CHAPTER 25

1 0 0
                                    

The heart of Hippocampus

"Saan kayo pupunta?"Tanong nung kung sino na humarang sa dinaraanan namin. Nabitawan ko ang kamay ni Viviendo nung makita ko kung sino iyon.

"Hermosa--"Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nung sampalin nya ako. Sa lakas nung ay halos ako mapatumba.

"Papatayin mo na naman sya!"Sigaw nya at akmang sasampalin nya na naman ako ngunit sa pagkakataon na ito ay may kamay nang pumigil sa kanya. Si Viviendo iyon. Galit na galit ang kanyang mga mata habang nakapukol lang iyon kay Hermosa. Pagkatapos ay tinulak nya si Hermosa na kaagad namang inalalayan ng mga kasama nya. Gulat na gulat si Hermosa dahil don.

"Wag na wag mong sinasaktan si Ey lalo na sa harapan ko!"Galit na saad ni Viviendo. Miski ako ay natakot sa galit nya. Ngunit nilakas ko ang loob ko at lumapit sa kanya.

"Vien, umalis na lang tayo. Hayaan mo na sya."Saad ko at hinawakan ang kanyang braso kaya't sa akin natuon ang kanyang atensyon. Huminahon sya nung makita ako at saka ako hinila paalis.

Nagising ako sa malakas na alon. Nakatulog pala ako nang hindi ko namamalayan.

Kakaupo ko lang sa kama at masakit pa ang ulo dahil sa biglaang pagtayo nung dumating naman si Dionysus. Nagulat pa ito nung makita akong gising ngunit ngumiti rin kinalaunan at saka lumapit sa akin.

Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang aking baba para suriin ang buo kong mukha. Kunot noo ko lang naman syang tinignan ngunit hinayaan ko pa rin syang suriin ako.

"Sakit pa ba?"Tanong nya habang nanatili ang tingin nya sa pisnge ko na kung saan nasampal ni Hermosa.

"Maayos na ako. Salamat."Sagot ko at ngumiti. Ngumiti rin naman sya at nilubayan na ang pagsuri.

Tumayo ako para suminghap ng sariwang hangin at panoorin ang pag alon ng dagat. Nakasunod lang naman sya sakin at pinapanood ako sa gilid.

"Bakit naman dito mo ako naisipan na dalhin? Sa dalampasigan talaga ah?"Tanong ko para sirain ang katahimikan. Sa totoo lang maganda rito, napakapayapa.

"Para hindi ka makatakas."Sagot nya naman at yinakap pa ako mula sa likuran.

"S*ra*lo."Sagot ko at hinampas sya ngunit tinawanan nya lang ako at mas hinigpitan ang pagyakap sa akin. His hug and this place makes me feel like wala kaming problema kahit ang laki naman talaga ng problema namin. I don't know, I just feel safe with him.

"May pupuntang tayong tabing dagat. Doon tayo maninirahan."Saad nya habang namamahinga na ang kanyang mukha sa aking balikat. Ramdam ko ang paghinga nya sa aking leeg sa ganong paraan naramdaman ko rin kung gaano sya ka-relax ngayon.

"Paano kung namatay ka ulit?"Tanong ko na bigla na lang lumabas sa bibig ko. Hay nako Ey! Ang ganda na nang eksena gumanyan ka na naman.

Malalim syang bumuntong hininga bago sinuksok ang kanyang mukha sa leeg ko ngunit inalis nya rin iyon at hinayaan mamahinga na lang sa balikat ko.

"May mga bata roon. Mababait sila. May mga alagang hayop din at mga halaman na pwede mong paglibangan kung sakali man na mawala ako ulit."Bulong nya. Para bang matagal nya nang pinagplanuhan ang pagpunta namin doon.

"Vien, hindi ba parang napakahirap ng sitwasyon natin ngayon?"Tanong ko. Hindi ko ba alam sa sarili ko. Masaya naman ako na kasama ko na ngayon si Vien pero hindi pa rin mawala ang mga tanong sa isipan ko. Alam ko naman kasi na pagkatapos ng kasiyahan na ito ay lungkot o problema.

Hindi nya ako sinagot, nakayakap lang sya at pinapanood ang alon. Nanood na lang din ako sa alon habang pinapakinggan ang paghampas nito.

Nung makarating kami sa beach na sinasabi nya ay hindi ko maiwasan na matatalon sa tuwa dahil ngayon lang talaga ako nakapunta sa ganito. Napuno nang excitement ang katawan ko habang pinakikiramdaman ang mga pinong buhangin sa paa ko.

Fantasy CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon