Chapter 12
Nandito kami ngayon ng Sweetheart sa rehearsal room para mag practice para sa collaboration namin with BTS. Nagkwekwentuha kami ng pumasok si Sir Kim yung choreographer namin kasama ang BTS.
Nao-awkward parin ako kay Jungkook pero himala ngayon hindi niya ako inaasar pero okay naman ako sa ibang members ng Bts. Nag start na kaming mag practice kaso ang theme daw ay partner partner bawat song. Pano na to? Sana kahit sino nalang makapartner ko, wag lang siya kasi baka hindi kami makapag concentrate dahil sa awkwardness. Pinartner partner na kami pero since 6 lang Sweetheart at 7 ang Bts, kailangan daw may mag triple. Si Naeko at Ashley ang partner ni Jungkook. Hays. Salamat. Si V naman ang ka partner ko kaya solve na ang problem. Nag start na ulit kami sa pag papapractice. Natapos na ang rehearsal kaya kailangan na naming kumain ng lunch. Nagpa deliver nalang si Manager para hindi na kami mapagod.
JUNGKOOK's POV
Nandito ako nakaupo mag-isa sa dulo habang naghihintay ng delivery. Bakit sobrang iwas sakin ni Bomi ngayon? Di niya pa ako pinapansin. Nahihiya naman akong lapitan siya ngayon kasi baka magalit. Ewan ko. Sobrang concern ko sa kanya ngayon.
V's POV
Dumating na yung delivery namin. Kumuha na kami ng pagkain namin pero si Bomi parang ayaw pa yata kumuha tapos kanina pa tahimik. Hays. Kumuha nalang ako nang para sa kanya tapos nilapitan ko siya.
"Oh eto. Nahihiya ka yata kumuha kaya ayan."
Ayun, nag smile na siya. "Thank you."
"Sabay na tayo kumain?" Tanong ko tapos nag nod lang siya.
Habang kumakain napansin kong tumitingin siya kay Jungkook. Nagaway ba sila? Kasi ngayon lang sila hindi nagpansinan o nagasaran. Sana maging okay na sila.
Natapos na kaming kumain at nag start ulit kaming mag practice. Okay naman yung prod namin kaya sana maging successful ito.
BOMI's POV
Tapos na ang practice kaya palabas na ako ng practice room at papunta na nang parking lot pero biglang may tumawag sakin. OMG!
"Hi." Nahihiyang greet niya.
"Hello."
"Pauwi kana?" Tanong niya.
"Oo. Sige, mauna na ako Jungkook."
Paalis na sana ako pero pinigilan niya ako. "May problema ba?"
"Wala. Sige bye."
Umalis na ako. Bakit kaya nahihiya ako? Kinakabahan ako pag nanjan siya kaya umalis nalang ako agad hays. :( Di ko maintindihan.
KAMU SEDANG MEMBACA
You're My Destiny
Fiksi Penggemar[PROLOGUE] Naranasan mo na bang ma-inlove? Yung tipong lagi kang masaya pag nanjan siya. Lagi kang napapaihi sa kilig kasi alam mong nakatingin siya sayo pero di ka makatingin sa kanya. Yung gusto mo siyang kausapin pero nahihiya ka at baka himatayi...