41

12 1 0
                                    


6|04
10:20

PINK PUSSY | 5 Members

Ruzette
Paano tayo nakauwi? Hehehe

Sigh
Gago ka beh halos hindi kana makalakad. Hindi namin alam anong engkantong sumapi sa'yo at inubos mo lahat no'ng nakabalik ka galing cr

Wryx
Hindi ka naman mapigilan

Nyv
May nalaman siguro siya haha

Nadia
Nagkita ba kayo ni Archimon? Nagtanong kasi 'yun, hinanap ka sa'kin. Hindi naman ako p'wede magsinungaling.

Sigh
Ah so pinuntahan talaga si gaga akala ko delulu lang siya hinanap ba naman

Ruzette
Yes mare, nagkita kami. Nag-usap din saglit. Tapos na raw Internship nila, graduation na sa susunod na araw. After non, aalis na siya.

Wryx
Saan ba pupunta?

Ruzette
Magrereview for board exam at sabi maghahanap ng work pansamantala.

Nyv
May sariling buhay 'yung tao. Panibagong journey 'yan kasi tapos na sa pag-aaral eh.

Nadia
Ready yourself ze. Anytime, mawawalan na kayo ng connection sa isa't-isa.

Ruzette
Hindi ako kasali sa mga plano niya. Lol ang kapal naman ng mukha ko kung makikisali sino ba ako naneto oh

Sigh
Wow sinasampal ang sarili HAHAHAHA

Nyv
Some loses are wins ze. Baka may makilala ka rin ulit na uutuin ka.

Ruzette
Potangina naman niyan.

Nadia
Kamusta pakiramdam mo? Uminom kana ba ng gamot?

Ruzette
Yes mare

Sigh
Kunwari hindi ka namin nakitang umiyak kagabi

Ruzette
Huh?? Umiyak ako??

Wryx
Yeah. Hinanap mo si mon. Pinuntahan mo pa sa labas e wala do'n. Akala namin baliw kana, nagkita pala kayo ha.

Nyv
Ang panget mo umiyak pati sipon natulo

Ruzette
Tangina niyo edi sana pumikit kayo mukha ko pa mag aadjust ha

Nadia
Buti nalang pinagbuksan pa kami ng daddy mo e lagpas curfew mo na no'ng umuwi tayo.

Sigh
Aba malamang hindi ba naman uuwi kung hindi makita si monmon. Buti nalang may kamukha niya do'n. Ang gaga kinausap at niyakap. Grabe nakakahiya ka maging kaibigan ruzette.

Ruzette
Tangina huwag mo akong pinagloloko Sigh ginawa ko ba talaga 'yan???

Wryx
Oo teh, buti walang girlfriend 'yung tao.

Nadia
Ano ba pinag-usapan niyo ni mon e mukhang buhat mo lahat ng problema sa mundo.

Ruzette
Tinanong ko siya kung sinubukan niya ba akong mahalin. Sabi ba naman hindi raw. He set boundaries daw eh. Kasi ayaw niyang masaktan ako dahil sa kanya.

Nyv
Archimon is not certain about his feelings towards you.

Sigh
Baka mahal pa talaga niya ex niya. Ang tagal kaya nila. Tapos ang ganda rin kasi ng babaeng 'yon kahit pa muntanga kasi pinatulan ex mo.

Nyv
Still, it is not valid to play ruzette's feelings.

Nadia
Ruzette is also at fault. Ginusto niya 'yan, hindi naman 'yan bobo. Alam niyang masasaktan din siya pinagpatuloy pa. Now face the consequences of your poor decision making.

Ruzette
Hirap talaga maging academic achiever na bobo sa love life.

The Love I Couldn't Have (Epistolary)Where stories live. Discover now