Kabanata 5

6 2 0
                                    

Kabanata 5

Dance

"STANDBY STANDBY kayo!" ani Jenalyn sa mga kagrupo namin dahil pangatlong grupo na ang nagpe-perform. "Ayusin niyo na mga outfits niyo and also your hair!"

"Ayos na ba?" natawa ako nang makita si Kino na sa ulo nilagay ang bandana, gayong usapan nila ni Clifford ay sa leeg ang kaniya.

"Hindi ba sa leeg ang iyo?" natatawa kong usal saka tinanggal sa ulo niya at inilipat iyon sa leeg.

"Ah," sabay kaming tumawa nang mahigpitan ko ang pagkakatali roon. "Nananakit ka na naman." kunwari siyang ngumuso.

"Hey, we don't want ants for our performance." ani Eunice at hinila ako para pag-agwatin kami ni Kino.

Ilang sandali lang ay tinawag na kami. Pumunta kami sa gitna at inayos ang aming puwesto.

"Let's go!" narinig ko ang hiyawan ng mga manonood mula sa ibang section.

Sinenyasan ko si Ma'am Londan dahil siya ang magpe-play ng kantang sasayawan namin. Sigurado akong magiging maayos ang performance namin.

"Galing mo Patch!" ngumiti lang ako nang marinig ang papuri ng ibang mga nanonood doon.

"Kino!" ang dami ring sumigaw para sa kaniya.

Dinig ko ang excitement ng iba lalo na nang nag-tumbling si Clifford. Tuwing lumilipat ang kanta, grabe ang pagsigaw nila. Madalas ay ako ang nasa gitna ng blockings.

"Hala!" napalingon ako bahagya nang marinig na magsigawan ang mga naroon.

Muntik nang madulas si Jenalyn mabuti na lang ay maayos siyang nasalo ni Kino na para bang naging parte lang iyon ng sayaw namin. Pinalakpakan kami ng iba.

"Great job group five!" pumalakpak si Ma'am bago siya bumalik at pinuntahan ang iba pang mga guro.

Tumungo kami sa parihabang upuan sa gilid para saglit na makapagpahinga. Sinalubong kami ng mga taga-ibang section, nag-alok pa sila ng tubig para sa amin.

"Grabe ang galing niyo!" papuri ni Elaine na nanood din sa amin kanina. "Kinakabahan na tuloy ako para sa amin!" aniya dahil section nila ang susunod na magpe-perform.

"Talagang you need to be nervous!" biro pa sa kaniya ni Jenalyn kaya sila nagtawanan, pero bigla siyang tumigil at nginuso si Kino.

Inaabutan siya ng tubig ng karamihan ng babae doon, nasa unahan pa si Maddie. Si Maddie ay yung sinasabi nilang naka-mutual understanding daw ni Kino.

"She's so flirty talaga." ani Jenalyn habang nakatingin pa rin sa gawi nina Kino. "And Kino is allowing it? Akala ko nililigawan ka na niya?"

"Hindi, walang gano'n." pagtanggi ko sa kanila pero halata namang walang naniniwala.

"Yie, Patch is jealous!" dumagdag pa si Clifford sa panunukso nila kaya lalo akong nahiya dahil naririnig ng iba. "Kino! Tubig daw si Patch."

Lumingon ako kay Kino saka umiling sa kaniya dahil may tubig naman na ako. Lumapit pa rin siya kaya nakita ko kung paanong nairita Maddie sa akin.

"Tubig," inabot niya sa akin pero hindi ko tinanggap ang bote, mukhang bawas na. Baka sa kaniya, aagawan ko pa siya.

"Mayroon na ako, nang-aasar lang ang mga ito." sinamaan ko ng tingin sina Clifford na tinawanan lang naman ako.

Hinawakan ni Kino ang pala-pulsuhan ko saka ako hinila paupo tuluyan sa upuan. Nilabas niya naman ang isang tinapay sa kaniyang bag. 

"Ang galing natin." aniya habang tinatanggal ang balot no'n. Kagaya dati, hindi ko rin agad natapik pabalik ang kamay niya nang makipag-apir siya.

"Sorry," naiilang akong tumawa saka siya inapiran dahil hindi naman niya inalis ang kamay sa ere.

"Mm, tinapay ka muna." inabot niya sa akin iyon, tumango ako bilang pasasalamat at saka iyon kinain. "Parang hindi ka man lang pinawisan, habang ako...oh," natawa ako nang tumalikod pa siya at pinakita ang damit niyang basang-basa.

"Wala ka bang pamalit? Baka matuyuan ka." usal ko dahil may aircon dito sa loob ng hall. Simple siyang ngumiti at tila ba tinatago iyon. "Kino?"

"Meron naman pero mamaya na lang ako magpapalit." sagot niya at pinagtaasan pa ako ng kilay nang umiling ako.

"Towel?" tanong ko sa kaniya at ibinigay naman niya ang bimpo sa akin. Tumayo ako at astang pupunasan ang likod niya nang makita si Darius at KD na papalapit sa amin. "Punasan niyo siya."

"Huh? Sige." tipid na sagot ni Darius. "Ayos ba 'nak? I don't want you to get sick baby." biro nito pero iniwasan ko na lang na tingnan sila.

"Pumoporma ka na naman ah." ani KD kay Kino kaya sumulyap ako sa kanila.

Saglit pa silang nag-usap saka tuluyang umalis ang dalawa.

"Ang seryoso mo naman." puna ni Kino nang muling sumandal. Napalingon ako sa kaniya at naayos ang mukha ko.

"Hindi, ano, ganito lang talaga ang itsura ko tuwing nanonood ng pagsasayaw ng iba." natawa ako nang bahagya.

"Ano ang score nila?" aniya na parang tinutukso pa ako.

Sinenyasan ko siya na tumahimik na lang para makapanood kami ng payapa pero hindi na tumigil ang bibig niya. Nagkuwentuhan na lang tuloy kami tungkol sa kung anumang masabi niya.


Matapos makapagpahinga ng lahat ay pararangalan na ang mga nagwagi. Pumili ng best group sa bawat section at kami ang napili sa amin. Matapos no'n ay pumili ulit ng isang grupo mula sa mga nanalo na magre-represinta sa schools division.


"Group 5 from ESTEM-E2!" napangiti ako nang kami ang matawag, sulit ang practice namin.

Umakyat kaming muli sa entablado para kuhanan ng larawan. Nagsigawan ang mga estudyante nang tumabi at akbayan pa ako ni Kino!

"Gosh! We need to prepare for the divisions!" ani Jenalyn, tuwang-tuwa.

"But before that, let's celebrate muna! Jollibee tayo!" usal naman ni Eunice at agad pumayag ang lahat.

Saktong nando'n na si Kuya Ken sa labas kaya naman sa kaniya kami sumakay, kami nina Kino, Jenalyn, at Clifford habang ang iba ay kay Eunice sumabay.

"Mukhang close na si Kuya Ken at Kino ah, siguro lagi kayong magkasama?" panunukso ni Jenalyn sa amin dahil sa unahan muli nauli si Kino, umiling naman ako.

"Isang beses ko pa lang naka-kuwentuhan itong si Kuya, magaganda ang kuwento niya." tumawa si Kino saka sumulyap sa akin mula sa salamin.

"Mahilig ka talaga sa maganda 'no?" biro naman ni Kuya Ken kaya natawang muli si Kino.

"Really Kino?" tanong ni Jenalyn sa kaniya. "But then you're still talking to Maddie? She's clearly flirting with you."

"Oo nga pre! Nagseselos tuloy si Patch." napalingon ako kay Clifford at tinapik siya.

Hindi sumagot si Kino, parang namatay tuloy ang atmospera sa sasakyan. Nagkani-kaniya na lang ulit.

Masaya naming pinagdiwang ang pagkapanalo. Nabusog ako sa kinain ko kaya paniguradong hindi na ako maghahapunan sa bahay.


🦋


Ang Huling El Bimbo: Patch & KinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon