CHAPTER 29

2 0 0
                                    

Hahayaan


"Grabe ang tagal nyo. Mamatay na sa selos yong isa rito."Saad ni Azai at nilingon pa si Vien na nanahimik lang sa isang tabi.

"Sino kaya yong masama yong loob dahil panay ang tingin ni Alessia kay Jeff."Sagot naman ni Vien at bahagyang ngumisi pa sabay tingin din kay Azai na kaagad namang simimangot.

"Ano ba yong pinag-uusapan nyo? Mukhang seryoso kayong dalawa habang nag-uusap kanina."Saad ni Alessia. Nagkatinginan naman kami ni Jeff.

"Wala."Sya na yong sumagot at naupo sa tabi ni Azai. Umupo na lang din ako sa tabi ni Vien.

Nagtatanong pa rin si Vien tungkol sa pinag-usapan namin ni Jeff at mabuti tinigilan din ako nito nung sinabi ko na hindi naman mahalaga yon.

Tinapos namin ang gabi na iyon ng puno nang tawanan, na para bang wala kaming napag-usapan ni Jeff. Hindi ko alam kung itutuloy nya ba yong sinabi nya.

"Hoy! Tayo na kayo dyan."Boses ni Azai ang syang gumising sa natutulog kong diwa.

"Ano meron?"Tanong ko pagkabangoon.

"Anong ano meron? Kakain na tayo. Uuwi na kami mamaya, ee."Sagot naman nito sa akin. Kasalukuyan syang nag-aayos ng lamesa.

"Nakita nyo ba si Jeff?"Tanong ni Alessia na syang kakapasok lang galing sa labas.

"Wala ba sa kwarto nya?"Tanong ni Vien na bagong gising lang din at inaantok pa.

"Wala. Malinis na yong kwarto nya nung pinuntahan ko."Sagot ni Alessia. Pinaghalo ng pagtataka at pag-aalala ang kanyang boses at mukha.

"Baka naman umuwi na sa probinsya nila."Saad ni Azai pero bakas din ang pagtataka sa kanyang mukha.

Hindi ba nila alam?

"Sabi nya sa susunod na linggo pa yong alis nya."Doon ko lang napagtanto na hindi nga nila alam.

Kasalukuyan akong nakaupo sa buhangin at iniisip kung nasaan na kaya talaga si Jeff? Tinuloy nya ba talaga yong balak nyang pag-alis?

"Naihatid ko na sya sa mundo nyo kaya wala na sya."Saad nung kung sino mula sa aking tabi. Ngayon ko lang nalaman na tumabi na pala ito.

"Pa."Tawag ko sa taong tumabi sa akin. Nanatili ang kanyang mga mata sa dagat pero alam kong nakikinig sya sa akin.

"Ey, lumalala na naman yong sakit ni Viviendo. Kailangan mo na talaga magdesisyon."Paalala nya sa akin. Napatungo ako.

"Hindi ko na ho alam. Gusto kong manatili rito pero alam kong kailangan kong umalis."Mabigat na paghinga ang inilabas ko matapos aminin ang katotohanan na iyon.

"Magpasya ka na hanggang't kaya pa. Mawawala na rin ako sa susunod na buwan kaya't hindi na kita matutulungan pa."

Nilingon ko ang aking tabi pero wala na si Pa. Ang tanging nakikita na ko na lang ngayon ay ang papalapit na si Alessia.

Malungkot ang kanyang mga mata na ipanukol sa akin bago sya naupo sa aking tabi at tinignan ang karagatan.

"Iniisip mo rin ba kung bakit umalis si Jeff ng hindi nagpapaalam sa amin?"Tanong nya. Napakunot ang aking noo sa huling salitang kanyang ibinigkas.

"Sa amin?"Ulit ko pa rito sa nagtatanong na paraan. Nilingon ako ni Alessia at tipid syang ngumiti sa akin.

"Ey, alam kong hindi nyo mundo ito ni Jeff. Alam ko rin na napag-usapan nyo si Ivy."Kaswal na sagot nya para nababasa ko sa mga mata nya na malungkot sya.

"Sorry kung hindi ko sinabi."Saad ko at napatungo na lang.

"Alam mo bang mahal sya ng kapatid ko? At hanggang ngayon hinahanap sya ng kapatid ko?"Tanong nya. Nung lingunin ko sya ay nasa karagatan na naman ang kanyang tingin. Para bang nasa malalim syang pag-iisip pero sinasabi nya lahat yon sa akin.

Fantasy CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon