.
"Thank you for always being with me, Chavah. . . I owe you a lot."
"Naa! No problem, bitch! I need to go na! My babies are looking for me na daw, Hayani messaged me na! Ingat kayo dito babalik ako tomorrow, if you need anything just call me! Bye!" Tumayo na nga siya, humalik siya sa pisngi ko bago tuluyang lumabas ng bahay.
Tumahan na rin si Alpha kaya ibinalik ko siya sa kama at muling pina-dede. Hawak-hawak ko ang bottle niya. Limang beses ko lang napa-dede si Alpha dahil sobrang sakit talaga ng utong ko sa tuwing sinisipsip niya, lalo na iyong nagkaroon na ng gatas ang dede ko, sobrang sakit niya. Parang hihiwalay ang utong ko sa tuwing sisipsip siya kaya naman ay bumili na lang si Chavah ng milk at bottles para ipadede sa kanya. Alam ko namang normal lang iyon pero kasi umiiyak din si Alpha sa tuwing dedede, parang ayaw niya sa milk ko.
Mabilis lang lumipas ang mga araw. Sobrang hirap, wala akong halos tulog dahil kunting galaw lang ni Alpha ay magigising ako. May pagkakataon pang mainit siya at may lagnat mas lalo akong walang tulog. Napakirap, naiiyak ako sa sobrang pagod. Sobrang hirap naging batang ina at wala kang katuwang sa pag-aalaga. Lalo pa pag nagkakasakit, dobleng puyat at pagod. Dahil halos ayaw magpalagay ng baby, gusto lang niya laging nakakarga, kaya pati pagligo at pagkain ay ang hirap isingit. Literal na mangangamoy tae at ihi ka ng baby.
Kaya minsan sumasagi sa isipan ko na tawagan ang pamilya ko at sabihin sa kanila ang sitwasyon ko. Pero natatakot din ako na baka kapag sinabi ko ay maapektohan si Pablo. Kaibigan siya ng daddy at Tito Junard ko at kapag nalaman ng mga iyon na nabuntis ako ni Pablo alam kong nagagalit sila sa kanya.
Kumusta na kaya siya? Nagkabalikan ba sila ni Cassandra? Natuloy kaya ang kasal nila?
Sa isiping baka natuloy ang kasal nila at hindi ko mapigilang masaktan. Pero iniisip ko na lang na tama ang desisyon kung lumayo. Tama lang na hindi nila malaman, tama lang na ako ang mahirapan dahil una sa lahat kasalanan ko naman. Kaya magtitiis ako hanggat kaya ko.
"Happy 3rd birthday, little monster!" Chavah greeted Alpha. " I have a gift for you." May ini-abot na maliit na box si Chavah at magiliw naman iyong tinanggap ng anak ko at dinala sa lap nito.
"What is that?" I asked Chavah, lumingon siya sa akin.
She grinned.
"IPhone 15 pro max!" Bulalas niya. "And also a key for his motorbike and a key to his house!" Pumalakpak pa siya habang ako ay umawang ang bibig at nanlaki ang mata dahil sa gulat.
"Chavah, 3 years old pa lang ang anak ko!"
Tinaasan niya ako ng kilay at pinagsalikop niya ang kanyang mga braso sa ilalim ng dibdib.
"And so? Hindi ba pwedeng bigyan ng cellphone, motorbike at bahay ang 3 years old?"
"No! He's just a kid!"
"I want the best for him! I'm his God mother, Kendra, I will give him whatever I want!" Inirapan niya ako at tinalikuran hinarap niya ang anak ko.
Napahilot ako sa aking sintido. Mula noong pinagbuntis ko pa lang si Alpha hanggang ngayon ay ini-spoil na siya ni Chavah. Hindi ko alam kung paano siya patitigilin. Sa first birthday niya ay niregalohan niya ng isang milyon si Alpha, ayaw ko sanang tanggapin pero pinagawan niya ng bank account si Alpha at doon niya ipinasok ang pera at Alpha's second birthday ay two million ang niregalo niya. Sinabi ko sa mga Kuya niya pero pinagtawanan lang nila ako, ang sabi pa nila ay kung ayaw kong masunog ang bahay na tinitirhan namin ngayon ay hayaan ko na lang si Chavah total naman daw ay para iyon kay Alpha. Nagpapasalamat ako na hindi pera ang ibinigay niya ngayon pero nagbigay naman siya ng bahay na alam kong mas higit pa ang presyo!
Mabilis lang talaga ang paglipas ng mga araw. Hindi ko akalain na tatlong taon na si Alpha. Sa lahat ng hirap, puyat at sa sakripisyo sa pag-aalaga sa kanya ay naging worth it ng makita siyang lumaking malusog. Pero—may isang nagpapahirap sa akin dahil habang lumalaki siya ay nagiging kamukha na niya ang ama at nagiging kaugali na rin. Kung noon ay iyakin siya ngayon naman ay tahimik lang siya at madalas titigan ka lang niya na parang inaarok pati kaluluwa mo. He look so mysterious at his age, para talaga siyang si Pablo. Nakakapanindig balahibo ang paraan ng pagtitig nila.
"Mommy." Napalingon ako kay Alpha ng marinig ang pagtawag niya.
"Yes, baby?" Lumapit ako sa kanya at tumabi. Nakaalis na pala si Chavah, hindi ma lang nagpaalam.
"On my next birthday, can I meet my grandparents?" Seryosong saad niya na nagpaawang sa bibig ko. "Ninang Celosia's parents are cool. . . But, I wanna meet yours."
Hindi ako nakatugon.
"And also my dad's parents. . . I wanna meet them too."
Buhat sa sinabi ni Alpha ay naglaglagan ang mga luha ko. Hindi man siya nakangiti pero nakikita ko sa mga mata ang pagkislap palatandaang excited siyang makilala ang mga lola at lolo niya.
AVYANNAHLAVELLE
BINABASA MO ANG
𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 (𝐓𝐖𝐎)
Ficción GeneralHaving a silly little crush on Pablo, Kendra is content with just looking at him from afar, even supporting his upcoming marriage. However, the connection she has with a friend, Chavah, reveals horrifying details about the woman he is about to marry...