#Start

2 0 0
                                    

Maagang gumising si Ella para mag-ayos. Magsisimula na kase ang training niya para maging isang ganap na modelo.

Tok! Tok! Tok!

Napatigil sya sa pagsusuklay dahil sa katok. Katatapos lamang kasi niyang maghilamos at ayusin ang sarili para ihanda ang sarili sa agahan. Excited siya kung ano ang bagong matututunan niya sa araw na ito.

Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya si Stephan...

" Oh! Stephan, ang aga mo atang nagising? " takang tanong niya

" Pasensya na, di ko kase nasabi sayo na mag-gi gym tayo ngayon. Natulog ka kase ng maaga kagabi. " sagot nito

" Ah, ganun ba? Pasensya kana. Ikaw pala ang makakasama ko ngayon? Uhmm, training na ba ito? " tanong niya

" Hahaha, Oo naman! Magsimula na tayo habang maaga pa. Gusto ko nang pagpawisan. " natatawang sagot nito

" Oh, sige magbibihis lang ako. Hintayin mo nalang ako sa baba " ngiting sabi niya

" okayyy.. Paki bilisan please! "

Mabilis siyang naghalungkat ng maisusuot. Kaunti lang kase ang damit niya. Pero naalala niyang marami pala silang pinamili nung nagpunta sila ng Mall. Kaya naman pumili sya duon. Pero sa kasamaang palad short na maikli at adidas na t-shirt ang nakita nyang pwede sa gagawin nila ngayon.

" hays! Okayy na siguro to! "
Sabi niya sa sarili at dali daling binitbit ang sapatos at lumabas na ng kwarto.

*****

Pagdating niya sa baba. Naasiwa siya sa tingin ng mga katulong at ni Stephan sa kanya. Siguro dahil di siya sanay nakikitang nakasuot ng ganito ka ikling pananamit. Pero ano pa nga bang magagawa niya eh sa yun lang ang pwede.

" Uhmm, Stephan? Mali ba ang nasuot ko? " tanong nya sa binata

" H-hindi naman! " nauutal pa nitong sagot

" Tss. Alam ko namang pangit akong tingnan na ganito ang ayos, tsaka di ako sanay kaya pasensya na! " paumanhin niya

" Hahaha, ano kaba! Bagay nga sayo eh! Tsaka di rin kase kami sanay na nakikita kang nakasuot ng ganyan! " natatawang sabi nito sabay tingin sa baba paitaas sa katawan niya

"Hay nako! Nambola pa! Tara na nga!"
Paanyaya niya rito baka kung pasasan pa papunta ang usapan

" Tara! Haha ang ganda pala ng legs mo no? " pang-aasar nito

" tumahimik ka nga! " saway niya rito

Sa totoo lang, ito ang unang beses na naging komportable sila sa isa't isa. Dahil nitong mga nakaraang buwan at araw ay di sila masyadong nagpapansinan kahit nasa iisang silang pamamahay. At masaya si Ella ngayon na sa tingin niya ay magiging magkaibigan na sila ng kauna-unahang tao na tumulong sa kanya. At sa totoo lang din naman. Nararamdaman niyang ang gaan ng pakiramdam niya rito na parang matagal na silang magkakilala.

" Pasok na sa kotse! " sabi ng binata

" malayo ba ang gym na pupuntahan natin? " tanong niya sa binata ng makapasok siya sa kotse nito

" Hindi naman! " nakangiti nitong sabi "Tsaka pwede ba, dito ka nga sa front seat umupo para akong driver mo nito eh" mandar nito

" Sorry, nasanay kase ako na sa likuran lang uupo. " nakangiti niya ring sabi

At doon nga siya umupo sa unahan.

" Hay salamat naman. Nga pala! Mukhang di maganda ang palagi nating pagkikita kaya sisimulan natin ito sa isang magandang pagpapakilala! " magiliw na sabi nito

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Meet The Unwanted"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon