CHAPTER 11

1 1 0
                                    

"Azai, hindi ba... magkaibigan kayo ni Viviendo?"Tanong ko kay Azai nung minsang nakasama ko siya.

"Yep, bakit?"Tanong niya naman habang nakataas pa ang parehas niyang kilay.

"Edi kilala mo na siya?"Tanong ko naman. Dahan-dahan naman siyang tumango at tila nalilito na sa inaasta ko.

"Paano mo ba masasabi na nagsisinungaling siya?"Tanong ko na hanggang ngayon ay hindi masagot kung kaya't hindi rin ako mapakali sa kakatanong.

Sumandal naman sa upuan si Azai bago siya sumagot sa akin.

"Sa totoo lang, sa tagal naming magkaibigan ay hindi ko rin alam kung kailan. Nagugulat na lang ako."Sagot niya na hindi malayo sa sinagot sa akin ni Alessia.

Wala ba talaga nakakabasa kay Viviendo? Hayz...Paano ko siya makikilala kung ganon?

"Ano pinag-uusapan niyo?"Sulpot naman nung kung sino at nung tignan namin kung sino iyon ay si Viviendo pala iyon.

"Si Rafiki."Walang buhay ko sagot.

"Rafiki?"Takang tanong niya naman sa akin. Gladly, he didn't know.

"Oo, iyong kamukha mo."Sagot ko habang pigil ko ang aking pagtawa lalo na nakita ko si Azai na nagpipigil ng tawa rin, mukhang alam niya kung sino ang aking tinutukoy.

"I guess, he is handsome then."Saad naman ni Viviendo, wala talagang kaalam-alam kung sino iyon.

"Sobra!"Sabay na saad namin ni Azai at nagkatinginan pa kami. Nangiti naman siya samantalang kami ni Azai ay pigil na pigil ang tawa.

Kung alam mo lang!

Kasama ko si Alessia habang naglalakad patungo sa aming silid dahil kakagaling lang namin sa restroom. Masaya ang kuwentuhan namin ngunit natupol iyon nung may humarang sa amin.

Kahit hindi ko pa nakikita ang mga mukha nila ay alam ko na kaagad kung sino sila.

Hayz...Ayan na naman sila.

"Hi, Ey."Si Farrah na hindi ata talaga mabubuo ang araw kung hindi niya masisira ang araw ko.

"Farrah, ayaw namin ng gulo."Saad ni Alessia na bahagya pa akong inilagay sa likuran niya.

"Alessia, hindi naman ako makikipag-away sa inyo. Ganoon ba ako kasama?"Natatawang tugon naman ni Farrah habang pinaglalaruan niya pa ang kanyang buhok.

"Oo. Masama ugali mo."Hindi ko mapigilan na sabihin.

"That's harsh."Saad naman ni Farrah at nagkunwari pang nasasaktan. "May ichichika lang naman ako."Dagdag niya at mas lumapit sa akin.

Nung makalapit siya sa akin ay pinaglaruan niya lang naman ang aking buhok at tila tuwang tuwa sa iritado kong reaksyon.

"Farrah, enough."Pigil ni Alessia sa kanya at hinawi pa ang kamay niya.

"Alam mo na hano?"Tanong ni Farrah kay Alessia at nung tignan ko naman si Alessia ay hindi ko alam pero kinabahan ako. Nanlalaki kasi ang kanyang mga mata na para bang may isang sekreto na ayaw niyang mabungyag ngunit mabubunyag na.

"Ang ano?"Hindi ko tuloy mapigilan na sumingit dahil doon.

"That Viviendo and Hermosa--"

"Farrah ano ba!"Bigla sigaw ni Alessia na miski ako ay nagulat.

"Alessia, ano iyon?"Taka kong tanong na siyang naging dahilan para lingunin niya ako.

"Wala, umalis na tayo."Sagot naman sa akin ni Alessia at hinawakan ako sa braso para hilahin paalis.

"Hindi."Pigil ko naman at tinanggal ang pagkakahawak niya.

"Ey..."Tawag naman sa akin ni Alessia sa nakikiusap na tono.

Fantasy CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon