Chapter Eleven: The Husband

433 17 6
                                    

Gustong gumising ni Tina pero hindi niya makuhang idilat ang mga mata. Pamilyar sa kanya ang eksena, ang lumang hagdan, ang bawat palapag na inaakyat niya, ang tunog ng bawat hingal at malakas na reklamo niya.

Alam niya, nananaginip siya at dinadala siya niyon sa araw na ayaw na sana niyang maalala.

She groaned in her sleep when she saw herself reaching for the door of the room found on the 6th floor of that old hotel. Nakita niya ang sariling pumasok roon, saglit na nagmasid bago nahiga at kampante ang loob na nakitulog.

Pinilit niyang gisingin ang sarili nang dumating ang mas pamilyar na parte ng eksena. Alam niyang magigising siyang may lalaking nakahiga sa tabi niya.

Sinubukan niyang kumalma, alam niya kasi na the more na nagpapanic siya, the more na hindi siya makakawala sa tinatakasang bangungot.

Oo, malayo iyon sa panaginip. Isa iyong horror story na binabalik-balikan siya para takutin.

"I'm not gonna hurt you, alright? You don't have to do anything. Wag ka lang magsasalita o kikilos. Babayaran kita kahit magkano. Magpanggap ka lang na natutulog pagbilang ko ng tatlo..."

That deep masculine voice sounds differently now kaysa nung una niya iyong mapakinggan. He wasn't purely ordering her around, she realized. There was something in his voice na hindi niya mabigyan ng kahulugan.

"Let me warn you, Miss. H'wag mong tangkaing sumigaw o sumira sa usapan. Hahalikan kita pag ginawa mo 'yan. Do we have a deal?"

She remembered nodding her head in panic, kahit malayo iyon sa plano niyang gawin.

"The door will open soon, aalisin ko na ang kamay ko."

Then he started to count...

" One.. Two... Three."

Hinigit ni Tina ang hininga, pinwersa ang sariling gumising bago pa man dumaiti ang mga labi ni TJ sa mga labi niya. Bumukas ang pinto ng kwarto kagaya ng nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Kasabay niyon halos ay ang mariin at mapusok na pagsakop ng mga labi ni TJ sa mga labi niya.

Nagsalimbayan ang galaiti at hindi maipaliwanag na damdamin sa dibdib ni Tina sa parteng iyon. Gusto niyang gumising at saktan ang katabi niyang pasyente para makaganti pero natatalo siya ng puwersang mas humihila pa sa kanya pailalim.

Hindi niya alam kung gaano katagal bago pinutol ni TJ ang halik. Ang alam niya lang, tulala siya kahit nung tulungan at igiya na siya nitong maupo sa kama.

Lumakad papasok si Theo. Pinaglilipat-lipat nito ang tingin sa kanila ni TJ. Tina withdrew her gaze.
The man looked authoritative and stern despite his handsome face. Puwede itong mapagkamalang may ari ng isang 5-star hotel.

Nadaanan ng tingin ni Tina ang isang babaeng nakasuot ng peach maxi dress na nakatayo sa may bungad ng pinto. Nakamata ito sa kanila pero hindi niya gaanong napagtuunan ng pansin dahil overwhelmed siya sa pinaghalong pangamba at lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

She was scared half to death. Sino ang mga taong ito at ano ang gagawin niya ngayon? Paano kung madamay ang Tatay niya sa nangyari at matanggalan ito ng trabaho? Paano na ang kabuhayan ng kanilang pamilya?

Nakita niyang nagbuka ng bibig si Theo. Alam niya ang susunod na sasabihin nito.

"Ano'ng ibig sabihin nito, Theodore James?"

Pero nagulat si Tina na sa halip na ang ma- awtoridad na boses ng lalaki, ang pinaghalong relieved at nag aalalang boses ni Arielle ang nakaringgan niya.

"How do you feel now? May masakit ba sa katawan mo? Your head? Does it still hurt?"

Gustong umungol ni Tina sa irita. Siya itong biktima ng asulto pero bakit parang mas concern pa ang boses ng babae sa manyakis na anak ito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad Wives 1: TINA (PREVIEW ONLY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon