Simula

43 4 0
                                    

Simula

"LET'S GO PATCH! GO JED!" dinig kong sigaw ng mga kaklase kong pumunta para panoorin ang dance sports championship na inter-school.

"Sobrang galing!" napangiti ako nang marinig si Auntie Raine na isigaw iyon. 

Sabay kaming umindak ni Jed, sinasabayan ang musika. Pareho kaming may kumpiyansa dahil alam naming pinaghandaan namin ito. Bawat padyak ng paa, bawat kembot, ang palitan namin ng pwesto, ang pilantik ng mga kamay at ang reaksyon ng aming mga mukha...lahat ay naka-punto.

"Woo! Panalo na!" muling sigawan ng mga kaklase namin nang matapos ang performance namin.

Bumalik kami sa puwesto kanina dahil may iba pang kalahok na hindi pa nakakapag-presinta. Tinanaw ng mga mata ko si Auntie Raine na agad naman akong nilapitan.

"Grabe! Napakagaling talaga ng pamangkin ko!" niyakap niya ako. "Ano? Pahinga ka ba muna o gusto mo na kumain? Hmm?"

"Auntie, wala ba si Mama? O 'di kaya si Papa? Hindi ba talaga sila manonood?" malungkot na tanong ko.

Bata pa lang ako ay nasali na ako sa mga ganitong kompetisyon dahil hilig ko talaga ang pagsasayaw, pero sa lahat ng iyon, bilang pa lang ata sa daliri ang beses na nanood ang mga magulang ko.
Madalas ay si Auntie Raine ang nasama sa akin kaya laking pasalamat ko na may tiyahin pa rin akong sumusuporta sa akin.

"The champion is from...Gulod National High School!" kami 'yon!

Napatalon ang mga coach namin, pati ang mga kamag-aral na naroon. Sinabitan kami pareho ng gintong medalya at isang trophy. Kinuhanan kami ng litrato kasama ang iba pang nagwagi. Ito na ang huling sayaw ko para sa Gulod kaya laking tuwa ko na nanalo kami.

"Anong gusto mong reward?" tanong ni Auntie nang makasakay na kami sa kotse. "Gusto mo mag-mall tayo?"

"Puwede po ba?"

"Oo naman, akong bahala sa lahat ng gusto mong bilhin." nakangiting sabi niya kaya naman labis ang saya ko.

Kumain kami ni Auntie Raine sa Jollibee dahil paborito ko ang fast food chain na iyon. Niyaya ko siya sa Book sale para bumili ng mga bagong libro, doon ako bumibili para maraming makuha. Ipinamili niya rin ako ng bagong damit na magagamit ko sa senior high school. Dumaan din kami ng National bookstore dahil alam ni Auntie na hindi ko siya titigilan para sa bagong mga brush pen.

"Oh ito ang pera pambili, kahit ubusin mo 'yan sa lahat ng gusto mo. Babalik lang ako sa department store at mabili na nga iyong bag na natipuhan ko kanina." nangningning ang mata ko sa halagang binigay niya.

At dahil masunuring pamangkin ako, talaga kinuha ko lahat ng gusto ko at iyong magagamit ko rin naman sa senior high. Sa isip ay tuwang-tuwa ako dahil nasa sampung libo ata ang inabot sa akin ni Auntie, tiyak na marami ang mabibili ko.

"Hala!" sobrang saya ko nang matanaw sa isang rack ang bagong mga highlighters ng Stabilo! Meron na pala dito!

Para akong maliit na batang tumakbo papunta roon. Tila ba nag-focus lang doon ang mga mata ko. Kaya laking gulat ko nang may mabunggo ang cart na hawak ko.

"Ahh..." nakagat ko ang labi nang makitang nakahawak sa noo niya ang lalaking nasagi ko. Mukhang nakaluhod siya roon at may tinitingnan nang mapadaan ako at madali siya.

"Nako! Pasensya na po." nahihiya kong sabi. Hindi ko matiyak kung nakakatanda siya o hindi dahil sa suot niyang surgical mask. Ang weird naman, baka artista siya?

"Bakit ka ba tumatakbo Miss? Hindi naman mawawala ang mga 'yan." narinig ko siyang tumawa.

"Ano...pasensya na Kuya. Hindi ko naman sinasadya. Nasabik lang ako sa mga iyon oh." tinuro ko pa ang nasa likuran niya na mga bagong highlighters. "Hindi ko intensyon na makabunggo and hindi rin kita agad nakita, pasensya na hindi ako nag-ingat." Napakunot noo ako nang tawanan niya ako matapos kong magsalita.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng ganiyang pentel pen Miss? Hindi ka naman mauubusan ng stock, hindi mo kailangang magmadali." pangangaral niya sa akin, tama naman siya... pero hindi iyon pentel pen! Highlighter! "Ang dami na ng laman ng cart mo, nagbebenta ka siguro ng mga ito 'no. Halika, ako na ang kukuha no'n para sa'yo. Ilan ba?" hinila niya ang unahan ng cart ko.

'Mukha ba akong magbebenta?'

"H-hindi na..." hinila ko pabalik ang cart ko para tumigil iyon. Napabuntong hininga siya saka hinubad ang facemask na suot na tumataklob sa ilong pababa sa kaniyang baba. Mukha ngang artista!

Sa utak ay natapik ko ang sarili. Akala ko kasi ay sa mga pens na lang ako kikiligin pero nang makita siya...Tumingin ulit ako sa kaniya dahil baka naduduling lang ako ngunit hindi!

Maganda ang mga mata, matangos ang ilong, mapula ang labi at guwapo pa rin kahit may peklat sa gilid ng pisngi.

"Miss, ito na nakuha ko na." nagising lang ako sa pagpapantasya ko nang tapikin niya ang braso ko at nang-aasar na sinabi iyon.

"Salamat, kahit kaya ko namang gawin iyan." Nakagat ko ang labi at iniwas ang tingin ko sa kaniya.

"Oo nga pero sa tagal ng kilos mo baka bukas ka pa makakuha." nagsalubong ang mga kilay ko para tingnan siya. "Kung anong bilis ng takbo mo kanina, siyang bagal mo nang makita ang mukha ko." muli na naman niya akong pinagtawanan bago tuluyang umalis. Sinundan ko siya ng tingin, pati ang likuran niya ang guwapo tingnan.


🦋

A/N: Thank you for choosing to read my book on Wattpad titled, "Ang Huling El Bimbo" which is inspired by a song of Eraserheads. I would like to provide you some disclaimer; 

Please be aware that this work of fiction, written by me (Betch4y), is entirely fictitious before reading the story. Any similarity to real people or events is coincidental only. I make an effort to treat the sensitive topics that are touched upon in the book with respect and sensitivity. This book's material should only be used for enjoyment since it does not constitute professional advice. There may have been creative adjustments made to historical facts, places, and civilizations. Any unauthorized use or distribution of this book is outright forbidden, and all rights are reserved. Take pleasure in the excursion I've planned for you! Best wishes, Betch4y.

©

Ang Huling El Bimbo: Patch & KinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon