Kabanata 5:Blackmail

2 1 0
                                    

Pinagpiyestahan ng mga tao ang video ni auntie Madonna. Galit na galit ang karamihan sa kanyang ginawa dahil masama daw siyang impluwensya sa mga kabataan na humahanga sa kanya. Ang iba naman ay nagsasabing edited daw ito kaya hindi sila naniniwala.

Samantala,nagpa-press conference si Luna para linisin ang kalat ng kanyang ina. Siyempre,katulad ng ginagawa ng ibang mga tao,binaliktad niya ang hindi kaaya-ayang ginawa ng kanyang ina. Marami ang naniwala pero mayroon ding hindi.

Pero,bago pa man matapos ang conference na iyon,nagkagulo ang lahat. Isang reporter kasi ang bigla nalang nagpasabog ng smoke bomb. Nakaalis naman agad si Luna. Napatanong ba kayo kung bakit ginawa iyon ng reporter? Siyempre, ako ang may kagagawan non. Ang reporter na iyon ay tauhan ko rin. Kung alam niyo lang kung gaano kadami ang tauhan ko tiyak na magugulat kayo. Nagkalat sila at ang bawat isa ay nakatuon kay auntie Madonna at Luna.

Para tuluyang mabalot sa takot na malugmok si auntie Madonna,ginamit ko na ang video kung saan nag-take siya ng drugs. Blinack-mail ko siya. Sinabi ko sa kanya na kailangan niya akong bigyan ng malaking halaga ng pera para hindi ko ilabas sa publiko ang video niya. Pumayag naman siya at tinupad ko ang usapan namin. Sa oras ng pagbibigay niya ng pera, inutusan ko ang reporter na nagpasabog ng smoke bomb,ang pangalan niya ay Nina.

Samantala,nagpunta si Luna sa isa sa mga branch ng aming restaurant. Ipinaalam agad ito ng isa sa mga staffs sa akin kaya gumawa agad ako ng aksyon. Pumunta din ako doon. Nakita ko siyang kumakain ng dessert kaya nilapitan ko siya. Natandaan niya ako mula sa pagkakita niya sa akin doon sa nangyaring event pero, sinungitan niya ako kaya naman nagalit ako. Tinapunan niya ako ng tubig sa damit kaya gumanti ako sa kanya. Kung inaakala niyo na ginawa ko yung ginawa niya sa akin, nagkakamali kayo. Sinabi ko sa kanya na ako ang may-ari ng restaurant na iyon kaya pinaglinis ko siya ng sahig at pinagligpit ng pinggan. Mas okay na yon kaysa tapunan ko lang siya ng tubig. Pagkatapos non,nagmadali siyang umalis at sinabing ire-report niya daw ako sa pulis pero hindi ko nalang ito pinansin at wala din naman akong pakialam.

Makalipas ang isang araw,pumunta si Luna at auntie Madonna sa restaurant na iyon at ipinatawag ako. Mayroon din silang kasamang mga pulis. Pero siyempre,hindi na ako nagulat dahil tinawagan ako ng spy ko at sinabing pupunta sila dito kaya pinaghandaan ko rin sila.

Nagreklamo at pinagsisigawan ako ni auntie Madonna. Sinabi niya sa akin na makapal ang muka ko para utusan si Luna na maglinis sa restaurant samantalang siya ang customer. Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari pero kinampihan niya pa rin ang kanyang anak. Ang hindi nila alam,naka-live stream ako at kitang- kita at rinig na rinig ang pag-uusap namin. Hindi rin tumagal ay nalaman na nila ito. Kaya naman,pinakita ko sa live stream ang video kung saan nag-take ng drugs si auntie Madonna. Nagulat at nagalit si auntie kaya dali- dali silang umalis. Nag-viral naman ang ginawa kong live stream at nagkalat ito sa buong social media. Dahil dito,nagtago si auntie Madonna at Luna. Hinahanap naman sila ng mga media para hingan ng pahayag tungkol sa video. Marami din ang gusto akong makausap para malaman ang source at kung totoo ba talaga ang video na hawak ko.

Isang araw,nagdesisyon ako na magpa-interview sa media para mailantad ko ang sikreto ni auntie Madonna. Nagpakilala muna ako at ipinakita ang video. Sinabi ko sa kanila na ako mismo ang kumuha ng video na iyon. Sinabi ko na pumunta ako sa isang bar at nakita siya na gumagamit ng drugs kaya kinunan ko siya ng video. Sinabi ko na concern lang ako sa mga sumusuporta kay auntie dahil maaaring maimpluwensyahan din sila nito. Matapos ang press conference, tinawagan ako ni auntie at sinabi niya na gusto niya akong makita at maka-usap.

Nakipagkita ako sa kanya at pinagbantaan niya ako. Sinabi niya na mapapahamak ang buong pamilya ko kapag hindi pa ako tumigil. Hindi na ako natakot dahil una sa lahat wala naman na akong pamilya. Tinanong niya ako kung sino ba talaga ako at kung bakit ko ginagawa ang mga ito sa kanilang mag-ina. Ngumiti na lang ako at sinabi ko sa kanya na hindi pa ako tapos at nag-uumpisa pa lamang.

REVENGE: The Girl and Her True Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon