Kabanata 10:Ang Wakas

1 1 0
                                    

Makalipas ang isang taon,nagising na si Luna. Magaling na siya pero may mga ala-alang nawala sa kanya tulad nung nangyari sa adopted mother niyang si Madonna. Ang alam niya lang ay mayroon siyang mapagmahal na mga magulang na sina Mirna at Ronaldo. Naging close rin kami sa isa't isa na para bang tunay kaming magkapatid.

Isang araw,may babaeng lumapit at nagpakilala sa amin. Sinasabi niya na siya raw ang tunay na anak ni Madonna. Pina-DNA test namin siya para makasiguro kami. Ginamit namin ang buhok mula kay Madonna para sa DNA test. Ilang araw ang lumipas,lumabas ang resulta. Nakasaad dito na siya at si Madonna ay tunay ngang mag-ina. Alam niyo ba ang pangalan niya? Nakagugulat man pero,Madonna rin ang pangalan niya.
Mula noong malaman namin yon, lagi na kaming magkasama. Lagi kaming pumupunta sa mga lugar na gusto naming puntahan.

Mas lalo kaming naging close na tatlo. Mas lalo kong napalago ang negosyo kong restaurants,si Luna naman mas lalong napalago ang business ng aming pamilya at si Madonna naman, ay nagsimula na rin ng kanyang negosyo. Nagtayo siya ng sarili niyang clothing line. Ngayon,masaya na kaming lahat. Wala kaming problema sa isa't isa. Higit sa lahat,walang bagay na makasisira sa pagkakaibigan naming tatlo.

Kung may natutunan man ako sa mga naranasan ko sa buhay yon ay ang pagpili na maging mabuting tao. Kung tutuusin,wala namang naidulot na maganda ang sinumulan kong paghihiganti,nauwi rin naman ito sa pagpapatawad. Hindi ko man nakamit ang gusto kong uri ng paghihiganti kay auntie at iba pang tao na pumatay at nagpahirap sa mga mahal ko sa buhay,masaya na ako kung ano ang kinahinatnan ng buhay ko. Kuntento na ako sa kung ano ang mayroon ako. Masaya na ako sa buhay ko at wala na akong mahihiling pa.

"Sa buhay nating ito,minsan makakaranas tayo ng mga bagay na sa tingin natin ay makakapagpalugmok sa atin. Minsan,pumapasok sa ating mga isipan na kailangan nating gumanti sa mga taong nagpahirap sa atin o sa ating mga mahal sa buhay pero,tandaan natin na hindi ang paghihiganti ang solusyon. Dahil hindi natin kailangang manakit ng ibang tao para maramdaman natin na nakamit natin ang hustisya."

REVENGE: The Girl and Her True Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon