NAGPASA na ba kayo nung take home activity natin last week? tanong ko sa mga kablockmates ko pagkapasok ko palang ng room.
Hindi pa. Before lunch siguro or after ng class natin ngayon. sagot sa akin ni Jay.
Nice. Sabay-sabay na tayo kung ganun. Aya ko pagkaupo ko.
GUYS!!!!!! GUYS!!!!! Asan si Alex?!! Nagulat naman kaming lahat nung pumasok Renzo―ka-blockmate ko.. Inikot niya yung mata niya hanggang sa makita niya ako.
Oh bakit? Ano na naman kailangan mo sa akin. Sinasabi ko talaga kapag yan puro kalokohan lang malilintikan ka talaga sa akin pero kung trabaho yan thank you in advance. At bakit ka ba sumisigaw huh? Irap ko sa kaniya nung nasa harapan ko na siya.
Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko huh? nagtaka naman ako dahil mukang seryoso siya.
Oh ano nga?
Ikaw to di ba? tiningnan ko naman yung phone na hawak niya. Nanlaki ang mata ko nung matitigan kong mabuti.
Bakit― Anong ginagawa ng mukha ko diyan? tanong ko sa kaniya.
Bakit puro muka mo yung nandiyan Alex? tanong niya rin pabalik sa akin.
Baliw ka ba? Malamang hindi ko rin alam? sagot ko. Saan mo to nakita? baling ko kay Mark na nagpakita sa akin nung post.
Nakita ko lang sa isang page. Chemical Five ang pangalan nung page.
Good morning everyone! bati ng prof namin na kararating lang. Hindi na kami nakapagusap tungkol sa post at nagsiupuan na kaming lahat.
Hanggang matapos yung class wala ako halos naintindihan kahit isa dahil iniisip ko parin yung mga picture.
Pagkalabas namin ng room ay pinagtitinginan ako ng tao. Bakit sila nakatingin sa atin? tanong ko pa.
Correction! Sayo sila nakatingin. Abat naman ng isa kong kasama.
Huh? Eh bakit naman? May dumi ba ako sa mukha ko? kinuha ko tuloy yung phone para makita yung reflection ko. Wala naman akong nakitang kahit ano.
Hala! Baka dahil doon sa post na pinakita sa atin kanina. Dahil doon nagmadali tuloy akong maglakad dahil ang pinakaayoko sa lahat ay yung pinagtitinginan ako ng mga tao.
Hindi ko na hinintay yung mga kasama ko na tinatawag ako at dumiretso nalang sa office ni Maam Tuazon para magpasa ng assignment.
Kumatok muna ako bago pumasok. Nung magangat siya ng tingin sa akin at napangiti siya.
Just the right timing. Kamusta? I heard the other students talking about your name just because of a post.
Hindi ko nga po alam, maam. Hindi ko kilala kung sino yung nagpost and mas lalong hindi ko alam kung bakit muka ko yung nandun. Sagot ko naman kay maam habang inaabot yung assignment ko.
Hindi na nga ako makalakad ng ayos dahil pinagtitinginan ako ng ibang students. Dagdag ko pa
Well I think you cant do anything about it anymore. I mean since a lot of people already saw the post. Makakalimutan din yan. But to be honest, talented yung gumawa, huh? puri pa ni maam na mukang nangaasar.
Pati ba nama kayo maam. Hindi ko tuloy alam kung kinocomfort niyo ako or anything, eh. Nguso ko pa sa kaniya.
Ito na rin po pala yung pinacommission niyo. Sabay abot ko sa kaniya nung vest na pinagawa niya.
That fast? Oh my gosh!! This is so beautiful! I have to try it on pronto. Nagmamadali pa si maam papunta sa c.r para sukatin yung damit. Buti nalang nakalimutan niya na yung about sa post.
YOU ARE READING
Worth the Shot
General FictionIs six words enough para sabihin kung ano ba talaga ang nararamdaman ng isang tao?