Someone's P.O.V
Di ko sana yun ginawa sa pinakamamahal kong anak. Inilayo ko siya sa amin ng kanyang ina.
Alam kong masama ang aking naging desisyon ngunit nais ko lang masigurado ang kaligtasan niya di lahat ng pagkakataon ay mapapangalagaan ko siya lalo na't akoy nasa politika. Masyado pa siyang bata para maranasan ang mga bagay na makakasakit sa kanya at ayokong di niya maranasan ang maging malaya .
Nasaan na kaya siya ngayon? Nasa mabuti kaya siyang kalagayan? Masama ba akong ama ? - tanong ko sa akinh sarili
"Hon, anong iniisip mo?" tanong ng kanyang asawa
" Iniisip ko lang ang ating anak. Labis na akong nangungulila sa kanya! " sagot ko
" Ako man din ay ganoon din ang nararamdaman. Bilang ina masakit na malayo sa anak" hikbi niya
" Naging masama ba akong ama? "
" Honey, hindi ! Ang mali lang natin ay sa maling tao natin siya naipaubaya.. Nasaa na kaya si Josefa? Saan niya dinala ang anak natin? " lalong nalungkot ang asawa niya sa pag sambit nito
Oo, si Josefa ang katulong namin noon na lubos kong pinagkatiwalaan! mabait siya alam ko yun pero di ko alam ang dahilan kong ano ang nag tulak sa kanya upang ilayo niya ng tuluyan ang anak ko sa amin.
Flasback .....
" Josefa? Nasaan ka? " tanong ko
" Sir ? Bakit po? " sagot niya
" Nasaan ang anak ko? "
" Nasa banyo po, pinapaliguan ko! Ang dumi dumi at dungis niya galing parke kanina ! May bago daw siyang kaibigan na nakilala at tinulungan siya nito"
" Ahh, ganun ba? Maari ba tayong mag-usap ng masinsinan? "" Opo, sir ! "
" Nabalitaan kong baon kayo sa utang ng iyong pamilya at kulang pa ang sahod mo dito bilang pambayad! May iaalok ako sayo! "
" Ano po yan Sir ? "
" Alam mo namang mainit na ang mata sa akin ng ibang politiko sa pagtakbo ko bilang Senador! Nakatanggap na nga ako ng Death Note .. Nais kong maging ligtas ang anak ko kaya bukas na bukas ay aalis kayo patungo sa probinsya niyo upang doon mamuhay. Ako ang bahala sa inyong mga utang at gastusin basta siguraduhin mong nasa mabuting kalagayan ang anak ko!"
" Sigurado kayo Sir? "
"Oo, Josefa ! Lahat gagawin ko para sa anak ko! "
"Papayag po ako! "
" Mabuti . Ibabalik mo na ang anak ko pag sinabi ko! At dapat walang makaalam nito ."
" Opo Sir "
End of Flashback ..
Josefa' s P.O.V
Naaawa ako kay Ella . Napakarami niyang pinagdadaanan sa buhay. Kaya kahit anong suyo nila sa akin na pahintuin ko siya sa pag-aaral ay di ko ginawa dahil iyon nalang ang tanging matitira at maibibigay ko sa kanya.
Hiyang hiya ako sa sarili ko . Lalo na sa amo ko noon ang ama ni Ella!
Kung di ko lang sana yung ginawa !Flashback..
" Oh ,nandito kana pala sa ating maliit na probinsya! Ano? May pera ka? " tanong ni Andres
" Oo ,meron pero di ito sapat kaya kailangan mo paring maghanap ng trabaho! " galit na sabi ko
" Yaya? Nasaan po tayo ? " singit ng isang bata
" Nasa probinsya namin! Ano nagugutom kana ? " sagot ko
" Di pa po ! Maglalaro nalang ako! " sabi niya sa akin
At dali dali itong tumakbo upang sumali sa mga batang naglalaro!
"Josefa ? Bakit may dala kang bata! ?" tanong ni Andres
" Yan ang dahilan kung bakit may pera tayo ngayon!"
" Kung ganun? Anak ng amo mo yan? "
" Oo, bakit ? "
" May maganda akong plano sa bata ! " nakangisi sabi ni Andres
" Tumigil ka diyan! Dahil sa bisyo mo di kana nakakapag isip ng tama! Maghanap ka nalang ng mapapasukang trabaho kaysa gumawa ka ng kahangalan!" galit kong sambit
"Maghanap? At sino naman ang tatanggap sa di nakatapos ng pag-aaral aber? Sino?" sigaw ni Andres
"Ayoko! Di ako papayag na isali mo siya sa Modos niyo ng iyong mga kaibigan " giit ko
" Mahal, kailangan natin ito ! May sakit si Rhea, kailangan niyang maoperahan agad ! "
" Ano ? Bakit? " tanong ko
"Mahina amg kanyang puso at maaaring di na siya mabuhay sa susunod na araw .. Josefa ang anak natin ! Di ko ito sinabi sayo upang di ka mag alala" paiyak na sabi ni Andres
" Sige , gagawin na natin ang plano mo ! " pasya kong sabi
" Josefa , diyos ko ang dala mong bata nawalan ng malay. Nasagasaan siya ni Mang Kanor " sabi ng isang tsismosa
" Ano ? Nasaan na siya? "
" Dinala na sa Hospital.. "
Dali-dali akong pumunta sa Hospital .. Lagot ako kapag may nangyaring masama sa alaga ko. Kailangan ko pa siyang perahan para sa anak ko.
Nakarating na ako sa Hospital
" Ella,? Okay ka lang ba?"
" Ella, yan ba ang pangalan ko ? Sino ka ? "
" Doc, anong nangyari? " baling ko sa doctor
" Misis , nagkaroon ng amnesia ang bata ! Dulot ng malakas na pagkabangga niya sa sasakyan"
"Ano ? " gulat kong tanong
" Are you my mother ? " tanong ni Ella
" yes, !" tanging naisagot ko
Kahit na anong mangyari dapat walang marinig na ingay na ako ang kumidnap o di kaya ay ako ang may gawa ng lahat ng ito.
END OF FLASHBACK
Yun ang nangyari .. At heto ako ngayon kinakain ng aking konsensya. Nahihirapan na ako.
Matapos nung nangyari at nakuha na namin ang pera ay agad naming pinagamot si Rhea. Pero natatakot ako na ibalik si Ella dahil alam kong mapapahamak ako. Lalo nat wala na siyang maalala..
Binalik ko siya sa Maynila malapit sa tinitirhan ng kanyang ama. Sa matagal na naming pamamalagi dito ay wala namang naghinala o nakakita sa akin. Magaling kasi kaming magtago. Tsaka matagal na yun bata pa nun si Ella . Ako naman ay lubos na tumanda na malayong malayo sa anyo ko noon .
BINABASA MO ANG
"Meet The Unwanted"
Teen FictionLife brought many challenges. But what's the purpose of these challenges? To make us feel being a loser? To hurt us? To teach us how to give up, lose hope and usually to make us cry in pain! OR To surpass it ! To free us ! To make us better person...