CHAPTER 3

5 1 0
                                    

Lunch

Gumising ako nang maaga at nagluto ng mga pagkain. Breakfast naming magpipinsan at 'yong lunch na ibibigay ko kay Viviendo. Naisipan ko kasi kagabi na gawan s'ya nang lunch. First time ko lang 'tong gawin at aminin ko man o hindi ay kinakabahan talaga ako.

Sana magustuhan n'ya!

Nais ko pa sanang sumuko na lang nung ilang beses akong napaso pero pinagpatuloy ko na lang, nasimulan ko naman na. Natuwa naman ako na maayos ang naluto ko sa huli. Nagluluto naman ako sa bahay namin pero madalang lang at minsan nasusunog ko kaya tinatamad na rin akong magluto.

"Uy, ang sarap n'yan, ah."Si Sam na mukhang kakagising lamang.

"Meron din kayo. Eto, oh."Saad ko at nakangiti kong pinakita ang pagkain na niluto ko na para naman sa kanila.

Sana mapagluto ko rin sila Mama...Ano kaya magiging reaksyon nila kapag nakita nilang hindi na sunog luto ko?

"Ano meron at sinipag kang magluto?"Tanong ni Bea na kakarating lang din kasama si Jena.

"Wala lang."Nangingiti kong saad. Nginuwian naman nila ako pero hindi na rin ako tinanong.

Masigla akong nagtungo sa paaralan lalo na nung sabihin ng mga pinsan ko na masarap daw ang niluto ko, lumakas tuloy loob ko na ibigay kay Viviendo ang ginawa ko.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko naman si Elliot na mag-isang naglalakad. Nilapitan ko naman ito dahil parehas naman kami nang silid na papasukan.

Agad naman s'yang huminto at masama akong tinignan.

Inaano ko 'to?

"Bakit?"Tanong ko na lang sa kanya.

"Huwag kang sumabay sa paglalakad ko."Sagot n'ya naman sa akin at tumingin ulit sa daan. Bahagya naman akong umatras.

"Niloloko mo ba ako?"Inis na tanong n'ya nung mapansin n'yang nasa likuran n'ya ako at naglalakad rin.

"Hindi naman na kita sinasabayan, ah."Nakanguso na saad ko na lang.

Ang sungit naman nito!

"Kung ayaw mong mapag-initan ng mga babae sa eskuwelahan na ito, lumayo ka sa akin at mas lalo na kay Viviendo."Seryosong saad n'ya. Napakunot naman ako nang noo sa pagtataka.

"Bakit? Ano ba meron sa inyo?"Tanong ko pa. Bahagya naman s'yang nainis sa tanong ko na iyon.

"Hindi ba halata na marami ang nagkakagusto sa amin? At ano sa tingin mo ang madalas na nangyayari sa mga babae na dikit nang dikit sa amin?"Inis na saad n'ya pa.

Dikit nang dikit?

"Hindi naman ako dikit nang dikit."Naisaad ko na lang.

"Really? Kaya pala kulang na lang maging anino ka na lang namin. Hindi ka ba nahihiya? Nagmumukha kang easy to get."Saad naman ni Elliot. Hindi ko alam pero bigla na lang nangilid ang luha ko. Bakit pakiramdam ko ang pinapalabas n'ya ay pinagpipilitan ko ang sarili ko sa kanila gano'ng ayaw naman nila sa akin at anong easy to get?

Naramdaman kong nilingon n'ya ako kaya nag-iwas na lang ako nang tingin at tinikom ko ang aking bibig para mapigilan ang nagbabadya kong luha. Narinig ko naman s'yang bumuntong hininga.

"I mean what I said, kahit masaktan ka pa d'yan. Layuan mo kami."Saad n'ya pa at nauna nang maglakad.

Tumigil na lang ako sa paglakad at hinayaan s'yang makalayo dahil ayoko namang sumabay pa rin sa kanya gano'ng ayaw n'ya naman pala sa akin.

Fantasy CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon