Lumipas ang isang linggo ay nanatili pa rin si Ella sa pamamahay nila Stephan. Nagptuloy pa rin siya sa kanyang pag-aaral. Labis naman ang pasasalamat ng dalaga dahil sa kabaitan ng pamilya Fampulme.
Nagising si Ella na maganda at magaan ang pakiramdam. Maaga siyang naligo kahit sabado. Gusto kasi niyang tumulong sa gawaing bahay. Ginagawa niya ito tuwing wala siyang ginagawa. Kahit bilang kabayaran lang sa kabaitan ng pamilya ni Stephan.
Habang pababa na siya sa hagdan ay nakasalubong niya si Stephan.
' Magandang Umaga! ' bati niya sa binata sabay ngiti. Ikina gulat naman ito ng binata. Dahil minsanan lang niyang makitang naka ngiti ang dalaga. " Good Morning ." balik niyang bati sa dalaga
"Stephan at Ella, halina kayo at kakain na tayo" tawag ng Mama ni Stephan
Sabay na silang pumaroon sa hapag kainan. At habang kumakain ay biglang nagsalita ang ina ni Stephan.
" Malaki ang problema ko ngayon sa aking agency. Hay! " buntong hininga nito
"Bakit ma? Anong nangyari?" tanong ni Stephan
"Nagloloko na kasi ang iba kung Models napabayaan na nila ang kanilang sarili. Kaya ngayon kailangan ko na namang maghanap ng bagong Modelo sa madaling panahon dahil malapit na ang Fashion Show." sagot nito
"Nako! Pano na yan Mahal?" tanong ng kanyang asawa na si Antonio ang ama ni Stephan.
"Namro'mroblema na nga ako eh!" malung ko na tugon nito. "Ay teka! May naisip ako." Biglang bulalas nito.
"Ano naman yun?" Tanong ni Antonio. " bakit ko kailangang maghanap sa labas kong may makikita naman ako dito sa loob ng bahay. " sabi ni Maureen sabay tingin kina Stephan at Ella.
"Ma? What are you thinking?" Kinakabahang tanong ni Stephan sa ina.
"Ella? Are you willing to help Tita Maureen? " tanong nito kay Ella
"Ahm, Tita. Gusto ko po talagang makatulong para narin sa kabayaran ng pagpapatira ninyo sa akin dito. Pero wala po talaga akong alam diyan at di naman po ako maganda at mas lalong di maganda ang hubog ng aking pangangatawan." Sinserong sagot ni Ella
"Hija, sa susunod na buwan pa ang Fashion Show. May oras pa para e transform kita. Atsaka may pagbabago naman na ngayon sa itsura mo kesa noon. Mas kuminis at pumuti ka dala ng aircon. Haha, atsaka medyo pumayat ka ng konti dahil sa pagtulong mo sa mga gawaing bagay. Diba?" Sabi pa nito
"Ma, kung ayaw niya. Huwag mo nalang pilitin." Biglang singit ni Stephan
"Ella?" Baling ni Maureen sa kanya
"Ahm, willing po ako Tita. Pero pagpasensyahan niyo na po kung baka di ko maabot ang mga expectations niyo." Sagot ni Ella
"Don't worry hija. Stephan will also help. Kasi modelo rin siya. Diba anak?" Tanong nito kay Stephan at tumango nalang ito.
"Okay. Good now were settled. Magbihis ka Ella may pupuntahan tayo. Okay?" Maureen
"Sige po Tita."
"O, hayan solve na ang problema mo mahal." si Antonio sabay halik sa pisngi ng asawa
Natapos na ang agahan. At tumulong muna si Ella sa paghuhugas ng pinggan. Pagkatapos ay pumunta na siya sa kanyang kwarto upang magbihis. Nang biglang may kumatok sa pintuan. Nagtapis lang muna siya ng roba dahil baka si Manang lang iyan. Pero laking gulat niya ng si Stephan pala ang nasa labas ng pintuan.
"Ah, pasensya na sa a-abala" bigla itong napatigil ng makita ang suot niya. Siya din naman ay pinamulahan sa kanyang pinag-gagawa.
" A-anong kailangan mo S-Stephan? " putol-putol niyang tanong dahil sa kahihiyan.
" Pinatatanong ni Mama kung tapos kana ba daw? Pero mukhang hindi pa naman. Sige alis na ako. Pakibilisan nalang." Nakabaling sa iba ang tingin nito habang nagsasalita.
"Ah, sige" tugon ni Ella. Nagtataka naman siya kung bakit di siya magawang tingnan ng binata.Isinara na niya ang pinto at pagtingin niya sa salami ay doon lamang niya napagtanto na kita na pala ang cleavage niya. Sa kakamadali ng pag suot ng roba ay di niya ito naayos sa pag suot. Naka awang ito ng konti. hay, nako nama! Nakakahiya. Sambit ng dalaga sa kanyang isipan.
Natapos na si Ella sa pagbibihis at pumunta na siya sa baba. Naroon na sa loob ng sasakyan ang ina ni Stephan at si Stephan na magmamaneho sa kanila patungo sa kanilang pupuntahan.
Sa byahe ay nagtanong na siya kung saan ba talaga sila pupunta.
"Tita? Saan po ba tayo pupunta?""Una, pupunta mo na tayo sa Salon. Magpapa wax , at doon ay gugupitan ka rin nila. Sunod sa Spa magpapa massage tayo at manicure for relaxation. At panghuli sa Mall bibili tayo ng mga damit mo. Okay ba?" Tanong nito
"Ahm, Tita? Kailangan pa ba iyon?" Tanong ni Ella. "Oo naman Ella. Iyon pa lang ang una nating gagawin. Dahil asahan mo sa susunod na araw ay magiging busy kana. Understand?" Sabay tingin kay Ella.
Napatango nalang ang dalaga at tahimik na tumitingin sa labas ng sasakyan.
Di nagtagal ang byahe at nakarating na sila sa SALON. Kung anu-ano ang ginagawa ng mga bakla sa kanya. At ng matapos ay pinalabas na siya.
" Oh my gosh. Hija! Buhok palang yan pero ang laki na ng improvement. Mukhang di ako nagkamali sayo." Sabi ni MaureenSiya din naman ay nabigla sa kanyang nakita sa salamin. Ang dati niyang mahaba at buhaghag na buhok ay ibang iba na ngayon. Mahaba parin ito subalit ito'y kulot na kinulayan ito ng may pagka brown. Napaka ganda nitong tingnan. Bagay na bagay sa hulma ng mukha niya. Ang kilay niya ay purmado na.
Ng tumingin siya sa gawi ni Stephan ay nakatingin din ito sa kanya. Siguro napagod ito sa kakahintay dahil mahigit tatlong oras ang itinagal niya sa loob.
"Psst! Ter ang haba naman ng kulot na buhok mo! " sabi ng baklang nag make-over sa kanya.
"Ha? Bakit?" Wala sa sariling tanong ni Ella
"Aba. Tingnan mo yung gwapong boylet oh! Kung makatingin sayo wagas." Sagot nito sabat turo kay Stephan
"Nako! Nabigla lang siguro" sagot ni Ella.
"Hindi eh. Parang may something talaga." Kinilig na sabi ng bakla na nagngangalang Bob
"Naku, Bob tigilan mo na yan. Sige mauna na kami" sabat ni Maureen
" Osha, sige Madam! Sa uulitin" sabi ng bakla
At lumabas na nga sila ng Salon. At sumakay na ng kotse upang makarating sa kanilang sunod na patutunguhan.
BINABASA MO ANG
"Meet The Unwanted"
Teen FictionLife brought many challenges. But what's the purpose of these challenges? To make us feel being a loser? To hurt us? To teach us how to give up, lose hope and usually to make us cry in pain! OR To surpass it ! To free us ! To make us better person...