CHAPTER 13

2 1 0
                                    

Time

"Ey,"Tawag ni Viviendo sa akin sa kalagitnaan kong pakikinig sa prof. namin.

"Mm?"Sagot ko na lang dahil baka mahuli pa kami nang prof. namin at mapagalitan pa kami.

"Are you free tomorrow?"Tanong niya sa pabulong na tono.

"Oo naman. Bakit?"Sagot ko habang ang tingin ko ay nasa prof. pa rin namin. Mahirap na baka mapagalitan kami.

"Can you spend your time with me?"Tanong niya na siyang naging dahialan para tuluyan ko siyang lingunin.

"Are you asking me in date?"Tanong ko at ngumisi para maitago ang kilig na nararamdaman ko.

"I guess."Saad niya habang pigil din ang ngiti. Tuluyan naman akong nangiti at tumango.

"Oo naman, payag ako."Saad ko pa.

Kaya nung kinabukasan na ay kinalakal ko iyong damitan ko para maghanap ng maayos na damit. Maayos naman sila lahat pero gusto maganda ang susuotin ko kaya hindi ko na alam pipiliin ko sa mga damit.

Napakamot na lang sa ulo at nilapag iyong tatlo na napili ko pero kinalaunan ay kinaayawan ko rin.

"Saan punta mo, bff?"Tanong ni Bea at doon ko lang napansin na nakasilip na pala silang tatlo sa pinto.

"D'yan lang."Sagot ko na lang at muli pinatong iyong damit na napili ko sa katawan ko para muling tignan kung bagay ba sa akin.

"Date iyan, hano?"Hindi ko nasagot ang tanong ni Sam na iyon at nangiti na lang ako dahil hanggang ngayon ay kinikilig talaga ako sa katotohanan na inaya ako ni Viviendo.

"Magde-date kayo ni Viviendo?!"Gulat pang saad ni Jena. Tumango naman ako.

"Kyah! Sabi ko na! This is! Finally!"Saad ni Bea kaya hinarap ko siya.

"Finally ano?"Takang tanong ko sa kanya.

"Finally at may nagugustuhan na si Viviendo!"Sabay-sabay nilang sagot na tatlo. Minsan talaga napapaisip ako kung kambal silang tatlo o parehas lang sila nang brain cell.

"Kahit kailan hindi ko inaasahan na may kakabaliwan ang isang Viviendo Falso Imaginari. At talagang pinsan ko pa talaga!"Saad pa ni Jena at madramang ngumiti.

"Sira, anong kakabaliwan?"Naisaad ko na lang at pabirong inirap siya.

"Hindi pa ba? First, niligawan ka niya which is madalas siya ang nililigawan. Second, ipinalaganap niya na nililigawan ka niya which is parang pinapaparating niya rin sa lahat na kanya ka! Lastly, girl, ilang beses na itong pag-aya niya sa'yo na mag-date and never niya iyong ginawa!"Saad niya naman at saka sila nagtatalon na tatlo. Mas kinikilig pa kesa sa akin.

"Ayoko pa rin umasa."Saad ko na lang.

Pero umasa na talaga ako.

"Tara roon, ayusan kita."Saad naman ni Sam at baliwala sa kanila ang aking sinabi.

Pasalamat na lang talaga ako sa tatlo dahil naging maayos ako kesa sa ini-expect ko.

Sa paglabas ko nang gate ay isang itim na kotse ang bumungad sa akin at si Viviendo na nakatukod ang isang siko sa kotse habang iyong isa ay pinaglalaruan ang kanyang labi habang ang kanyang tingin ay nasa akin.

"Sorry, napaghintay ba kita?"Saad ko nung makalapit ako sa kanya. Umiling naman siya at umayos ng tayo.

"Nope, mas maaga lang ako nakarating."Saad niya at nauna sa pinto nang front seat para pagbukasan ako.

"Bakit?"Tanong ko nung nanatili ang tingin niya sa akin at hindi pa rin sinasarado iyong pinto.

"You look gorgeous."Saad niya at ngumiti. Napangiti naman ako at pinigilan ang kilig ko hanggang sa maisarado niya iyong pinto.

Fantasy CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon