CHAPTER TWENTY FIVE
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜Ilang araw na ang lumipas pero wala ako sa sarili ko, lahat ng mga artworks na sana ay tatapusin ko ay naka pending lahat. Wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak, magkulong sa kwarto. Sinusubukan akong kausapin ni Pablo pero hindi ko siya hinaharap, pati ang mga magulang ko ay nagpunta na dito sa bahay para sana kausapin ako at alamin kung ano ang nangyari pero pati sila ay hindi ko kinakausap. Ang pagkain ay hindi ko maharap. Para akong sinasakal sa isiping, grabe ang naging paghihirap ni Pablo noong nawala ako.
Pagkatapos umalis ni Cassandra noong nakaraan ay nag-research ako tungkol sa nangyari 4 years ago, and it was true na nakulong si Pablo. May mga nabasa rin akong hates comments sa kanya, na tinawag siya ng kung anu-ano. May mga nagsasabi pang isa siyang rapest na sana daw ay mamatay na lang siya. Kung sana... kung sana hindi ako umalis at nagtago, hindi sana mangyayari ang lahat ng iyon sa kanya. Kung sana hindi ako umalis at pinaliwanag ko ang totoong nangyari hindi sana siya masasangkot sa malaking eskandalo, hindi sana mawawala sa kanya ang kompanya niya.
Umalis ako noon para hindi siya masira pero mas nasira siya dahil sa pag-alis ko. At wala akong ibang pwedeng sisihin kundi sarili ko lang. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya.
“Doll, please open the door let's talk.” I heard Pablo's voice from the back of the door. Mabilis kong isinisik ang sarili ko ilalim ng makapal na comforter. Narinig ko ang pagtunog ng mga susi, binubuksan niya ang pintuan. Hindi ako gumalaw at nagkunwari akong tulog nang marinig ko na ang yabag niya papalapit sa pintuan.
Naramdaman ko ang paglubo ng gilid ng kama. Naupo siya. “Doll, may problema ba tayo?” mahinahong tanong niya. “Ilang araw ka ng ganito...” he added. “Please, tell me so that I could help you.”
Hindi pa rin ako umimik. Patuloy niya akong kinakausap pero natigil siya nang tumunog ang cellphone niya. “Yes?” iyon ang bungad niya sa kabilang linya. “What?!” naging malakas ang boses niya. “Hanapin niyo! Puntahan niyo ang guard house!” gusto ko ng lumabas sa comforter dahil bigla akong kinabahan ng mahimigan ko ang pag-aalala at tarantang mababanaag sa boses ni Pablo.
Ilang sandali lang ay narinig ko na ang yabag niya palalayo at ang pagbukas-sara ng pinto. Bumalikwas naman ako ng bangon at sinilip ang bintana nang marinig ang tunog ng kotse. Kumunot ang nuo ko nang makitang nasa labas ng gate ang mga katulong, tila mga natataranta. Kasama nila si Alpha. May nangyari ba!?
Nagmadali akong umalis sa bintana at bumaba. Pagkababa ko ay nasa loob na ang mga katulong, pinapakalma nila si Alpha na umiiyak, mabilis akong lumapit sa kanila at lumuhod at iniharap si Alpha sa akin. “Baby, what's wrong why are you crying?!” I asked him. Hindi siya sumagot, umiyak lang siya nang umiyak kaya kinarga ko siya, isinubsob naman niya ang mukha niya sa leeg ko. Binalot ako ng pag-aalala dahil ito ang unang beses na humagulgol ng iyak si Alpha. Maliban na lang noong baby pa siya. Nilingon ko ang mga katulong. “Anong nangyari? Why is he crying? And where is Luna?” sunod-sunod na tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa 'tapos nakita ko ang mga mata nilang napuno ng pangamba. “Mga ate! Sagutin niyo ang tanong ko ano ang nangyari? Nasaan si Luna?!”
“Ma'am...” Naputol ang sasabihin niya parang hindi niya alam ang sasabihin.
“Ano?!” tumaas na ang boses ko dahil kinakabahan na ako.
“N-nawawala po kasi si Luna.” patuloy ng isa.
Nanlaki ang mata ko at ganoon na lang kalakas ang naging kabog ng puso ko.
“Anong nawawala?! Hindi ba at nandito lang siya sa loob ng bahay?! Nakalabas ba siya!?”
“H-hindi po kasi namin napansin na lumabas siya,” saad ng isa.
BINABASA MO ANG
𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 (𝐓𝐖𝐎)
Genel KurguHaving a silly little crush on Pablo, Kendra is content with just looking at him from afar, even supporting his upcoming marriage. However, the connection she has with a friend, Chavah, reveals horrifying details about the woman he is about to marry...