Chapter 7

0 0 0
                                    

ALEX!!! tawag ni Tresty sa akin nung makalapit siya. Nakaswim suit nalang siya. Tara na. Hayaan mo na si Claude diyan. Look your friends is already having fun, oh. Nakita ko naman na naghihintay na yung iba sa amin habang nakalubog sa pool.

Hindi ako maliligo. I dont have any swim suit. Pagsisinungaling ko.

Huwag kang maniwala sa kaniya. Shes wearing one!! pangbibisto pa sa akin ni Layla. Napairap tuloy ako.

Hinila na ulit ako ni Tresty patayo, palayo kay Claude. Lumingon ako sa isa. Ni hindi ko man lang siya natanong about sa sinabi niya.

Kahit hindi ako ganun kadalas at kasanay magswim-suit ay hinubad ko pa rin yung damit ko. Gaya nga ng sabi ni Riva hindi ko kailangan mahiya kasi normal lang naman yun. I dont have to worry people staring at me since Im not the only one wearing swim suit.

Tinabi ko nalang sa mga damit nila yung damit ko at yung sapatos ko. Naligo lang kami but I still manage to take good care of Layla and Marie. Mga lasing na rin kasi pero inom pa rin ng inom. Good thing na walang weird habits si Marie at tumatawa lang sa gilid unlike kay Layla. Kung sino sino nalang ang hinihila para makipag-make out.

So, whats with you and Claude? usisa sa akin ni Tresty nung kami nalang ang natira dahil naglalaro na ng bola yung iba.

Oh, hindi ko alam ang isasagot ko kaya napatingin ako sa gawi ni Claude. We are not friends but were not strangers to each other? sagot ko nalang.

Ive been friends with him since I dont know exactly when but I never saw him going to these kinds events. Lalo na kapag sobrang daming tao. He would rather spent his night infront of his computer editing photos. Paliwanag niya.

Alam mo ba kung bakit napapunta ko yan? napataas naman ang kilay ko dahil sa tanong niya.

I told him that youre going. Nasamid pa ako dahil doon.

Oh my, are you okay? nagaalala niyang tanong dahil nagtuloy tuloy na yung pag-ubo ko.

Im fine. Nagulat lang. I simply said not minding her last statement. Good thing na nawala ang attention niya sa akin dahil may mga lumapit sa kaniya. Bigla ko tuloy naalala si Riva sa kaniya. Parehas silang maraming circle of friends.

Nung nagdecide silang umahon muna ay natuwa ako dahil medyo nakakaramdam na ako ng lamig at hilo dahil sa halo-halo na yung mga nainom ko. Buti nalang at sumama rin yung dalawa at naupo muna sa tabi ng pool.

Tinatry kong tingnan si Lester sa crowd dahil alam kong dito siya nagpunta kanina nung hindi siya sumama sa amin nung inaya namin siya sa taas. Balak ko sana siyang i-chat nalang pero hindi ko maalala kung saan ko nilapag yung phone ko. Kinapa ko na yung bulsa ng pantalon ko pero wala rin doon.

Nung hindi ko pa rin makita ay tinigilan ko muna dahil bigla nalang napahiga si Layla sa upuan habang pinapalibutan siya. Akala ko kung ano na ang nangyari. Pag lapit ko nagkakagulo na kasi nagba-body shots na pala sila.

Lalong naging wild yung crowd nung nilagay ni Layla yung asin sa may bandang dibdib niya. Natawa nalang ako habang nakamasid sa kanila. Bumalik nalang ako sa pwesto ko uminom nalang.

Bakit mag-isa ka lang? nagulat pa ako nung may nagsalita. I should probably cut my coffee intake dahil lagi nalang akong nagugulat.

Bago yun, huh.

What do you mean? nakakunot pa ang nuo niya.

Sobrang dalang kitang marinig na magtagalog. Comment ko pa.

Napatango naman siya. Minsan. But I find it hard for me to speak tagalog especially na hindi ako ganun kafluent sa ibang words. Umupo naman siya sa may tabi ko. Napausod naman ako dahil baka mabasa ko siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Worth the ShotWhere stories live. Discover now