CHAPTER ELEVEN
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜Kasalukuyan. . .
"A-anak mo?"
"Obob ampuche!" Naialis ko ang atensyon ko sa mga magulang ko nang marinig ang matinis na tinig na iyon. Sa gilid sa isang sofa ay nakaupo ang isang batang babae na mataba, naka pony tail ang buhok, nakasuot ng pink na dress at may hawak-hawak na iPad. Doon nakatuon ang atensyon niya.
Naramdaman niya sigurodong may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya. At sa paglingon niya ay unti-unting umawang ang bibig niya at nanlaki ang mata. Mabilis niyang ibinaba ang iPad sa sofa at bumaba. Patakbo siyang lumapit sa amin.
"Hala! Putek!" Bulalas niya at tumitig sa akin pagkatapos ay lumingon kay Alpha. "Ang cute mo, biik!" Bulalas niya at lumapit kay Alpha at kinurot ang pisngi nito. "Musta? Akala ko diet ka?" Tanong niya kay Alpha na parang matanda. Napangiwi ako. Nakita ko ang pagngiti ni Alpha. Nagyakap silang dalawa na ipinagtataka ko. Nagmaghiwalay sila ay tiningala ako ng bata.
"Hi I'm Laluna Nasey, Luna for short para hindi ka na mahirapan." Nakangiting ani niya sabay lahad ng kamay niya.
"Nasey?"
"Yes, Nasey as in N A S E Y, Nasey!"
Nasey? Anak siya ni Pablo? Napatingin ako kay Pablo. Nagsalubong lang ang kilay niya. Siguro ay anak nila ni Cassandra. Sa naisip at gusto kong sumimangot, nagkabalikan nga ata talaga sila. Good for them, bad for me. Haiyts.
"Oh I forgot kulang pala ng middle name!" Humagikhik siya." Okay ulit. . ." Naibaba ko ulit sa bata ang tingin ko. "I'm Laluna Sayson Nasey 3 years old, I'm John Pablo Nasey's and your daughter."
Huh?
Ano daw?
"My w-what?"
"Your daughter. Bingi mo naman, mommy!"
And just like that umikot ang paningin ko pero bago pa man ako mawalan ng malay ay nakita kong napangiwi ang mga magulang ko.
"Hindi siya patay 'di ba, biik?" I heard voices.
"No, she passed out." I heard Alpha's voice.
"Nakakahimatay pa lang malamang anak niya ako? Sa bagay ang ganda ko kasi, 'no, biik?" Dahil sa narinig na sinabi ng bata ay iminulat ko ang mga mata ko at napalikwas ng bangon. Bumungad sa akin ang dalawang bata sa gilid ng kama magkatabing nakaupo.
Shit! Hinimatay ba ako?
"Y-you. . ." Turo ko sa bata. Ngumiti siya.
"Yes po, mommy?" Malambing niyang sambit.
Nagulat na naman ako.
"Why. . . why are you calling me mommy? I'm not your mothe—"
"Of course you are." Putol niya sa sasabihin ko. Ngumuso siya.
Napalinga ako sa paligid para maghanap ng ibang taong mapagtatanongan. Nasa kwarto ko ako. So hinimatay nga talaga ako dito? At dinala nila ako dito? Nahinto ako sa paglinga nang dumuko sa nakaupong tao ang tingin ko. Nakapang-dekwatro siya at nakasikop ang mga braso sa ilalim ng dibdib habang matamang nakatitig sa akin.
Biglang nagwala ang puso ko ng magsalubong ang mga mata namin.
Agad ko sanang iiwas ang tingin ko ngunit naalala ko ang tinawag ng batang babae sa akin. Tumikhim ako bago magsalita.
"She's your daughter, right? Bakit niya ako tinatawag na mommy?"
Tumaas ang isang kilay niya.
Oh God! Bakit ang taray niya! Lalaki siya pero ang taray niyang tingnan! At lalo siyang gumanda sa paningin ko. Hindi talaga siya gwapo, maganda talaga siya.
"Kasi nga anak mo ako! Kulit mo naman, e!" Napabaling agad ako sa batang babae nang sumabat siya. Umalis siya sa kama at naglakad patungo kay Pablo, naupo siya sa tabi nito, tumayo rin si Alpha at tumungo sa tabi ni Pablo, pinagitnaan nila sa Pablo. At tulad ng posisyon ni Pablo ganoon rin ang posisyon nilang dalawa.
Umawang ang bibig ko! Para silang triplets! Magkamukhang-magkamukha sila! Para silang carbon copy ni Pablo!
"Shit!" Mahinang sambit ko. Nakita ko ang pag-angat ng gilid labi ni Pablo.
"I hope it's answer your question." Mahina ngunit mariing sabi niya.
Umikot na naman ang paningin ko pakiramdam ko ay mahihimatay na naman ako. Nahilot ko ang aking sintido.
"Gising ka na pala." Napabaling ang tingin ko sa pintuan ng bumukas iyon. Mula doon ay iniluwa ang nga magulang ko, kasama si Kenzy at isang binata na sigurado akong si Kenji, ang laki na niya! May karga-karga si Kenzy na ngayon ko lang napagtuonan ng pansin, batang babae.
Anak niya?
"A-anak mo?" tanong ko kay Kenzy.
"Kapatid natin, mukha na ba akong tatay?" Taas kilay na ani niya at inirapan ako. Siguro ay galit siya sa akin. Pero—ano daw? May kapatid pa kami? Oh my God!
Ngumiti sa akin ang batang babae.
"Ate!" Natutuwang sambit niya. "My name is Khiera!" Magiliw na pagpapakilala niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapahikbi. Ang dami kong na missed nang mawala ako.
Lumapit si Nanay at Tatay sa akin.
"How are you, anak?" Nanay asked. Mas lalo akong napahikbi.
"I'm sorry po. . . sorry po." Umiiyak na saad ko. Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha ko at doon humagulgol. Naninikip ang dibdib ko.
Naramdaman kong may sumapo sa mukha ko at bumungad sa akin si Tatay nang ibuka ko ang mga mata ko.
"Shhhhh. . . tahan na, anak. Hmmm." Pagpapatahan niya. Dahil sa ginawa niya ay mas lalo akong umiyak.
"S-sorry po, Tatay. . . s-sorry po talaga." Wala akong ibang salitang masambit kundi sorry lang. Niyakap naman nila ako. Ilang minuto akong umiiyak habang yakap-yakap nila ako.
Nang tumahan ako ay binigyan nila ako ng tubig. Habang umiinom ako ay dumako sa kanila Pablo ang tingin ko.
"Luna, come here." Tawag ni Nanay sa batang babae. Agad namang bumaba ito pero nakasimangot.
"Yes po, lola nanay?" Tanong nito nang nasa harapan na siya ni Nanay.
"Bakit ka nakasimangot?" Malumanay na tanong ni Nanay sa kanya. Umirap siya sa hangin bago ako inginuso.
"'Yang anak mo po kasi ayaw maniwala na anak niya ako, magkamukha naman kami 'di ba?"
Muling umawang ang bibig ko. Malakas ang naging kalabog ng dibdib ko.
"P-paano kita naging anak?" Mahinang boses na tanong ko.
"Ipinanganak mo po. . . ano pa po ba? Sabay mo kaming inilabas ni Alpha, kaso marami akong naging complications noong lumabas kaya need nila ako ilayo sa 'yo kaya 'yon si Alpha lang naiwan sa 'yo." Dire-diretsong saad niya.
Napalingon ako sa pamilya ko.
"A-ano po ang ibig sabihin ng sinasabi niya?" Nagugulohan pa ring tanong ko kahit na ilang ulit nang sinabi ng batang babae na anak ko siya at mommy niya ako. Sino ba kasi ang hindi magugulohan? Isa lang ang anak ko pero biglang may batang magpapakilalang anak ko?! Na anak pa ng tatay ng anak ko?! Parang sasabog ang ulo ko sa dami ng katanungan!
"Mom, we are twins." Sabat ni Alpha, nakaupo pa rin siya katabi si Pablo.
"What?!"
"Alam naming nabuntis ka, Kendra." Si Tatay. "At alam naming si Nasey ang ama."
Buhat sa sinabi ni Tatay ay nanlaki ang mata ko. Tumingin ako sa kanila at tumingin ako kay Pablo. Nag-igting ang panga niya at mas lalong naging mariin ang pagtitig niya.
"Hindi ikaw ang nagtatago, Kendra, dahil kami ang nagtatago nitong mga nakaraang taon huwag mo lang kaming makitang binabantayan ka. . . hinayaan ka namin sa gusto mo, nirespeto namin ang desisyon mo. . . pero sa lahat ng pinagdaanan mo nakasubaybay kami."
"H-huh? Pero p-paano?"
"Thanks to Chavah. . . she told us everything noong mga panahong halos mabaliw na kami kakahanap sa 'yo."
AVYANNAHLAVELLE
BINABASA MO ANG
𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 (𝐓𝐖𝐎)
Fiksi UmumHaving a silly little crush on Pablo, Kendra is content with just looking at him from afar, even supporting his upcoming marriage. However, the connection she has with a friend, Chavah, reveals horrifying details about the woman he is about to marry...