Ella's POV
Sana naman tapos na ang gulo sa bahay. Tsk! Pauwi na ako ngayon!
Bakit maingay sa bahay? Dinig na dinig na kahit andito palang ako sa may kanto. Mukhang magulo pa ah!
" Ella, nag aaway na naman ang nanay at tatay mo! " sabi ng isang chismosang kapitbahay
Ng narinig ko yun ay dali dali akong pumunta sa bahay ng nasa tapat na ako ng pintuan ay nakinig ako! Di ko alam pero parang may pumipigil sa akin na pumasok.
" Ano ba kasi ang iniisip mo at kinuha mo pa ang batang yun? " tanong ni itay
" Aba! Akala mo kung sino ka. Baka nakakalimutan mong dahil rin sayo yun! Baon tayo sa utang at napakarami mo pang bisyo. Wala akong ibang pagpilian kaya ko yun nagawa. Kailangan natin ng pera!." mahabang sagot ni inay
" Di mo nalang sana yan dinala dito! Pinabayaan mo nalang sana sa kalye. Hahanapin din naman yan ng pamilya niya!" sabi ni itay
Pumasok na ako at baka magkagirian pa sila. Alam kung masama ang pakikitungo nila sa akin bilang anak nila pero wala akong karapatan na pabayaan na lamang sila sa pag-aaway dahil ina at ama ko parin sila.
" Inay, Itay tama na po yan! Huwag na po kayong mag away " usal ko
" Huwag kang mangialam sa usapang pangmatanda Ella ! " sabi ni Inay
" Tsk! Tingnan mo na! wala talagang magandang naidulot ang batang yan eh. Malas, salot, wala talagang kwenta! " usal ni itay
" I-Itay!? " utal kung sambit
Grabe na talaga ang sakit sakit na. Nandito ako para makatulong pero mukhang mas malala ang naging bunga. Pero mas masakit ang salitang sunod niyang sinabi.
" Huwag mo akong tawaging Itay dahil hindi ka namin anak! Hindi kailanman! " diretsa niyang sabi
Tanggap ko na masama ang pakikitungo nila. Pero ang marinig mismo ang salitang ito ang nagpaguho sa pag-asang matagal ko nang pinanghahawakan. Umaasa pa ako! Pero tinapakan ito binasag ng pinong pino. Umaasa na mamahalin nila ako at tatanggapin. Kahit sila lang ang pamilya ko lang. Pero wala na!
Di ko alam pero dali daling tumulo ang luha sa mga mata ko nang matigilan ako sandali sa sinambit ni Itay ay Andres na pala at di na inay kundi Josefa.
Tumakbo ako palabas ng bahay at pumunta sa isang parke! Wala na akong pakialam . Di rin naman nila ako hahanapin dahil wala silang pakialam!!
Ang parke ito ang pinaka espesyal na lugar para sa akin, dito ko nilalabas ang mga hinanakit ko. Dito ako umiiyak! Bawal ako dito pero kinausap ko si Manong Jaime ang guard ng subdivision. Sa lahat siguro ng tao ay siya lang ang may ginawang mabuti sa akin di niya ako itinuring na iba.
Pumasok na ako at umupo sa isang bench. Masarap at malamig ang simoy ng hangin. Sana ganito katahimik ang buhay ko.
Napaisip ako. Sino ba talaga ako? Ano bang nagawa kong masama sa iba? Bakit walang nagmamahal sa akin? Saan ba ako nararapat kalagyan? May magmamahal pa ba sa akin? Mga tanong sa aking isipan.
At sa pangalawang pagkakataon ay hinayaan kong kumawala ang mga luhang matagal ko ng inipon at nilabas ang hinanakit ng puso kong basag at nahati sa dalawang piraso.
Stephan's POV
Nakakainis! Ngayon lang ako nakauwi dahil nag meeting pa kami sa SGC. Gusto ko pa namang mag work out sana. Hay, nakakapagod ang araw na ito!
Ay! Magpapakilala pala ako sa inyo! Ako si Stephan Fampulme . Anak ng isang politiko at isa sa pinakamayamang pamilya dito sa bansa. Kung gwapo ba ako? Aba, syempre ..haha, tanungin niyo pa si Author :)
Makadaan nga muna sa parke. Ang paborito kung pasyalan. Nakakawala ng stress doon. Napakaganda ng parkeng yun at higit sa lahat ito ang lugar na nag iwan ng magandang ala ala sa aking isipan.
Papunta na ako roon. Nang may matanaw akong babae sa malayo na umiiyak. Di siya nakayuko, nakataas ang kanyang ulo at tumitingin sa kalangitan habang may luhang dumadaloy sa kanyang pisngi.
Nilapitan ko ang babae. Di niya naramdaman ang presensya ko dahil nakapikit siya.
" Ahem! " tumikhim ako
Napatigil ako ng lumingon ito at napagtanto kong si Ella pala ang babaeng ito! Grabe ilang beses ba siyang iiyak sa isang araw? Diba niya alam na napaka halaga ng luha?
" Pasensya na sa pang iistorbo. Okay ka lang ba? " tanong ko. Pake niyo ba Natataranta ako okay? Wala na akong maisip na itatanong.
" Okay lang! " galit niyang sambit
" Galit ka? Inaano ba kita? " tanong ko
" Wala kanang pakialam! " sagot niya
" Tutulong lang naman sana ako! Bakit ka ganyan? Ano bang meron?! " galit na talaga ako . Siya pa ang may ganang magalit ngayon?
" Gusto mo talagang malaman? Ha? Para ano? Para ipagsabi mo sa iba at gagamitin iyon laban sa akin? Gagawin na naman akong katatawanan! Alam mo ba ha? Nag aaway sina nanay at tatay at nasali ako sa usapan! Okay lang sa akin eh nawala silang pake pero nung sinabi ni itay na di nila ako anak?! Pota! Sino ba ako?! San pala ako galing? Di ko na kaya pagod na pagod na ako! Pati ba naman sa pamilya ay wala rin? Ano bang nagawa ko? At naging ganito ang parusa sa akin? Lagi nalang akong nasasaktan !" paos niyang sabi sa huling salita kasabay ng pagdaloy ng luha
Di ko na nakayanan at niyakap ko siya. Grabe ang pinagdadaanan niya sa buhay! Wlang taong nais malagay sa ganitong sitwasyon.
" Tahan na Ella! Andito lang ako, masasandalan mo ako! " matapang kong saad
Di ko alam kung bakit ko yun nasabi ! Kusa nlang lumabas sa bibig ko. Pakiramdam ko kailangan niya ako!
Pinunasan ko ang luha niya gamit ang panyo ko at mas niyakap siya ng mahigpit. Naawa ako sa kanya at nasasaktan ng di ko alam!
" Salamat, Steph! " sabi niya at kumawala sa yakap ko
" Saan ka pupunta? " tanong ko
" Di ko alam, wala na akong pakialam sa buhay ko! " mabilis niyang sagot
" Tsk! Di ako papayag na kung saan saan ka pupunta! Diba sabi ko ako ang bahala sayo?! Masasandalan mo ako! " saad ko sa kanya
" Huwag mo na akong alalahanin Steph! Alam kong ginagawa mo ito dahil naawa ka! Di ko yun kailangan Steph! " matapang niyang sagot
" Sige , doon ka sa bahay pero mag tatrabaho ka! Kakausapin ko si Mama at Papa! Mabait yun kaya papayag yun okay?! Alam kong di ka uuwi sa inyo matapos ng nangyari! At di ako tumatanggap ng 'Hindi' Ella" sabi ko sa kanya sabay titig sa maganda niyang mga mata
Para itong pamilyar! Ay, ano bang iniisip ko imposible yun! Ang mahalaga ngayon ay malagay siya sa mabuting kalagayan .
A/N :
For 123456789 years nakapag update narin ako .. Busy kasi ako sa buhay . Bilang isang butihing estudyante .. Huhuhu, na delete pa yung una kong sinulat .. Tsk! Haha, shout out kay Sophia Dela Cruz na ina antay ang pag uupdate ko .. Thanks sa support my dear friends .. Lovelots
BINABASA MO ANG
"Meet The Unwanted"
Novela JuvenilLife brought many challenges. But what's the purpose of these challenges? To make us feel being a loser? To hurt us? To teach us how to give up, lose hope and usually to make us cry in pain! OR To surpass it ! To free us ! To make us better person...