Meet Him :)

18 4 0
                                    

Marey-An_heiress
presents
"Meet the Unwanted"

************************************

Stephan's POV

Papunta na sana ako sa School nang makita ko si Ella. Kilala siyang ayaw makilala ng iba! Gets mo? Ang totoo hate ko siya na hindi. Ah, ewan naguguluhan ako.

Ayaw ko sa kanya dahil ang hina-hina niya! Di siya marunong lumaban at ipagtanggol ang sarili niya. Di niya alam kong gaano siya katalino at kagaling. Di naman siya pangit may pagka chubby lang siya. Morena, maganda ang mga mata at makinis kaso lang natatakpan dahil sa mga tigyawat sa mukha tapos... Teka? Diba ayaw ko nga sa kanya bakit ganun mga sinasabi ko? Tsk! Kainis

Napansin kong parang galing siya sa bahay nila. Tapos umiiyak siya?
May lumapit sa kanya at parang kinukutya siya nito. At hayun nakita niyang pinag tulungan siya nito.

Gusto ko sanang tumulong pero tangina lang. Naduduwag akong lumapit sa kanya. Gusto ko rin siyang makitang lumaban. Pero natapos na ang mga babae ay di parin siya lumalaban!

"Tsk! Ang hina talaga mg babaeng to! Ba't ko ba siya pinag aaksayahan ng oras. Makaalis na nga lang." sambit niya sa sarili

At hayun nga umalis na siya sa kinalalagyan at nagsimula ng tumungo patungong paaralan.

Kanina pa siya dumating pero inaabangan niya lang talaga si Ella para ma siguradong okay na ito.

Di niya alam kong bakit nagiging ganito siya. Pero ang totoo ay may naalala siyang kaibigan sa kanya noon.

FLASHBACK

"huhuhuhuhu" iyak ng batang babae

Nilapitan ito ni Stephan..

"bakit ka umiiyak? Anong problema?" tanong niya dito

At nang lumingon na ang batang babae sa kanya ay bigla siyang napitlag. Parang tumigil ang mundo niya ng masilayan ang napakaganda nitong mga mata kahit may luha pang tumutulo rito. Para bang tinatawag siya nito.

At dahil doon naramdaman niyang tumibok ang puso niya ng pagkabilis. At doon niya napagtanto na para sa kanya ang batang babaeng ito.

"huhu, eh kasi kuya kinuha nila si Naomi ko"sagot nito at namumula na ang ilong sa kaiiyak.

"Sinong Naomi?" tanong ni Stephan

"Yung teddy bear ko! Regalo sa akin yun nina Mama at Papa eh kaya kailangan kong kunin!" paiyak na kwento nito

Para namang may pumupunit sa puso niya ng makitang may gustong luhang makawala sa napakagamda nitong mga mata. Kaya naman dali-dali niya itong binigyan ng panyo at pinunas sa luha nito.

"Huwag kang mag-alala! Babawiin natin si Naomi" nakangiting tugon niya

"Talaga kuya? " tanong nito

"Oo, munti kong prinsesa" determinadong sagot niya

Nakatanggap ng ilang suntok si Stephan bago niya nakuha si Naomi sa mga batang lalaking kumuha at akma na sanang itapon ito.

Umupo sila sa bench sa parke upang mag ayos at maisauli narin niya si Naomi.

"Kuya, pasensya kana kung nadamay ka pa dito" paiyak na sabi nito

"okay lang! Oh? Bakit ka umiiyak? Diba bawal sa prinsesa ang umiyak at baka pumangit siya? " sabi pa nito

"eh kasi dapat di hinahayaan ng prinsesa na masaktan ang prinsepe niya" iyak na sambit nito

Napatigil siya sa sinabi nito!

"Huwag kang mag alala Munti kong Prinsesa kahit gaano pa kasakit iindahin ng iyong prinsipe sumaya ka lang" at kasabay nito ang pagbalik niya sa teddy bear nito

"Salamat Prinsipe ko sige aalis na ako!" nakangiting tugon nito

" ha? Babalik ka pa ba dito? " tanong ni Stephan

"Oo, Prinsipe ko! Balang araw magkikita tayo rito" nakangiti parin ito

At umalis na nga ito kasama si Naomi.

"teka! Di ko nakuha ang pangalan niya. Pero di bale na babalik pa naman siya! "sabi niya sabay ngiti

Dumaan ang mga araw pero wala parin ang Munti niyang Prinsesa.

"Nasaan na kaya siya? Sana nasa mabuti siyang kalagayan at sana di niya ako makalimutan" sabi niya sabay tingin sa mga bantang naglalaro sa parke.

Back to Reality...

Napansin niyang ang gulo gulo ng buhok ni Ella at halos di na ito makilala.

Di niya alam pero parang nakikita niya ang batang yun sa kanya. Walang kalaban laban. At di man lang alam ko gaano siya ka importante sa mundong ginagalawan niya.

Kinukutya na naman ito!

"tsk! Mga tao talaga. Ang bilis manghusga eh di naman nila alam ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan! " mahina niyang sambit sa sarili

"May sinasabi ka Mr. President? "sabi ng kaibigan niyang si Nathan ang Vice President ng SGC

"Ahm, wala naman bakit? May kailangan ka? " tanong ni Stephan dito

"tsk! Pare kilala na kita! Trip mo yang si Ella no? " tukso nito

"At bakit mo naman yan nasabi? " takang tanong niya

"eh kung makatitig, makasunod at makabantay ka sa kanya eh ang O.A pare.. Hahaha" tawa nito

"Tsk! May naalala lang ako sa kanya no! " sabi niya rito

"Sino yung firstlove mo? " seryoso na ang mukha nito

"Tsk! Ewan ko sayo! Tara na nga may gagawin pa tayo" usal niya

At naglakad na sila. Di na rin nagtanong pa si Nathan ng kahit ano pa man.

Papasok na sana sila sa klase ng may narinig siyang malakas na tawanan at bulong- bulungan sa loob ng silid aralan. Agad silang pumasok!

Bumungad sa kanya ang mga nakasulat sa board at ito ay binubura ni Ella.

"Pre, grabe na yan ah! " sabi ni Nathan

"Hayaan mong matutong lumaban ang taong mahina" sambit niya at umupo na. .

"Di niya talaga alam kong gaano siya ka espesyal!" sambit niya sa sarili


A/N :
Wahahaha, yehey! Second Chapter na:)

Salamat sa mga maganda at matulungin kong kaibigan na sina Dana at Sam . Labyou!

>> Follow niyo po ako at eh fofollow ko rin kayo at tsaka vote po or comment para malaman ko reactions niyo :)

Bye<3

"

&quot;Meet The Unwanted&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon