Kabanata 14

8 2 0
                                    

Kabanata 14

Stronger

"CONGRATULATIONS!" yumakap sa'kin si Jenalyn matapos ang seremonya ng pagtatapos.

"Congratulations din sa'yo Jenalyn. " nakangiting sagot ko matapos siyang yakapin pabalik.

"You're going to pursue architecture, right?" tanong niya nang humiwalay sa akin.

"Malaki ang tiyansa, pero pag-uusapan pa namin ni Mommy." nag-aalalang sagot ko dahil hindi pa isang daang porsyento ang pagkasigurado roon.

"Hija," napangiti ako nang lumapit si Tita Maria upang yakapin ako at batiin. Kausap pa ni Kino ang kaniyang mga kaibigan.

"Hello po!" bumeso ako sa kaniya.

"Nasaan si Connie? Umuwi na ba ang parents mo?" tanong niya nang makitang si Jenalyn na lang ang kasama ko.

"May kailangan pong asikasuhin si Mommy sa trabaho, si Daddy naman po lumipad pa-Cebu." sagot ko at tumango siya sa akin bago yumakap.

"Hi Tita!" ani Jenalyn kaya bumitaw si Tita Maria sa'kin. "Ang ganda niyo po, manang-mana si Kino."

"Nako, nambola pa itong batang ito." tumawa si Tita saka humarap kay Jenalyn. "Ang asawa ko ang kamukha ng parehong anak ko. Nakakatampo nga."

"Edi sure din po na sobrang pogi ni Tito." nagtawanan kami roon, nilisan ko sila saglit nang tumawag si Auntie Raine dahil magkikita kami sa mall.

"Sino 'yon hija?" tanong ni Tita nang makabalik ako sa kanila.

"Uhm si Auntie Raine po, magkikita kami sa mall para kumain." sagot ko naman.

"Doon din kami kakain Patch. Kung gusto mo ay sabay-sabay na tayong kumain? Hindi rin naman papayag si Kino nang hindi kayo magkasamang mag-celebrate." tumango ako at inalok silang sumabay na lang din sa sasakyan dahil susunduin ako ni Kuya Ken.

"Oh so sayang, I wish I can join you Patch. May celebration kasing hinanda si Mom and Dad, they both filed a leave for this occasion." ani Jenalyn bago kami lisanin.

Nang makaalis siya, si Kino naman ang lumapit sa amin. Yumakap siya, natawa ako nang kumalas siya ay may hawak na siyang bungkos ng rosas. Sumilip ako sa likod at nakitang nandoon na si Leonardo.

"Congratulations," bati niya saka kumindat. "Isangla natin?" biro niya nang hawakan ang mga medalyang nakasabit sa'kin.

"Sa mall din, Kino. Nagka-usap na kami ni Tita, sasabay na kayo sa kotse papunta roon." nakangiting sabi ko ulit, ngumisi naman siya.

"Sus, gusto mo lang akong makasama." sabay kaming nagtawanan saka napatingin kay Leonardo nang kulbitin niya ang kaniyang Kuya.

"Kuya, gutom na ako." bulong niya.

"Ito talaga, makikisabay na nga lang." astang babatukan ni Kino ang kapatid nang agawin ko agad ang kaniyang kamay at umiling.

"Buti na lang nandiyan si Ate Patch, hindi ka umuubra sa akin!" sagot naman ni Leonardo kaya sinimangutan siya ng kapatid.

Sumakay si Leonardo sa tabi ni Kuya Ken habang si Tita ay nasa tabi ng bintana, si Kino ang nasa gitna.

"Kino, baka hindi naman makahinga si Patch sa ginagawa mo." ani Tita Maria nang masulyapan kami.

Paano kasi ay naka-akbay sa akin si Kino gamit ang kaliwang kamay habang naka-yapos ang kanan sa aking harapan. Nakakulong ako sa kaniyang bisig.

"Kino?" tumawa ako nang ngumuso siya. Binitiwan niya ako, hindi na naka-akbay ngunit hawak naman ang magkabilang kamay ko.

Ang Huling El Bimbo: Patch & KinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon