[16] Exo's School Date.

2 0 0
                                    

Chapter 15

BOMI's POV

Monday. Grabe. Di ko makalimutan na sinabi sakin kanina ni Minzi na darating mamaya ang Exo para sa flag ceremony tapos hanggang uwian sila kasi meron daw Exo's School Date ngayon kaya maaga ako pumasok ngayon. Sobrang Fan ako ng Exo. Lalo na Bias ko si Chanyeol. OMG! Yung pwede mong makasama ang isa sa mga Exo Members pag nanalo ka sa ipapagawa nila. OMG! Minzi, Jieun at ako. Fan girl na fan girl kami ng Exo. Grabe. Kaya nga sobrang aga namin ngayon. Pero since student president si Minzi mas makikita niya yung Exo mamaya sa Faculty Room. Hays! :))))) Sobrang saya namin. As in. Tumunog na yung bell. After ng ceremony. Nilapitan ako ni Jungkook.

"Bakit kilig na kilig kayo dun sa guest na darating?" Tanong niya.

"Syempre. Exo yun! Exo as in Exo!"

"Fan ka nila?" Tanong niya.

"Oo! Sobra!!! Kaming tatlo nila Jieun at Minzi. Sobrang fan kami ng EXO!!!"

Bigla siyang sumimangot. "Huy! Wag kang magseselos ha. Fan lang." Tapos nag smile na siya at bumalik sa upuan niya.

Tinawag na ang EXO. Grabe. Kaming tatlo nila Minzi at Jieun ang pinaka malakas na sigaw. OMG! Exo na yan eh. Grabe. Dream come true kasi di ko pa sila nakita ng personal kahit nung MAMA. :( Pero ngayon ang masayang day!!! Exo!!!

OMG!!!!

"Totoo ba to?" Tanong ni Jieun.

"Oo nga! Pakikurot ako." React naman ni Minzi.

Nag tatry ako mag behave pero di namin kaya kasi sigaw kami ng sigaw. Wala eh. Fan girl. Pasensya na.

Tinawag nung Activity Adviser namin or host kung sino ang pinaka fan girl sa school tapos umaakyat kami sa stage kaya wala na talaga. Kaming tatlo ang nauna na pumunta sa stage pero may iba rin na nakuha.

Sinabi na sa amin ang mechanics. Kailangan daw namin sumayaw or kumanta ng isa sa mga Exo Song tapos pag nanalo kami, pipili kami ng gusto naming maka date sa Exo. Makakasama lang namin sila for one day pero hindi naman as in date kasi sa school lang. Hindi pwedeng lumabas ng campus. Syempre, 12 ang mapipiling lucky fan girls. Kaya nag start na kami. Si Minzi kinanta niya yung lucky. Si Jieun naman sinayaw niya yung overdose. Ako naman yung growl. Tapos na kami mag perform. Hinahantay nalang namin matapos yung iba hanggang sa natapos na sila.

Si Sir Kim. Siya yung activity adviser namin kaya siya rin ang host. Nilapitan niya na yung EXO para makapag decide na kung sino ang mananalo at ngayon sasabihin na ang twelve lucky fan girls!!!

Grabe. Kinakabahan kaming tatlo. Sana makuha kami. Nakuha na si Jieun at Minzi. Swerte naman nila. Ako kinakabahan na ngayon kasi feel ko hindi ako makukuha. Hays :( 11 na. Isa nalang. Ako nalang at si Kaechi yung natira. Hays!!!! Sana ako. Sana ako. Sana ako. Sana ako. Please.

"Kaechi!" Sabi ni Sir Kim.

Ano?! Hindi ako nakuha? Ano ba yan. Binigay ko pa naman yung best ko. Bababa na sana ako ng stage pero biglang nagsalita si Sir Kim.

"Mali mali. Bomi! Ikaw ang nakuha. Sorry Kaechi pero mali ang nasulat dito."

Pumunta ulit ako sa tabi ni Minzi at Jieun. Sobrang saya namin. Grabe.

"Congratulations to all winners! Pero nag decide ang Exo na sila nalang ang pipili ng partners nila. Kaya sila nalang ang pipili." Sabi ni Sir Kim.

Ano? Sila ang pipili? Wow!

Ang swerte ni Jieun dahil napili siya ni Luhan. Si Luhan kasi bias niya kaya yung smile niya hanggang tenga. Si Minzi naman napili siya Baekhyun kaso si Sehun yung bias niya pero okay lang sa kanya. Ikaw ba naman mag chuchoosy eh Exo na yan diba? Nakapili na rin ang ibang members ng Exo.

Hala. Di yata ako ang pipiliin ni Chanyeol. :( Kanina pa kasi siya nakatingin kay Ailee na katabi ko lang eh. :( Kawawa naman ako. UB ko kasi si Chanyeol eh. Sana ako nalang please! Sana ako nalang!

"Chanyeol, sino ang partner mo?" Tanong ni Sir Kim.

Tumingin siya isa isa sa amin kaso nag stop yung tingin niya kay Ailee.

"Si Ailee po ba yun?" Tanong niya kay Sir Kim habang nakaturo kay Ailee. Eto naman Ailee na to. Kilig na kilig. Hays! Sabi ko na nga ba eh. Di niya ako mapipili.

"Oo. Siya ba ang partner mo?" Tanong ni Sir Kim.

"Hindi po. Yung katabi mo ni Ailee sa kanan." Sabi ni Chanyeol.

O_O

Ha? Ako yun diba! Ako yun! Ako nga! Grabe. Nasa langit na ba ako? Totoo ba to Chanyeol? Tumingin ako kay Chanyeol tapos nag smile siya. O M G! Fan Girling Overload!!!!

You're My DestinyWhere stories live. Discover now