Chapter 5

0 0 0
                                    

NICE, tabi tayo Renz! Sabay apir ko kay Renzo nang makita kong bakante pa sa tabi niya.

Sige, dito kana sa tabi ng bintana. Kinuha niya naman ang bag ko at nilagay sa compartment at tumabi na rin sa tabi ko pagkatapos.

Ang konte naman ata ng dala mo. Comment niya.

Ahh, oo wala kasi akong malaking bag. Kaya pinagkasiya ko nalang sa bag ko. Kasya naman, eh. Sabi ko nalang. Medyo inaantok pa kasi ako.

Papunta kami sa venue ng convention namin. Sabi nila 7 sharp daw ay aalis ang school bus pero dahil Filipino time tayo 8:30 palang at kakaalis lang namin.

Dahil maaga pa ay nagexpect akong walang energy ang iba dahil maaga nagising at nagready pero kabaliktaran ang nangyari. Ang tataas ng energy nila! Sana all! Gusto ko pa naman sanang matulog dahil wala akong tuloy halos. Hindi kasi nakarating on time si Mae sa shift niya.

Ang ingay nila no? napatango ako kay Renz dahil may lamang tinapay ang bibig ko.

Sana all nga, eh. Ang dami nilang energy.

Buong biyahe namin ay ang kukulit ng mga kasama namin. Nangunguna pa si Christ, joker ng batch namin. Di ko alam kung dahil bakla at witty kung sumagot pero nakakatuwa talaga kapag nandiyan siya. Theres no dull moments. Kaya sobrang ingay nung bus nung dumating siya kasi paniguradong hindi boring ang magiging biyahe.

After nilang magkantahan at maglaro nang kung ano-ano ay nagkwentuhan nalang sila ng mga past embarassing moments namin freshmen palang kami.

Natigil lang saglit dahil kailangan na namin maglunch.

Nag-chat sila Layla sakin. Nag-order na raw sila ng food natin. Sobrang haba raw kasi ng pila sa McDo. Inform sakin ni Renz pagkababa namin ng bus.

Pagkapasok namin ay hinanap nalang kaagad namin kung saan ang table nila Layla. Habang naghahanap ako ay pansin kong may taga-ibang university din ang nandito. Kaya pala sobrang crowded.

Ayun sila. Sabi ni Renz. Nakita namin sila sa pinakadulo sa tabi ng bintana.

Thank you. Buti naisip niyong orderan na kami. Hindi naman kasi dito huminto yung iba kasi napansin namin na sa Jollibee yung iba nag-lunch." Tanong ko kaagad pagkaupo ko.

Hindi rin kami sure pero kung hindi man kayo dumating edi kami ang kakain. Uso naman magtake-out, eh. Barumbadong sagot sa akin ni Layla habang may laman pa ang bibig niya.

Natawa tuloy kami dahil may nahulog pang pagkain sa bibig niya. Muntik pa tuloy siyang mabulunan dahil sa katakawan niya.

Katulad sa kanila ay supermeal lang din ang in-order nila para sa amin.

Nga pla nasan yung iba? tanong ko dahil maliban sa amin wala akong makitang kablockmates namin.

Hindi rin kami sure, eh. Simula nung dumating kami sa school hanggang sa makasakay kami sa bus etong si Marie lang ang kasama ko. Naghahanap nga rin kami ng mga kasama pero talagang wala.

Buti pala kasama ko si Renz. Paano kaya kung ako lang mag-isa. Nakakahiya kapag nagkataon.

Sabi sayo meant to be talaga tayo. Pasaring naman kaagad ni Renz na ikinatawa nung dalawa.

Simula first year ay magkakakilala na kaming apat. Kung baga parang sila yung iba ko pang masasabi kong kaibigan ko maliban kila Mike. May isa pa kaming kaibigan kaso lang hindi rin nagrereply sa amin.

Napatingin kami sa entrance nung may mga pumasok dahil sa sobrang ingay nila. Nakilala ko yung isa sa kanila. Siya yung kasama nung nakaaway ni Riva nung birthday ni Mike.

Siguro naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya kaya napalingon siya sa gawi ko. Ngumiti siya nung maalala niya ako. Napangiti nalang din ako. Sobrang contagious kasi ng ngiti niya. Napansin ko na yun nung gabi pa lang.

Worth the ShotWhere stories live. Discover now