I am a girl with big dreams and a girl that believes "one day I will play and important role in this world".
But now what I just dreamed and believed I know it would never happen!
Ako si Ella ! Kilala bilang isang matabang babae, maitim, at maraming tigyawat! Oo, araw-araw nilalait ako ng ibang tao pati na rin ang sarili kong pamilya. Iyon ang mas masakit pero sa tagal ng panahon ay nasanay na ako . Pero bakit ang sakit pa rin!?
Sinasabi nilang wala akong alam.Pero pag inihahayag ko naman ang aking opinyon at kasagutan ay agad nila akong huhusgahan ng ganito at ganyan. Ang totoo meron naman talaga akong alam dahil wala namang taong bobo diba? Iyon ay kung tao pa ba ako sa paningin nila. Kaya mas pinili ko nalang manahimik sa tabi.
Pinapanood na sumaya ang iba habang ako ay nahihirapan na. Hahayaan ko nalang na mapaglipasan ako ng panahon masasanay rin ako sa ganitong sitwasyon.
Sa akin namang pamilya para ako ay naiiba sabi nila anak daw ako sa labas dahil maganda ang aking dalawang babae na kapatid. Si inay at itay naman ay halos di ako pansinin at kaya nilang di makialam sa akin araw-araw. Okay lang naman sa akin yun dahil kakaiba nga ako?! Tanggap ko na yun pero masakit pag pamilya na. Hindi kami mayaman pero sapat lang din upang makakain.
" Inay, ano naman ba ang ulam? " tanong ni Rhea ang pinakamatanda sa aming magkakapatid
" Anak, gulay lang. Pasensya na kulang kasi ang sahod ninyong magkakapatid! " ani ni nanay
" Eh pinapa-aral niyo pa kasi ang babaeng ito! Eh wala naman siyang silbi at alam! Pag trabahuin niyo nalang at ng makatulong! " sunod na litanya ni Rhea
" Anak, wala tayong magagawa desidido kasi! Kahit gaano tayo kahirap ay ayaw pa rin! " sagot ni ina
" Ate, wag niyo namang isali ang pag-aaral ko dahil lang sa gulay lang ang ulam natin! " angal ko.
" Huh! Ang kapal ng mukha mong sumagot! Pera namin ang nagpapa-aral sayo at dahil sa pinagtatrabahuan ko! " galit na sabi ni Rhea
Akma na sana niyang sasampalin si Ella ng pigilan siya ng ina nito.
" Hayaan mo na Rhea! Umalis kana Ella. " galit na sambit ni ina
Kumaripas ako ng takbo palabas at mangiyak ngiyak na ang aking mukha.
" Hahaha! " tawanan ng mga taong nasa kabilang kalye
" Ang pangit na nga umiiyak pa! " sabi ng isang babaeng puro gluta ang kinakain dahil parang wala nang dugo na natira sa katawan.
" Anong pakialam niyo? " galit na tanong ko
" Bakit totoo naman ah! " sabi ng kasamahan ng babaeng gluta na uling naman ang kulay at nasunog ata ito ng bongga.
Babaliwalain ko nalang sila! Sabi ni Ella sa kanyang isipan. Akma na siyang aalis ng bigla siyang hatakin nito.
" Aba pangit na nga wala pang respeto. Ang ugali mo ay parang sa katawan mo ang baboy! " sabi ng babaeng gluta
Sasagutin sana ni Ella pero malalate na siya sa school. "kung tutuusin mas mabuti na yong pangit na lahat di kagaya ng sa inyo tinatago pa. Maganda ka nga pero ang pangit ng ugali mo para kang walang pinag-aralan! " nasabi nalang niya sa isipan
" Ano ha? Di ka lalaban? " sabi ng babaeng uling
"Tsk!" tanging nasambit ni Ella
At ayon na nga pinagtulungan siya ng dalawang babae. At kakaawa awa ang kanyang sinapit.
Kakatapos lang siyang ipahiya at kaladkarin ng mga babae sa kalye at malapit na siya sa paaralan ay wla parin siya sa ayos.
" Hahaha! Ganyan ba talaga siya!? " tsismisan ng mga estudyante
"Eww, nakakadiri naman siya!" sambit ng isa
Di na lang pinansin ni Ella ang mga nangungutya sa kanya. Sanay naman na siya sa kanila. Pumunta na siya sa CR para mag ayos. Pero wala din namang pinag bago dahil pangit pa rin.
Habang tapos na siya sa kaka ayos ng sarili ay nag lakad lakad siya sa pasilyo patungo sa kaniyang silid aralan.
Napa-isip siya sa mga bagay bagay.
"hay, ano ba ang nagawa ko at bakit ganito ang naging buhay ko. Kung may nagawa man ako di pa ba yun sapat sa kinalalagyan ko ngayon? Wala man lang nakakita sa aking kakayanan o ako mismo. Para sa kanila isa lang akong parang halaman na cactus di pinapansin at kung dun kailangan na kailangan n tsaka pa papansinin at iinumin ang katas. "
"Panginoon, kayo na po ang bahala sa akin. Kahit na wala man pong nag-aalala sa akin alam kong andyan po kayo. Salamat at binuhay niyo rin ako. Kahit na wala rin pong pamilya na minamahal ako at mga taong nirerespeto ako kayo na po ang bahala Aking Ama" ang panalangin ni EllaNakarating na siya sa kanilang silid aralan at laking gulat niya ng may naka drawing na larawan sa board. May tanong pa na 'What is Ella for you? ' nabasa niya ang mga pananaw ng kanyang mga kaklase sa kanya masyado siyang nasaktan.
Pero imbes na umiyak ay mas pinili nalang niyang itago ang hiya,lungkot,at galit. Binura niya ang nakasulat sa board na nagpatigil sa lahat ng mga kaklase niya.
"Ang kapal talaga ng bababeng yan! Masyadong feelingera! " sabi ni Allison ang babaeng matalino pero walang utak pagdating sa respeto
"Hayaan mo na sila Ella. Malapit kana man ding grumaduate ilang buwan nlang oh. Tiis tiis lang! " tanging nasambit niya sa sarili
Dumating na ang kanilang guro at nag klase na sila. Talagang nakikinig siya at marami na siyang nakuhang kaalaman para makapasa siya. Tuwing nagtatanong ang guro kahit alam niya ang sagot ay di niya itinataas ang kanyang kamay dahil ayaw niya ng gulo.
Natapos ang klase at uwian na. Ang iba ay nakikipag lambunchingan pa sa kanilang bebeloves.. Heheel, pero wala na siyang paki doon dahil wala namang may pakialam sa kanya. Umuwi siyang nananalangin na wala nang gulo sa bahay.
A/N:
Oh, my! Hi guys:) excited much ako sa story na to. Kasi parang hugot talaga. Ang hirap talaga kasi ng may kaaway guys. So lets be good and do not judge others easily ha? :)I would like to thank my dearest friend Dana Marie Buquia who helped in making this story. Kasi humingi ako ng idea and so far she didn't resist :)
Ingat mga bebeloves<3
BINABASA MO ANG
"Meet The Unwanted"
Teen FictionLife brought many challenges. But what's the purpose of these challenges? To make us feel being a loser? To hurt us? To teach us how to give up, lose hope and usually to make us cry in pain! OR To surpass it ! To free us ! To make us better person...