Chapter 11
JIMIN's POV
"Ako? Sus! Hindi ako ang secret admirer mo."
"Eh bakit nakabukas yung locker ko?" Tanong niya.
Eto. Aaminin ko na. May gusto ako kay Jieun. Ang simple kasi niya eh. Tapos mas lalo akong nagkagusto sa kanya nung nakita ko siyang sumasayaw as back up dancer ng 2NE1. Ang galing niyang sumayaw at nalaman kong classmate ko pala siya at naging kaibigan pa.
"Ewan ko. Pupunta sana ako sa cafeteria tapos nakita ko itong nakabukas kaya tinignan ko lang." Palusot ko.
Mukha namang naniwala sila kaya umalis na agad ako.
BOMI's POV
Pumunta ako sa kwarto ni Shahd. At dahil Saturday naman, yayain ko nalang siya na mag mall kami.
"Hi!" Sabi ko nung binuksan ko yung pinto.
"Hello! :)"
"Shahd, gusto mo bang mag mall ngayon?"
Nag smile siya. "Sige."
SHAHD's POV
Kakatapos lang naming kumain ni Bomi ngayon papasok na kami sa sinehan nang nakasalubong namin si V at Jungkook na magkasama.
"Oh. Nandito pala kayo." Sabi ni V.
"Nag mo-mall pala ang masungit noh Bomi?" Sabi ni Jungkook.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.
"Hmm.. Kakatapos lang namin mag rehearsal kaya free time na. Manonood lang kaming sine. Kayo?" Sagot ni V.
"Eh manonood rin kami ng sine eh."
"Ah. Maganda pala, sabay sabay nalang kaya tayo?" Tanong ni V.
Nag nod lang kami ni Bomi.
JUNGKOOK's POV
Nakaupo lang kami dito sa sinehan. Hinahantay na mag start yung movie. Katabi ko ngayon si Bomi. Si V katabi si Shahd tapos si Bomi tapos ako. Hahaha. Okay yun, makapangasar nga muna.
"Bomi, takot ka sa scary movie diba?" Tanong ko.
"Hindi no."
"Nabanggit sakin ni Minzi na takot ka daw eh."
"Eh ano naman sayo?" Sumungit na naman. Hahaha.
"Wala lang basta pag natakot ka, nandito lang ako."
Kumunot nanaman noo niya meaning naasar na siya.
"Mas gusto ko pang ihug si Shahd kesa naman makasama ka no." Sabi niya.
"Hahaha! Pikon nanaman."
Dinilatan lang ako tapos di na ako pinansin. Nag start na yung movie hanggang sa middle part na.
"Huy, sabi mo hindi ka takot? Eh bakit nakacover na yung kamay mo sa mata mo?" Hahahahaha.
"Wag ka ngang maingay jan."
Climax part na. Puro dugo dugo na yung bida tapos daming sound effect na nakakatakot. Tinignan ko si Bomi, halos nakacover na buong mata niya. Hahaha. Halatang natatakot.
BOMI's POV
Seryoso nakakatakot naman tong Insidous. :( Pero nakikita kong tumatawa lang si Jungkook. Parang sira to. Nakakatakot yung pinapanood tapos tawa ng tawa. Baliw lang. Ayun na, binalik ko na yung atensyon ko sa pinapanood namin pero nakakatakot talaga. Bigla ko nalang naramdaman na may yumakap sakin. Tinignan ko at si Jungkook.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.
"E diba natatakot kana? Kaya ito, pinoprotektahan lang kita para di ka masyadong matakot."
Nakaka-awkward naman pero feeling ko sobrang safe ako. Ano ba to? Hindi to pwede. Di ako pwedeng magkagusto kasi nga man hater ako. Tinanggal ko nalang yung yakap niya tapos tumayo nalang ako para magpunta sa cr pero natatakot ako kaya umupo nalang ako ulit.
Natapos na ang movie at palabas na kami ng mall ngayon. Di ko parin pinapansin si Jungkook kasi nao-awkward ako sa kanya. Kaya nagpaalam nalang kami ni Shahd para mauna na at sa wakas nakahinga na ako ng maayos. Nandito ako ngayon, nakahiga sa kama ko. Paulit ulit pumapasok sa isip ko yung niyakap ako ni Jungkook.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.
"E diba natatakot kana? Kaya ito, pinoprotektahan lang kita para di ka masyadong matakot."
Hayssss!! Kailangan ko nang matulog. May rehearsal pa kami bukas.
YOU ARE READING
You're My Destiny
Fanfiction[PROLOGUE] Naranasan mo na bang ma-inlove? Yung tipong lagi kang masaya pag nanjan siya. Lagi kang napapaihi sa kilig kasi alam mong nakatingin siya sayo pero di ka makatingin sa kanya. Yung gusto mo siyang kausapin pero nahihiya ka at baka himatayi...