Kabanata 10

5 3 0
                                    

Kabanata 10

Meet

"HALA ANG sabi mo maliit lang?" tarantang tanong ko kay Kino nang makita sa personal ang sugat niya sa kanang pisngi. 

Nagyaya siya na pumunta sa mall matapos ang klase dahil mayroon din kaming mga kailangang bilhin.

"Maliit nga lang, maliit na bagay." tumawa pa siya pero agad na tumigil nang sumimangot ako.

"Bakit parang namamaga pa? Nagamot na ba 'yan, Kino?" napangiti pa siya lalo nang magtanong ulit ako kaya naman pinadaan ko sa parteng iyon ang daliri ko. Napadaing agad siya. "Masakit?"

"Hindi, ayos na ako." aniya saka kinuha ang kamay ko at hinawakan iyon. "Ginamot na 'yan ni Nanay kahapon, pagkauwi ko. Maliit lang naman 'yan."

"Maliit ba 'yan?" natawa siyang muli sa reaksyon ko. Ang sugat ay halos sinlaki ng hanggang unang linya ng aking daliri at may pasa pa na napapalibutan iyon.

"Ayos lang talaga." paninigurado pa niya sa akin. "Sige na, kumain ka na. Mabilis lang din naman na gagaling ito." dagdag pa niya pero hindi ako pumayag. Kinuha ko ang pamahid sa first aid kit ko saka siya nilagyan.

"Sa'yo na lang ito Kino. Mabilis umepekto 'yan. Nakakatanggal din ng peklat." muli kong bilin. Iginiga niya ang pagkain sa akin para tuluyan na kaming makapananghalian.

"May gagawin ka ba sa Linggo, Patch?" tanong niya sa akin habang iniimis namin ang pinagkainan.

"Bakit?" tanong ko at nakita siyang napalunok. Sumipsip pa muna ng buko shake bago magsalita.

"Yayain sana kitang sumama sa reach out program sa barangay. Tumutulong kami lagi doon ni Nanay, nagbibigay ng mga gamot at laruan sa mga bata." ngumiti agad ako at tumango.

"At saka ano.." nagtaas ako ng kilay ng dugtungan niya ang sinabi.

"Gusto kang makita ni Nanay sa personal." natigilan ako. Kinakabahan ako na na-excite.

"Sige, ano.." ako naman ang napalunok. "Magpapaalam muna ako kay Auntie Raine dahil siya ang nasa bahay ngayon." tumango siya.

"Sige, chat mo na lang kung papayagan ka."

Matapos makapagpahinga mula sa pagkain. Iniwan namin sa baggage counter ang mga bag para makapag-ikot ng maayos. Nang walang matipuhan sa department store sa loob ng mall, nagpunta kami sa National Bookstore.

"Diro tayo unang nagkita." aniya saka tumawa nang inguso ang hawak niyang cart. "Akala ko ibebenta mo, ang dami kasi ng nasa cart mo noon eh."

"Koleksyon ko iyon. Ganyan kasi ang mga hilig ko. Madalas din akong naipanglalaban sa mga poster making at slogan competition noon, mas madalas lang talaga sa pagsayaw." pagbabahagi ko at agad naman siyang napatango.

Naghanap kami ng mga bagong pangkulay at paint para sa malaking proyekto. Itinuro ko ang mga markers na madalas kong ginagamit.

"May ganito ka na ba Kino?" umiling siya nang tanungin ko patungkol sa mga markers na pawang kulay balat ng tao. "Bibilhan kita." usal ko, tutol pa sana siya pero maagap kong nilagay iyon sa cart.

"Patch, ayos lang. Ibalik mo na." pamimilit niya ngunit umiling ako.

"Nakikita kita, madalas ay crayons lang ang pinangkukulay mo tuwing pinapaguhit tayo. Mahirap ihalo at ipantay iyon, kaya makakatulong ito sa'yo." paliwanag ko at saka kumuha ng isa pang set no'n na iba-iba naman ang kulay.

Ang Huling El Bimbo: Patch & KinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon