Kabanata 8

4 1 0
                                    

Kabanata 8

Question

"ANG GANDA naman niyan!" nabigla ako nang dumungaw si Kino sa mesa ko para masilip ang ginagawa ko para sa drafting.

"Mr. Miguel, focus on your work. I said originality matters to me." natawa ako nang mapakamot si Kino at bumalik sa kaniyang mesa.

Mabuti na lang at natapos ko ang pinapagawa. Mas gusto ko kasi kung mahaba ang oras na igugugol ko tuwing guguhit.

"Kain tayo?" anyaya ni Kino nang mag-break time na. "Ayos ka lang?"

"Mm, nangimay lang ata ng kaunti kanina." bumalik siya sa pagkakaupo at hinarap ako. Minasahe niya ang kamay ko. Lumingon ako sa paligid, wala naman na masiyadong tao.

Itatanong ko na ba?

"May problema ba Patch?" muling tanong niya habang patuloy sa ginagawa.

"May itatanong sana ako Kino.." mahinang usal ko ngunit sapat para marinig niya.

"Ano 'yon?" tanong niya sa akin, tinigil niya ang ginagawa at inabangan ang sasabihin ko.

"Nitong mga nakalipas na buwan, naging malapit tayo sa isa't-isa." panimula ko, napatingin ako sa kaniya. Nakita ko ang pagkislap ng mata niya, alam na ata ang sasabihin ko. "Masarap sa pakiramdam lahat ng ipinapakita mo, Kino. Pero mas gusto ko ng katiyakan mula sa'yo."

"Mm," ngumiti siya at ipinatong pa ang baba sa kaniyang kamay na nakatukod sa mesa ko.

"Kino, ano ba tayo? Ramdam ko naman na may...gusto ka sa akin." sinubsob niya ang mukha sa kamay saka muling humarap sa akin. "Kino, seryoso naman ako dito."

"Sorry, I'm just happy. Masaya ako na nailalabas mo 'yan." sagot niya sa akin.

"..." wala na akong masabi at naghihintay na lang na masagot niya.

"Patch, hindi ko na kasi talaga planong magtanong ng panliligaw." tumaas ang kilay ko sa kaniya.

"Ano'ng ibig sabihin mo roon?" litong sabi ko. Normal lang ba sa kaniya ito?

"Sa tingin ko kasi Patch, hindi na dapat iyon pinagpapaalam." napakunot ako ng noo. Bakit hindi? "Kasi kapag nasa isip mo na ay manliligaw siya baka ma-pressure ka." tumawa siya bahagya nang hindi magbago ang itsura ko.

"Ang sa akin lang, pinapakita ko na sa mga ginagawa ko na importante ka. Hinihintay ko kung tututol ka o kung magugustuhan mo." napangiti ako sa kaniya. "Pero tama rin naman na dapat nagtanong ako para may ideya ka.

"Ayos lang," sagot ko.

"Patch, ayos lang ba sa'yo kung manliligaw ako." maayos at pormal niyang sabi. Tahimik akong tumango at nanlaki naman ang kaniyang ngiti.

"Tara na sa cafeteria?" sabay kaming natawa nang magyaya ako, nagugutom na.

Habang kumakain kami sa canteen, hindi ko mapigilan ang pag-iisip sa nangyari kanina. Tumatawa si Kino habang nagkukwento ng isang nakakatawang insidente sa klase, pero ang isip ko'y lumulutang pa rin.

"Patch, ayos ka lang?" tanong ni Kino, napansin ang pagka-absent-minded ko.

"Ha? Ano 'yon? May naisip lang." sumubo ako sa biniling pagkain matapos ngumiti.

"Anong iniisip mo?" seryoso niyang tanong, inilapit ang mukha para makuha ang atensyon ko.

"Ikaw. Tayo." prangkang sagot ko, nagulat ako sa sarili kong tapang. Hindi ko inakalang magagawa kong sabihin iyon.

"Matagal na kitang gusto, Patch. Pero natakot akong baka hindi mo maramdaman." sabi niya, may lambing sa boses.

"Ramdam ko, Kino. Ramdam ko naman." sabi ko, nagdadalawang-isip kung dapat ko bang hawakan ang kamay niya. Pero nauna na siya. Hinawakan niya ang kamay ko sa ibabaw ng mesa.

"Mabuti kung gano'n." masayang sabi niya sa akin. "Sorry if I didn't clear my intentions enough o kung hindi agad ako nagtanong."

Mabilis na lumipas ang oras. Pagkatapos ng klase, nagpunta kami ni Kino sa library dahil may aaralim kami para bukas. 

"Keanu Reeves!" sabay kaming napalingon nang may tumawag sa kaniya.

"Shh." agad na saway sa kaniya ng librarian.

Hala!

"Ano, Patch...hinahanap kasi ni Kuya Benj itong si Kino kaya sinamahan ko dito." bulong ni Jenalyn, kasama niya si Kuya Benjie. Kolehiyo na siya at captain ng basketball team. Naupo rin siya.

"Anong atin?" tanong ni Kino kay Kuya Benj pero sa akin ito nakatingin.

"I just want to ask you." panimula niya nang ibalik kay Kino ang tingin. "Sabi ni Sir Whitey, pwede na raw magsali ng senior high sa team. Kaya gusto kong  itanong kung magpapalista ka."

"Si Sir Samdayo? Sira ka, tinatawag mo ng gano'n. Team captain ka pa naman." nagtawanan silang dalawa at agad na minatang muli ng librarian.

"Sus, gets niya na 'yon." ani Kuya Benjie saka muling tumingin sa akin. "Hello Patch! Boyfriend mo?"

"Hello po, ano..." lumingon ako kay Kino.

"Nanliligaw ako sa kaniya, bakit?" may pagbabanta na agad sa boses ni Kino.

"She had a crush on me before. I thought up until now?" nanunuksong usal niya.

"Oh talaga?" tanong ni Kino.

"Mad?" tumatawang sabi ni Kuya Benjie.

"Ha, sinong galit? Bakit naman magagalit?" tumawa rin si Kino saka lumingon sa akin.

"I still remember how cute you are Patch." magiliw na pagkukuwento pa niya. Magsasalita na sana ako nang ipagpatuloy niya iyon. "She always watch  our games and cheer loudly. You're still so young back then."

"Opo, kasi matagal na iyon Kuya." sagot ko at humalakhak naman si Kino.

"I still remember it crystal clear. Your screams, your cheers. Still so good that I experienced being supported by you." lalong kumunot ang noo ni Kino at hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

"Oo na," ramdam ang inis sa boses ni Kino. Halatang ayaw niya sa mga sinasabi ni Kuya Benjie.

"Chill dude." sagot nito.

"Chiller than a chill pill pa ako nito Benjie." biro ni Kino, nagpapanggap pa na hindi apektado. "Magpapalista ako, end of convo. Puwede mo na ba kami iwan? May nire-review kami eh."




🦋

Ang Huling El Bimbo: Patch & KinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon