CHAPTER 2

69 12 14
                                    

【CHAPTER 2 : A MORNING SUPRISE.

***

NAGISING si Cade dahil sa ingay ng kapitbahay niya, minsan sa umaga ay ganito ang nangyayari, nagiging alarm clock na niya ang bunganga ng kaniyang boardmates na maingay tuwing umaga. Kaya naman nakakasanayan na niya ito sa punto na parang normal na sa kaniya ito, ngunit hindi niya maiiwasan na mainis lalo na't kulang siya sa tulog ngayon.

'Tángíná naman!'

Cade struggled to get up, scratching his head and punching the pillow out of extreme frustration with his boardmates.

'Bwísít na mga boardmates! Ngayon pa talaga kayo nag-ingay!!!'

Umagang-umaga ay kinuha niya ang cellphone niya para tingnan kung anong oras na. Sa kanyang pagkagulat, nakita niya ang maraming missed calls at texts mula sa kanyang kaibigan niyang si Alex.

*bzzt*bzzt*bzzt*

Incoming Call : Alex

Cade's phone suddenly vibrated and rang loudly. The caller ID showed the name of his friend, Alex, so he answered it immediately.

"Oh?" sagot ni Cade sa tawag habang malalim pa ang boses dahil kakagising lang nito.

["Táénà mo, Cade! Kanina pa ako natawag sa'yo!"] bungad sa kaniya ni Alex.

"Pasensya naman....*yawn*....bakit ba?" napahikab pa siya.

["Inuubos mo load ko! Paano na lang kung wala akong pantawag sa bebe ko!?"]

(ᄑ ___ ᄑ)

"Tángíná mo talaga eh, gising na nga ako di'ba?! Ano ba kase yun?!" inis na tanong ni Cade.

["Naghahanap ng waiter yung bar na pinagtatrabahuan ko, G ka ba?"] tanong ni Alex kaya nabuhayan ng loob si Cade.

Nawala bigla ang inis ni Cade "Ay 'weh?! Seryoso?!" napangiti siya ng malaki sa narinig niya.

["Oo! Táénà mo, kailangan ko na ng sagot mo ngayon! Baka maunahan ka!"] nagulat si Cade sa sinabi ng kaibigan niya.

"Siyempre! Oo ang sagot ko! G ako!"

["Ayown! Sige tatawagan ko na yung Manager ko! Ibaba ko na!"]

"Salamat!!!" huling pasabi nito sa kaibigan niya at ibinaba na ang tawag.

Cade's joy overflowed, causing him to punch the air in excitement, nag- karoon na din ng saysay ang pag-iingay ng boardmates niya dahil nagkaroon na siya trabaho. Kung hindi dahil sa ingay ng mga boardmates niya ay hindi siya magigising at sana ay hindi pa siya huli sa sinuggest na trabaho ng kaibigan niya sa kaniya.

'THANK YOU! THANK YOU! THANK YOU! ANG GANDA NG UMAGA KO!'

Masayang umalis sa kama si Cade at malaki ang ngiti nito sa labi. Despite the bad experience he had at the club, there is a piece of pleasant news.

'Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon pero hayaan mo na ang tadhana ang gumawa nun.'

The Mafia's Forbidden Love (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon