CHAPTER 18

1 0 0
                                    

Kinabukasan at hapon na ay nagkaroon ng botohan ng class officer, ewan ko ba kung kailan matagal na kami rito ay doon lang nagkabotohan pero aniya nang prof. namin mas mainam daw iyon para alam na namin kung sino talaga ang siyang karapatdapat na iboto.

"Bakit si Ey?"Tanong nung isa kong kaklase nung sabihin ni Azai na gusto niya akong maging muse sa klase. Pinagtaasan naman siya nang isang kilay ni Azai.

"Bakit naman hindi? Eh, maganda naman siya."Sagot pa ni Azai at kulang na lang mag-flip hair siya sa pagtataray. Napangiti at napailing na lang ako.

Loko talaga

"Hindi ba pwedeng si Hermosa na lang?"Tanong naman nung isa pa naming kaklase at sumang-ayon naman ang karamihan.

"Hindi sya pwede dahil vice president na natin siya."Binoto nila bilang vice president si Hermosa kanina pagkatapos manalo ni Viviendo sa pagiging presidente dahil bagay daw ang president at vice president, in short dahil ship lang nila ang dalawa.

Mga tanga, kung ship naman pala nila ang dalawa edi sana sa muse at escort na lang nila nilagay ang dalawa. Hayz, utak talaga nang mga 'to, parang wala.

Sa huli ako ang nanalo bilang muse at si Raffy sa escort.

Si Raffy ay isa rin sa pinakagwapo sa klase at may pagkamatalino rin. Maayos na sana siya kaso tila ba diring-diri siya dahil siya ang naging escort at ako ang naging muse nya. Aniya, nakakadiri raw dahil ako ang muse niya.

Akala mo namang gusto kong sya ang maging escort! Eh, hanggang palampakan nga lang sya ni Viviendo!

Speaking of Viviendo, nasaan na kaya ang isang iyon?

Hanggang ngayon wala akong balita sa kanya. Ni hindi ko alam kung nasaan sya o kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya.

"Wala ka pa rin bang balita kay Viviendo, Azai?"Tanong ko rito habang kumakain kami nang lunch kasama ni Alessia na nakikinig lang din sa maaaring sabihin ni Azai.

"Wala talaga."Sagot ni Azai at pinagbuntong hininga na lang. Napabuntong hininga na lang din ako.

Alam ko naman na iyon ang magiging sagot ni Azai pero bakit umasa pa ako?

Sa bawat araw na lumilipas ay wala pa rin akong balita na nakukuha patungkol kay Viviendo, at sa bawat araw na lumilipas ay hindi rin iyon nagiging madali para sa akin, sa dami nang nagkakagusto kay Vien ay kinuha nila itong pagkakataon para gumanti.

"Ang panget mo naman."Saad nung kung sino na babae sa akin at inirapan ako.

"Ang isip bata mo naman."Tugon ko na lang. Para naman kasing bata. Uy, uso rin ang grow up.

May ilan na sinasadya akong patirin, itulak, tapunan, at higit sa lahat, harap harapan ako pinagsasalitaan at binabastos.

Nung una ay iniyakan ko pa sila pero kinalaunan ay hindi ko ba alam pero parang naging manhid na ako at baliwala na lang iyon sa akin, siguro ay dahil pagod na rin ako sa kanila.

Wala naman akong ginagawang masama kaya bakit ko sila iiyakan?

"Ay sorry."Saad ng isang babae matapos akong tapunan ng inumin sa damit. Halata namang sinadya.

"Okay lang, may pamalit naman ako."Sagot ko na lang at ngumiti sa kanya. Halata naman ang pagkapikon sa kanyang mukha matapos marinig ang aking sinabi.

Akala nyo ah, proven and tested ko na pambubully nyo.

Nung unang beses kasi akong tapunan ay wala akong dalang damit kaya ending pumunta ako sa klase nang may mantsa ang damit. Kaya simula non nagbabaon na ko ng dalawang damit.

Fantasy CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon