ALEX! Hintayin mo ako! napalingon ako dahil sa biglang may tumawag sa pangalan ko.
Uy! Bakit? tanong ko nang maabutan ako ni Riva―kaibigan ko.
Hindi ka ba talaga sasama sa amin mamaya? Magtatampo na naman si Mike sayo niyan. Minsan lang naman, eh. Lintanya niya.
To make things clear, wala akong sinabing hindi ako makakapunta. Ang sabi ko baka hindi ako makaabot dahil pang-gabi ang shift ko ngayon.
Pwede ka naman sigurong makipagpalitan kay Mae. Papayag naman yun since lagi mo rin naman kino-cover yung shift niya kapag may emergency siya. Pangungumbinsi niya pa sa akin.
Napaisip rin ako dahil doon. Hindi ko alam na tumigil kami bigla sa gitna ng hallway. Natauhan lang ako nung hinila niya ako para pumunta sa gilid.
Oo, papayag siya pero hindi pupwede dahil kailangan ko ng pera. Sagot ko sa kaniya at pinagpatuloy ko na yung paglalakad ko.
Ah, basta pag katapos mo sa shift mo pumunta ka huh? Iiwan ko sayo susi ko para hindi ka mahirapan sa pagpunta. Sabay abot sa akin nung susi ng kotse niya. Napatingin ako sa orasan ko nung mag-alarm yung phone ko.
Sa tingin ko hindi ang pagpunta ko ang dapat iniintindi mo kasi meron ka nalang 3 minutes para sa next class mo.
Shit! Napatingin naman siya sa relo niya at tumakbo kaagad.
Natawa nalang ako dahil muntik pa siyang makabangga. Tumigil rin siya sa tapat ng hagdan at sinigawan pa ako.
Pumunta ka huh?! It doesnt matter kung late ka basta pumunta ka! Tumango nalang ako para makaalis na siya dahil nakaharang na siya sa daan.
As for me naman meron pa akong 30 minutes bago yung next class ko. Balak ko sanang matulog kaya lang baka mabitin ako. Kaya naglakad na ako papunta sa room ko para hindi ko na intindihin kung male-late ako.
Kagaya ng dati wala na namang tao sa room. Lagi akong nauuna dito dahil walang gumagamit sa room na to every 11:30 hanggang 1:30. As in araw-araw. Hindi ko alam pero hindi rin naman nila pinapatay yung aircon kaya palagi ako rito.
Binuksan ko na yung ibang ilaw at nagdoodle nalang ako sa stress notebook ko. Yes, stress ako ngayon dahil hindi ko alam kung magkakasiya ba yung pera ko ngayong buwan.
Hindi ko alam kung makakasama ako next month para sa convention namin. Medyo mahal kasi ang bayad. Though may incentives ako dahil scholar ako pero hindi ko kayang sayangin yung pera ko para sa accomodation at pagkain ko for 3 days. For sure, mapapagastos ako ng di oras.
May mga pumapasok na rin sa room kaya tinago ko na rin yung notebook ko at nilabas yung laptop ko. Dati notebook lang ginagamit ko pero dahil bumili ng panibagong laptop si Mike last month pinahiram niya muna sa akin yung sa luma niya. Ayaw ko sanang nung pero kinonsensiya pa ako na kesyo okay lang kahit hindi ko kunin kaya lang masasayang at nakatambak lang.
Though nahihiya rin ako minsan dahil halos sa mga kaibigan ko ay may mga kaya. Yung ibang mga gamit nila ay binibigay nila sa akin. Kagaya nalang ng gamit kong phone ngayon. Last year niregalo to sa akin ni Riva nung birthday ko. Nasira kasi ang phone ko kaya yun yung naisip niyang iregalo sa akin. Hindi ko lang tinanggap dahil sobrang mahal.
No choice siya at ginamit niya nalang at bumili ng bago after one month tapos binigay niya rin sa akin. Its like gumawa lang siya ng reason para tanggapin ko yung phone.
Kaya minsan nahihiya na ako dahil sa sobrang adjustment na ginagawa nila sa akin. Pero gaya nga ng lagi kong sinasabi wala ako sa posisiyon para tumanggi sa grasiya pero dipende pa rin. Thankful ako dont get me wrong pero it makes me feel like I was a burden to them even if they dont make me feel like that. But, I did.
YOU ARE READING
Worth the Shot
General FictionIs six words enough para sabihin kung ano ba talaga ang nararamdaman ng isang tao?