𝐍𝐈𝐍𝐄

5.9K 135 19
                                    

CHAPTER NINE
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜


"Oh my God, Kendra, why are you nag-ihi diyan sa floor!" Pasigaw na tanong ni Chavah. Nakangiwi siya habang nakatingin sa taas-baba sa daster kong basa at sa sahig.

"Manganganak na a-ako!" nahihirapang sabi ko. Nanlaki ang mata niya.

"W-what?!"

"My water broke! Lalabas na ang anak ko!" sigaw ko sa kanya.

"OMG! Hindi 'yan urine?!"

"Oh my God, Celosia Chavah Ybanez! Lalabas na ang anak ko ang dami mong tanong!"

"Shit! I'm sorry. . . sige na mag lay down ka na!" tarantang aniya.

"What?!"

"Oh Fuck! OMG! Hayani! Hayani, Kendra's water broke! OMG!" nagsisigaw na siya at iniwan ako sa sala. Nasapo ko ang tiyan ko.

"Oh my God, Kendra! Bakit hindi ka nag-follow sa akin?!" bumalik siya at nilapitan ako.

"Chavah, what happened?" pumasok si Kuya Blue, ang kuya ni Chavah. Kakarating lang niya.

"OMG! Kuya Blue, please buhatin mo si Kendra! Her water broke, her baby will come out na!" bulalas ni Chavah.

Lumingon si Kuya Blue sa gawi ko at nanlaki ang mata nang dumako ang pangingin niya paanan ko.

"Fuck!" Mabilis siyang lumapit sa gawi ko at walang babalang kinarga ako sa mga bisig niya. Mabilis ang mga hakbang niyang lumabas ng bahay at nagtungo sa sasakyan niya, pagkarating sa harapan ng sasakyan ay binuksan iyon ni Chavah pero dahil sa taranta niya ay nauna siyang sumakay at agad niyang isinara ang pintuan. "Celosia Chavah, open the fucking door!"Kuya Blue shouted.

"Oh damn! Sorry!" Bulalas ni Chavah at binuksan ang pintuan."Oh my God! I'm so nataranta talaga!"

Maingat akong inilapag ni Kuya blue sa likuran sa tabi ni Chavah. Pagkatapos ay pumasok na si Kuya sa drivers seats at pinaharorot na ang sasakyan. Pagdating namin sa hospital ay muli akong pinangko ni Kuya, tumakbo naman agad si Chavah sa loob at nagtawag ng doctor. Paglabas niya ay may kasama na siyang nurses na may hila-hilang stretcher at si Doc Ryden.

Ipinatong ako ni Kuya Blue sa stretcher at agad naman akong dinala ng mga nurses sa Delivery room.

"Chavah, you can't go inside—"

"Oh hell, Kuya Ryden! I will sunog your hospital if you don't let me in!"

Kahit sobrang sakit ng puson ko ay hindi ko mapigilang lingunin si Chavah dahil sa sinabi niya.

"What a brat!" Ani ni Doc Ryden at hinayaan na lang pumasok si Chavah ngunit pinagsuot siya ng lab gown at mask.

Nang makarating sa loob ay agad nila akong inilipit ng bed. Hawak-hawak ni Chavah ang kamay ko. Pwenesto nila ang mga hita ko at ipinabukaka, nasa paanan ko si Doc Ryden at sa magkabilang gilid naman ang mga nurses.

"Hey, Kendra, my mom said it's hurt like hell so you need to push harder, okay, bitch?! I don't want you to fucking die! Dahil kapag ikaw namatay I will kill you again! So push lang nang push, okay?!" Saad ni Chavah. Halata pa rin sa boses niya ang pagkataranta.

"Miss Sayson, you need to push okay?" Doctor Ryden said. Pero para na akong papanawan ng ulirat dahil sa matinding pagsakit ng tiyan ko at nang balakang ko. "Miss Sayson, Hindi ka pwedeng matulog—damn!" Hindi pa man tapos ni Doctor Ryden ang sasabihin ay nagdilim na ang paningin ko. At ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na alam at ng magising ako ay sumalubong sa akin ang iyak ng isang sangol.

"Kuya Blue, Kuya Yvo, how to shut this little monster! Why does he keep crying? OMG!" Ang sumunod ay ang boses ni Chavah. Mas lalong lumakas ang iyak ng bata.

"Chavah, lower your voice,  he'll cry even more." I heard Kuya Yvo's voice.

"Kuya, how about we give him a sleeping pill?"

"Chavah, that's a baby." Next, I heard Kuya Blue's voice.

"I think he's hungry."

"What if we give him chicken and rice na lang para mag-shut up na siya?" Chavah asked.

"He needs milk."

"Oh—"
 

"C-chavah. . ." I called her.

"Oh my God! Thank God you're awake! Your little monster has been crying for an hour."sabi niya. May karga-karga siya na sigurado akong ang anak ko. Nang makalapit siya ay ipinatong niya sa tabi ko ang bata."Oh my God, Kendra, you are hinimatay doon sa delivery room! OMG I thought you're dead na! You know what they cut your tummy para malabas si baby!"bulalas niya.

Hindi ko magawang pasinin ang sinasabi niya dahil nakatuon ang mga mata ko sa maliit na nilalang na nasa tabi ko na ngayon ay unti-unting tumatahan dahil isinubo nito ang kamay na may gloves. Hindi maipaliwanag na saya ang naramdaman ko habang nakikita siya. Para bang biglang nagkaroon ng direksyon ang bahay ko, biglang nagliwanag ang paligid at ang munting hikbi niya lang ang naririnig ko. Kahit ang pagdadaldal ni Chavah ay hindi ko na narinig. Hinaplos ko ang mamula-mula niyang mukha at hindi ko mapigilang mapahikbi.

Im a mother now. May anak na ako. Oh my God!

He is so handsome! Ma balbon ang maliliit niyang kamay. Matangos ang kanyang ilong at makakapal ang kanyang kilay.

"Hey, Kendra, feed your little monster he was so hungry."

Bahagya akong tinapik ni Chavah kaya napakurap ako.

"Feed him?" I asked Chavah.

"Yes! You need to give him milk." Saad niya.

"But I don't have milk—"

"Miss Sayson, kailangan niyo pong pa-dede-in ang anak niyo." Nurse came. Napakurap ako at napatingin sa anak ko.

I watched my Nanay before, pero paano? May gatas ba ako?

"But I don't have milk po." Magalang na saad ko. She smiled.

"Pa-dede-in mo lang po, magkakaroon din po iyan."

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Mga Sir, maupo na muna po kayo doon dahil papa-dede-in po ni Ma'am si baby." Magalang na ani ng Nurse.

"Oh. . . sure." Magkapanabay na ani nila Kuya Blue at Kuya Yvo. Si Kuya Yvo ay nakasuot ng Hoodie Jacket at natatakpan ang isang bahagi ng mukha nito. May suot-suot itong mask. Naupo sila sa may dulo samantalang si Chavah ay nanatili lang sa tabi ko. Tinulongan ako ng nurse kung paano ang tamang paraan para pa-dede-in ang anak ko. Nang magsimulang dumede ang anak ko ay ganoon na lang ang pagkagat ko sa labi ko dahil kasabay ng pagsipsip niya ay matinding pagkirot nang dede ko. Parang may hinihilang laman sa loob ko.

"Oh my God! Why are you crying, bitch?!" Nag-aalalang tanong ni Chavah.

Napahikbi ako. "It's so p-painful. . ." Umiiyak na sambit ko.

AVYANNAHLAVELLE

𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄  (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon