𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐋𝐕𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜"P-pero, bakit kanina pagpasok namin ni Alpha ay parang gulat kayong lahat? Tinanong niyo pa nga kung anak ko si Alpha." Nagugulohang tanong ko. Lumabas na muna sina Pablo, kasama ang mga bata at ang mga kapatid ko. Si Nanay at Tatay lang ang tanging naiwan sa loob ng kwarto.
"Because we want to act as if we didn't know anything but Luna forget about it, pinakilala na niya agad ang sarili niya nang makita ka niya." Tugon ni Nanay. "Masyado siguro siyang na excite nang makita ka. Dahil ito iyong unang pagkakataon na malalapitan ka niya at makakausap." Dagdag ni Nanay.
"Oh my God!" Parang sasabog ang ulo ko sa mga nalaman. Paano nagawa lahat 'to ni Chavah? Paanong hindi ko alam? Kailangan ko siyang tanungin tungkol dito!
"See, anak, ni respito namin ang
decision mo na lumayo, napanindigan ang desisyon mo, na mas pinili mong buhayin ang mga anak mo keysa ang subukan silang ipalaglag.""Hindi po ba kayo nagalit? I'm such a big disappointment—"
Mas hingpitan ni Nanay ang pagkakahawak sa kamay ko at marahan niya iyong pinisil.
"You are not a disappointment, anak, okay? Don't think about that. Hindi kami nagalit sa 'yo dahil mas lamang ang pag-aalala namin sa 'yo noong nawala ka na lang bigla. At sobrang proud ako/ kami sa 'yo dahil sa pagiging matatag mo, oo nagkamali ka pero hindi ibig sabihin nunay disappointment ka na, okay?"
"Pero. . . pero, paano niyo po nalaman na si Pablo ang tatay ng mga anak ko?" I asked. Nahirapan pa akong itanong iyon.
Nakita ko ang paglingon ni Nanay kay tatay. Tumango naman si Tatay.
"Chavah. . . Chavah told us." Ani ni Nanay na tila nagaalin-langan pa. May parang mali.
"Hindi ba kayo nagalit kay Pablo?" I asked tatay.
Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at ang pagkawala niya ng buntong hininga.
"Sweetheart. . . " panimula ni Tatay. Naluluha ako, apat na taon kong hindi narinig ang tawag niyang iyon sa akin."Lahat ng ama, anak, magagalit kapag nalaman nilang sa murang edad ay nabuntis ang mga anak nila. Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako nagalit sa kanya, because, anak, you are so precious to me mahal na mahal kita at hindi ko lubos akalain na mabubuntis ka niya. He's my friend. Sa sobrang galit ko ay nabugbog ko siya. Gusto ko nga siyang ilibing ng buhay ng mga oras na 'yon! Ngunit, kailangan naming paganahin ang mga utak namin, we let him explain. . . pinagpaliwanag namin siya kung bakit niya iyon nagawa—"
"It's not his fault, Tatay!" Putol ko sa sasabihin niya. Tumulo na naman ang mga luha ko. "Hindi naman niya sinasadya ang nangyari! He was so drunk that time and it's my fault because ako ang pumunta sa condo niya."
Nagpakawala ng buntong hininga si Tatay.
"I know. . . he explained his side. May pinakita rin siyang CCTV footage—"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"CCTV footage?"
Si Nanay ang tumango.
"Ang. . . a-ang laman ba ng CCTV footage ay ang. . . ang nangyari noong araw na 'yon?" Halos hindi ko pa mabanggit ang gusto kong itanong. Kasi kung iyon nga ibig sabihin napanood nila ang nangyari sa amin ni Pablo?
BINABASA MO ANG
𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 (𝐓𝐖𝐎)
Fiction généraleHaving a silly little crush on Pablo, Kendra is content with just looking at him from afar, even supporting his upcoming marriage. However, the connection she has with a friend, Chavah, reveals horrifying details about the woman he is about to marry...