Makalipas ang ilang saglit,dumating naman si Luna at nagtanong kay Madonna,"Ma,totoo ba?! Ampon lang ako?!"-saad niya. Itinanggi ito ni Madonna at sinabi na hindi ito totoo pero alam naman ni Luna na nagsisinungaling siya kaya tinanong niya ulit si Madonna. "Ma,ito na ang huling pagkakataon na tatanungin ko kung ampon ba talaga ako kaya please,sabihin mo nalang ang totoo!!!" -saad ni Luna.
Nagulat si Luna at umiyak ng sumagot si Madonna ng "Oo",ipinaliwanag niya ang nangyari at sinabi ang kung sino ang tunay niyang mga magulang. "Isang beses,nanganak ako sa isang ospital pero nagkaroon ng sunog at nung mga oras na iyon hindi kita makita kaya dumiretso ako sa kung saan yung mga baby,hindi ko alam kung bakit pero bigla kitang kinuha at itinakbo papalayo. Inalagaan kita na para kong tunay na anak hanggang sa, nito ko lang nalaman na ang tunay mo palang mga magulang ay sina Mirna at Ronaldo Adolfo,ang mga adopted parents ni Alex"-saad ni Madonna.
Nasaktan din ako sa mga narinig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Pero sinubukan kong makawala mula sa pagkakatali sa akin. Kinuha ko ang baril na dala-dala ko at itinutok kay Madonna. Naki- usap naman si Luna na wag patayin ang kanyang itinuring na ina. Pero sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat ng pinag-gagagawa niya sa pamilya namin. Sinabi ko sa kanya na pinatay niya si lola,yung imbestigador,at ang mga tunay niyang magulang na sina tita Mirna at Ronaldo.
Biglang tumayo mula sa pagkaka-upo si Luna at kinuha ang aking baril. Itinutok niya ito sa itinuturing niyang ina na si Madonna. Nagmaka-awa naman si Madonna na wag siyang barilin. "Anak,please,wag mong gawin sa'kin to. Minahal naman kita bilang tunay kong anak kahit hindi naman talaga kita kadugo di ba? Please, maawa ka naman sa akin"-saad ni Madonna pero tumanggi naman si Luna. "Bakit ako maawa sa iyo eh kung hindi ka nga naawa sa sarili mong magulang at mga kapatid!!!" -saad ni Luna. Samantala,patuloy ang aking panunulsol para ituloy niya ang pagpatay kay Madonna. Ngunit,tila siya ay natuliro at biglang itinutok ang baril sa kanyang ulo. "Hindi ko na alam ang gagawin ko!!! Hirap na hirap na ako sa buhay ko!!! At bago ko tapusin ang buhay ko,gusto ko munang sabihin sa inyo ang mga sikreto ko. N-n-na-rape ako at ngayon ay-----buntis ako"-saad ni Luna.
Nagulat kami sa mga sinabi niya at naawa dahil sa naranasan niyang karahasan mula sa ibang tao kahit wala naman siyang ginawang masama. Hanggang sa,binaril niya na ang sarili. Nasalo siya ni Madonna mula sa pagbagsak. Inutusan ko ang mga nakabantay na lalaki sa amin. Lahat sila ay mga tauhan ko kaya nagulat si Madonna nang ipadakip ko siya at ipinadala sa police station. Dinala ko si Luna sa ospital. Inoperahan siya at buti naman ay naka-survive siya. Sa ngayon ay iniintay ko nalang ang paggising niya. Sabi naman ng doktor,maaari raw na may mga detalye o pangyayari na mawawala sa kanyang utak kaya dapat ko daw itong paghandaan. Samantala,si Madonna naman ay tuluyan ng nakulong. Habang buhay na siyang makukulong dahil sa dami ng kanyang pinatay. Pero,di pa man nagtatagal ang kanyang pagkakakulong,nabalitaan ko na patay na siya. Sinaksak niya raw ang kanyang sarili at iyon ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
BINABASA MO ANG
REVENGE: The Girl and Her True Identity
Historia CortaAng REVENGE ay tumutukoy sa mga kwento ng paghihiganti. Ito ay may iba't ibang kwento at ang unang kwento nito ay tungkol sa isang babae na nakaranas ng kalupitan at karahasan mula sa ibang tao. Naranasan niya ang hirap ng pagiging isang ulila. Gina...