Kabanata 1:Ang Simula

2 1 0
                                    

Ako nga pala si Alex. Marahil ay gusto niyo nang malaman ang kwento ko. Kung paano na ang isang babaeng tulad ko ay nakapaghigati,ang dati nilang inaapi at ngayon ay nang-aapi sa kanila.

Ganito, sisimulan ko ang kwento ko mula sa aking pagkabata. Kung paano ako nawalan ng mga magulang at kung paano ako namuhay bilang isang ulilang lubos.

Noong ako ay nasa ika 7 taong gulang pa lamang ay nagtitinda na ako ng mga pagkain na niluluto ng aking ina. Kasama ko ang aking ina na si Mirna sa pagtitinda nito. Ang aking ama naman ay isang tricycle driver.

Isang araw,habang papauwi kami ng aking ina sa aming bahay,naabutan namin ang aking ama na may kausap na lalaki. Hindi ko kilala ang lalaking iyon ngunit,napansin ko ang kaniyang braso na may tattoo na patalim. Nang makita kami ng lalaki,umalis siya agad at nag paalam sa aking ama. Tinanong ng aking ina sa aking ama kung sino ang lalaking iyon ngunit ang tugon niya ay isa lamang itong kaibigan na nangangamusta.

Maya maya lamang ay pumasok na kami sa aming bahay at kumain. Matapos naming kumain ay natulog na ang aking ina para makapagpahinga. Samantala,nakita ko naman ang aking ama na may kausap sa kaniyang telepono. Hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan ngunit tila ba ay balisa ang aking ama. Hindi siya makali at hindi malaman ang kanyang gagawin.

Makalipas ang ilang sandali ay pumunta siya sa labas at ginamit ang aming tricycle. Hindi ko na lang pinansin ang kaniyang pag-alis at tinabihan ko na lamang ang aking ina at natulog. Sa aming pag-gising,hindi namin nakita ang aking ama. Nagtaka kami,lalo na ako dahil alam ko na mahigit limang oras na ang nakalilipas mula nung siya ay umalis.

Dahil don,hinanap namin si papa. Lumabas na kami ng bahay upang magtanong-tanong at nagbabakasakali na may nakakita sa kanya. Sa aming pagtatanong-tanong, may biglang lumapit sa amin at sinabing "Yung asawa mo,binaril!". Nagmadali kami nung oras na yon. Nakita namin ang katawan ng aking ama. Nakabulagta,sira ang tricycle at may tama ng baril sa ulo. Sa mga oras na iyon,nanginginig ang buong katawan ng aking ina at patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha.

Samantala,ang aking sarili naman ay bigla nalang natulala. Marahil ay natatakot,nagagalit o di kaya ay nalulungkot ako nung mga oras na iyon. Hindi ko alam. Halo-halo ang aking emosyon nung mga oras na iyon. Pero sa totoo lang,mas matatag ang aking kalooban kaysa sa aking ina kaya siguro hindi man lang o wala man lang pumatak na luha mula sa aking mga mata.

Ilang sandali lamang ay bigla ko nalang hinila at dinala sa police station ang nakikita raw sa namaril sa aking ama. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang yon ginawa. Mabuti nalang at nagbigay naman ng statement ang saksi sa nangyaring pamamaril sa aking ama. Isinaad niya na lalaki ang bumaril. Lalaking may tattoo na patalim.

Oo,siya nga. Ang lalaking nakita namin ng aking ina at ang lalaking pumunta sa bahay namin. Dahil sa aking mga narinig,sinabi ko sa pulis ang aking pagkakakilala sa lalaking iyon. Sinabi ko na nakita ko ang lalaking iyon at natatandaan ko pa ang kanyang muka.

Ipinahugit ng pulis ang muka ng lalaking iyon. Matapos nito ay ipinakalat na ang larawan sa telebisyon at sa mga police station upang mapadali ang paghuli sa lalaking pumatay sa aking ama.

Umuwi ako sa aming bahay ngunit wala doon ang aking ina. Nagtataka ako dahil sa aking pagkaka-alam ay nakauwi na siya at nasa morge na ang aking ama. Maya-maya pa ay May dumating sa aming bahay. Dumating ang isang pulis at sinabi ang masamang balita na nagpalugmok sa akin. Sinabi niya na patay narin ang aking ina. Nagpakamatay daw ito. Tumalon daw ito mula sa isang mataas na gusali sa aming lugar. Pero hindi ako naniniwala. Kilala ko ang aking ina,hindi siya isang makasarili na tao. Alam niyang nawala na sa akin ang aking ama kaya sigurado akong hindi niya ako hahayaan na mawalan pa ng ina. Hindi niya hahayaang mawala siya sa akin. Mahal na mahal ko ang aking ina at ganon din siya sa akin.

Noong mga panahong iyon ay iniisip ko na maaaring may kinalaman din ang lalaking iyon sa pagkawala ng aking ina. Pero,wala akong ebidensya na magpapatunay na siya nga ang nasa likod ng pagkamatay ni ina. Makalipas ang ilang araw,dumating na isa sa pinaka-kinatatakutan kong mangyari. Ito ay ang araw kung saan kailangan ko ng ihanda ang aking sarili upang magpaalam sa aking ama't ina. Oo,tama kayo. Ito ang araw kung kailan nakatakda silang ilibing.

Iilan-ilan lamang ang pumunta. Wala man lamang pumunta na kamag-anak ng aking ina o ama. Hindi ko alam kung bakit pero,ang alam ko lang ay wala silang pakialam sa amin. Dahil kahit kailan ay hindi sila nangamusta. Kahit pa ang mga kapatid nila ay wala sa kanilang pakialam. Sa pagkaka-alam ko ay itinakwil ang aking ama't ina ng kanilang mga kamag-anak dahil tutol sila sa pagsasama ng aking mga magulang. Kung sabagay,hindi naman namin sila kinailangan para kami ay mabuhay. Sa pagsisikap pa lamang ng aking mga magulang ay nabuhay ako. Kahit kaunti lang ang kanilang kinikita araw-araw.

Marahil ay magugulat kayo sa aking sasabihin sapagkat,ilang araw pa lamang ang nakalilipas mula noong nailibing ang aking mga magulang ay pumunta ang aking lola,ang ina ng aking ama. Nagulat ako dahil ngayon ko lamang nakita ang aking lola at hindi lang iyon,May mga bodyguards pa siya, ipinapakita lang nito na mayaman siya.

Sinabi niya sa akin na kapag sumama ako sa kanya,ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ko. Pag-aaralin niya raw ako hanggang makatapos ako at gusto niya raw na ako ang magmana balang araw ng lahat ng kanyang mga ari-arian. Nagulat ako sa sinabi niya,lalo na sa edad kong ito!? Ako ang magiging tagapag-mana!?

REVENGE: The Girl and Her True Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon