Special Chapter : First

7 0 0
                                    

Special Chapter

First


"LET'S GO GIRLS!" sigaw ni Ate Aemie nang patugtugin ng DJ ang paborito niyang kanta. Finesse ni Bruno Mars na nagpa-indak naman sa aming lahat.

"Tama na ito sa akin Meghan." pinigilan ko sa pagsasalin si Meghan sa shot glass ko dahil baka maparami naman ang inom ko, pag-aasikasuhin ko pa si Kino kung malasing ako.

"Sige lang Patch, minsan ka lang naman uminom." aniya saka pinuno ang baso ko. Ininom ko yon ng isang laghukan para hindi malasahan ang pait ng alak.

"Oh my gosh! Look at this, Jenalyn Hermosada's friends are spreading this." ani Ate Mariel nang tumunog ang cellphone niya. "She's not stopping!"

"Oh good Lord. Why is she such a bitch!?" napasapo ng noo si Meghan nang makita ang sinend sa GC nina Ate Mariel. Ipinakita niya sa akin iyon at napanganga ako. "Feeling ko fake 'yan!"

"No it's real," usal ni Kate na kakarating lang. "I just saw na nandito pa si Jenalyn. They let her stay after her act. Umiiyak siya nu'ng nakita ko, looks like she went to Kino." napakagat ako sa labi saka lumagok muli ng alak. Pakiramdam ko lalong umepekto sa akin iyon dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon.

"Babalik muna ako sa kuwarto namin." usal ko matapos uminom ng tubig. Wala ni isa sa kanila ang sumunod sa akin. Ang iba ay nagchi-cheer pa na sugurin ko raw si Jenalyn kahit hindi naman iyon ang gagawin ko.

May kung anong epekto ang alak na iyon sa akin, kung hindi ako lasing ay pakiramdam ko hindi naman ako magseselos o maiinis sa pinapakalat nilang litrato kung saan magkadaop ang mga labi ni Kino at Jenalyn.

"Mahal," nakasalubong ko na agad si Kino sa daan patungo sa kuwarto namin. Siguro ay pupuntahan na rin niya ako. Inalalayan ako ni Kino sa paglalakad nang mabatid niyang nakainom na ako.

"Bakit mo na naman si Jenalyn? Ang sabi mo ay mas gagalingan mo pa ang pag-iwas?" tanong ko sa kaniya nang makarating kami sa kuwarto namin. Hinubad ko ang cover up ko saka muling nilingon si Kino. "Naghalikan pa kayo."

"Mahal, hindi gano'n iyon. Hinalikan niya ako, biglaan, lumayo ako agad." kumunot ang noo ko, hindi siya pinaniniwalaan sa oras na iyon. "Lasing ka ba Patch?" tanong niya, tumango naman ako saka hinubad ang shorts ko. Nakita ko siyang tumalikod sa gawi ko.

"Masarap ba ang halik niya?" tanong ko saka nilapit ang sarili ko sa kaniya. Hinarap ko siya sa akin, napatingala agad siya. "Kino, masarap ba ang halik niya hmm?" muling tanong ko at umiling siya.

"Mahal, bukas na tayo mag-usap, lasing ka na." halos mabulol pang aniya saka pinulot ang cover up ko at binalot sa akin pero pumalag ako. "Patch.." nahugot niya ang hininga nang idikit ko ang katawan sa kaniya.

Halik lang, halik lang ang kayang gawin ng babaeng iyon...wala nang iba, hindi niya ako mahihigitan.

"Patch." pinatahimik ko gamit ang halik si Kino. Noong una ay ramdam kong gusto niyang mapigilan ako pero nagmatigas ako mas binilisan ang halik sa kaniya.

Nang dahil sa kalasingan ay nagawa ko siyang itulak sa kama. Kinubabawan ko siya saka pinagpatuloy ang paghalik sa kaniya. Hindi pa man tumatagal ay ramdam ko na ring nagugustuhan niya na ang ginagawa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Huling El Bimbo: Patch & KinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon