Chapter 6

0 0 0
                                    

GIRL, natulog ka ba? Muka kang panda. bungad kaagad sa akin ni Layla nung makaupo ako sa tabi niya.

Hindi masiyado. Inatake na naman ako ng insomia ko. You know, new place. Sagot ko sa kaniya habang sinusuot yung I.d na binigay sa akin kanina nung pumasok ako sa venue.

Oh, abot sa akin ni Renz nung sandwich at kape. I know na hindi ka pa nagbebreakfast.

Thank you, Renz. Humigop ako sa kape at tinabi nalang yung sandwich sa tabi ng phone ko sa ibabaw ng table.

Nakinig lang ako sa harap katulad nung iba. Unlike sa ibang seminar, entertaining yung nagsasalita sa harap. Kahit sobrang dami namin ay nakuha ng nagsasalita yung attention ng lahat.

Nilibot ko yung tingin ko. Pansin kong may ibang nakatayo maliban sa mga staff. May mga hawak silang camera, probably taking photos para sa documentation. Maliban sa school namin lahat ng university na um-attend ay may mga pinadalang kumuha ng pictures. Bakit kaya sa amin walang pinadala?

Sa di kalayuan nakita ko si Sophia na may nakasabit na camera sa leeg niya. Naglakad siya palapit sa table namin at kinuhanan kami ng pictures. Nagkatitigan pa yung dalawa bago pa niya mapindot yung camera.

Kukuha sana siya ulit ng picture pero bigla siyang kinalabit ni Claude na bigla nalang sumulpot. May binulong siya kay Sophia na ikinangiti naman nang isa. Tumango lang si Sophia bago umalis si Claude. Ngumiti lang ako ng bahagya nung nagkatinginan kaming dalawa. Ganun din siya.

Bago pa makakuha ulit ng picture si Sophia ay nakaalis na si Renz sa table namin. Nagkatitigan tuloy kaming magkakaibigan. Hinayaan nalang namin siya.

Saan kaya nagpunta yung isa? Hanggang ngayon kasi hindi pa rin bumabalik, eh. Lintanya ni Layla habang kumukuha kami ng pagkain. Lunch time na rin kasi at simula nung umalis si Renz ay hindi pa rin namin siya nakikita.

Kahit sa room namin wala rin siya. Hayaan nalang natin siya babalik din naman yun. Lester sigh.

The two days convention was really fun. Inspiring siya especially for us na ilang taon nalang ay magte-take na ng board exam. They have mini games and Lester and Layla were so into it that we even won a game.

Good thing na kahit papaano ay nakakasama namin si Renz. As per Sophia, after nung nangyari ay hindi na siya lumalapit kay Renz. Si Claude naman ay nagha-hi parin sa akin everytime na makikita niya ako. Kahit na laging masama ang tingin sa kaniya nung isa ay deadma lang siya.

After matapos yung event nagkaroon kami ng chance na makipagsocialize sa ibang school dahil sa isang game na inorganize nung pinakahuling speaker. Sabi niya for new set of people and connection.

Nag-aya pa sila na magafter-party pagkatapos namin magayos at kumain ng dinner. Tuwang tuwa tuloy yung mga kasama ko dahil nakarinig ng party. Kasi pag may party, may alak.

Naka-high waisted pants lang ako at sleeveless crop na pilit pinasuot sa akin ni Marie kanina bago kami makalabas ng room. Sinuot ko nalang at nagchat nalang ako kay Renz kung pwede siyang magdala ng jacket na pwede kong mahiram dahil ayaw din nila akong palabasin na may suot or kahit magdala man lang ng jacket!

Ang dami naming nakakasalubong sa hallway. Like us, they are also probably having a party. Kanina nung after namin kumain ay nakita namin na may nangyayaring pool party sa pool side. Inaya kami nung iba, umoo nalang din kami para pakawalan kami kanina.

Finally, reklamo ni Layla nung makarating kami sa floor na sinabi sa amin ni Tresty―team leader namin kanina na taga Divine.

Pagkapasok namin sa room ay sobrang nagulat kaming lahat. The room was too big to be considered as room. It was more like a penthouse sa laki. Thats the reason pala kaya wala kaming nadaanang mga pinto habang naglalakad kami sa hallway.

Worth the ShotWhere stories live. Discover now