Chapter 9. Day 2 Competition

834 39 7
                                    

Today is the first quarter of Nine's football game. Kasabay ng first quarter ng laro nila ay cheer leading din nila Min. Ngayon nasa critical akong kondisyon dahil hindi ko alam sino ang susuportahan ko.

"Hoy Quatro! subukan mo lang talaga na huwag manuod, magtatampo ako sa'yo ng isang taon at itatakwil kita bilang kaibigan," banta sa'kin ni Min.

"Uhm, manunuod nga ako. Kapag hindi kayo nanalo ako magtatakwil sayo," sagot ko naman sa kanya.

"Nga pala Four, kailan nga ulit 'yung sayo?" tanong ni Ford. Ang tinutukoy niya ay 'yong sinalihan kong competition. Track and field tapos Archery.

"Mamayang hapon," maikling sagot ko.

Aside from sports, I know Nine will also compete academically. Genius 'yun eh?


"Sh*t! Nine win 2 competitions already. Quiz bee and Chess," ani Taen.

"Ang alam ko kasali din siya sa debate kasama si Neua. Gusto niya rin sana sumali sa basketball kaso conflict sa game nila," saad naman ni Stan.

"Ang talino talaga ng ex-like mo Quatro, ano kayang pagkain niya araw araw baka sakali," sabat naman ni Min.

"Tss! Pare parehas lang tayo ng kinakain ang pinagkaiba lang, sadyang may utak lang si Nine," sagot ni Stan sa kanya.

Sinamaan naman siya nito ng tingin, "At sinasabi mong wala akong utak?"

"Oh! Hindi ako may sabi niyan ah, Ikaw," pag kibit balikat niyang saad.

"Abat! Nanggag*go kana naman ba?!" akmang aambahin niya si Stan pero napigilan naman siya nina Taen at Ford.

"Oiie!!​ Kailan ba kayo titigil na dalawa? Baka sa susunod malaman namin na kayo na palang dalawa. Maunahan niyo pa si Four," pahayag ni Taen.

"Yuck/Eck!" sabay nilang reaction sa sinabi ni Taen.

Nagkukulitan pa sila ng mag announce na magsisimula ang Cheerleading competition. Sa gymnasium ginanap. Kasabay ng competition nina Min ang laro din nila Nine.

Nine and Aydin will play football. Kaya for sure Mond and Neua will be there to watch. Kung hinahanap niyo si Hia Win at Merkin pati other council, sila kasi in charge sa school events.

"I can't watch fully, magsisimula din ang competition ko. I'll leave ahead." paalam ni Ford.

"It's okay Ford. Galingan natin," Min said with enthusiasm.

Nagsimula na ang competition, pero 'yung utak ko lumilipad sa laro nina Nine.

"Hoy Quatro! Ano ba? Nasa ibang planeta ka ba? Wala kang ka rea-reaksyon dyan," sita sakin ni Stan.

"Ayan na! sina Min na!" sigaw ni Taen. Bigla naman ako kinabahan para kina Min. Alam ko magaling sila pero ayoko talaga nitong club niya. Kaluluwa ko yung lumilipad sa tuwing nagpeperform at exhibition sila.

Naka focus lang ako kina Min. Sina Stan at Taen naman todo sigaw sa pagchecheer.

"GO MIN! WOAH! HUWAG MO KAMING IPAPAHIYA! " sigaw ni Taen.

"MIN KAPAG NANALO KAYO, HINDI NA KITA BABADTRIPIN NG MADALAS!" sigaw din ni Stan.

Sobrang ingay ng gymnasium. Sigawan, hiyawan, cheering 'yan ang maririnig sa buong gymnasium, kahit ako napapa cheer din kay Min. Hanggang sa matapos ang performance nila ng may hiyawan pa din.

Medyo kumalma na ang mga students ng nagkaroon ng 5 minuntes break. Hanggang sa may mga bagong dumating na studyante.

"Nine is a mess, last round nalang, kapag hindi sila nakabawi for sure lose to lose ang laban," Saad ng isang studyante na bagong pagong pasok para siguro manuod.

NOTHING'S GONNA CHANGE MY LOVE FOR YOU Where stories live. Discover now