_____.......KATHERINE POV.....________
Maaga palang ay naligo at nagbihis na ako ng uniform ko dahil ihahatid daw kami ni kuya kris ngayon sa school. Natutuwa ako dahil hinanda na pala ni mama kahapon lahat ng mga gamit ko.
Nang kukunin ko ang bag ko at iba ko pang gamit ay napansin ko ang laptop sa ibabaw ng study table.
"Sakin ba to?." Tanong ko sa sarile. Nang buklatin ko iyon ay may notes na nakasulat.
KATHERINE ANAK PARA SAYO YAN,
MAGAGAMIT MO YAN PARA SA
PAG AARAL MO.LOVE: MAMA.
Napangiti ako dahil don, masaya ako dahil nakikita kong gusto talaga ni mama ng bumawe sakin. Masaya din ako na pinapakita nya na mahal nya ako.
Bago ako bumaba ng kwarto ay tinawagan ko muna si khate, para alamin kong saan kame magkikita dahil nahihiya akong pumasok mag isa sa school na yon.
Nang makompirma kong sa parking lot na lang kame mag kita ay bumaba na agad ako. Natuwa ako na ipapakilala nya daw ako sa mga friends nya.
"Ate katherine, come on malalate na tayo." Si kristel na nanakbo na sa labas ng bahay. Si kristal naman ay eto nakatingen sa mukha ko.
Natatawa ako dahil hindi talaga maalis sa mukha ko ang tingin nya.
"Bakit?" Natatawang tanong ko. Ngumiti sya at.
"Ate ang ganda mo talaga." Pinisil nya pa ang pisnge ko at sabay takbo palabas ng bahay. "Sorry ate." Pahabol nya pa.
"Ikaw talaga." Sigaw ko sa kanya.
Bago ako lumabas ay iginala ko muna ang mata ko sa bahay, nag babakasakaling makita ko si ate kath.
Pero parang malabo ata iyon.
"May hinahanap ka ba iha?" Si ate thess, nakangiti na sya sakin sabay abot ng isang paper bag. "Ginawa yan ng mama mo para sayo." Dagdag nya pa.
"Ate thess pasabi po kay mama salamat ha."
"Makakarating katherine." Tinapik nya pa ako sa likod.
"Salamat po." Yon lang ang sinabi ko at nag lakad na ako palabas ng bahay.
Gusto kong tanungin si ate thess about kay ate kath pero nahihiya ako, pero hindi kasi ako mapakale ei kahapon hindi ko sya nakita.
'Tanungin ko na kaya si kuya.'
Nang makasakay ako sa kotse ni kuya kris ay panay ang kwento ng kambal about kay ate kath at sa lalakeng nagugustuhan nito.
Mas lalo pa akong nahiwagaan dahil parang sa kwento nila ay walang interes ang lalake yon sa ate ko. Pinakita din ni kristal ang mukha ni ate kath sakin para daw pag nakita ko sya sa school mamaya ay makilala ko sya.Medyo malayo pa kami sa mismong parking lot pero nakita ko na agad si khate kaya naman binuksan ko yong bintana at tinawag ko sya.
"Bestie." Nagtutumalon na agad sya ng makita ako.
"Ayan na yong bestfriend ko ang ganda nya no." Ang lukaret kong bestfriend, akala mo naman maniniwala sa kanya yong mga kaibigan nya na maganda ako.
YOU ARE READING
FIRST LOVE
RomansaSi KATHERINE VERGARA ay lumaki sa probinsya kasama ang dalawa nyang kuya. Patay na ang kanyang ama at ang kanyang nanay naman ay nakipag balikan sa tatay ng una nyang mga anak at tumira sa maynila. Hindi naman mahirap ang buhay nila sa probinsya ka...